Paano Ba Maging Happy Ang New Year?

  1. Matulog ka nang maaga. Sana’y  patawarin mo na ang sarili mo sa mga bagay na hindi nagawa ngayong araw. At pakawalan mo na lahat ng mga takot at pangamba.  Hayaan mong lamunin ka ng napakarami mong unan at tanggapin ang biyayang tulog na hatid ng gabi. =)2. Gumising ka nang mas maaga kesa sa alarm clock mo. ^_^  O kaya nama’y ikaw na ang sumalubong kay haring araw ngayon.  Hayaan mong ito ang maging una mong tagumpay ngayong araw.

    3. Suotin mo yung bagong bili mong sapatos. Oo, yung flexible, na may memory foam,tsaka kulay pink at kung ano pang anek-anek. Hahah.  Hayaan mong madumihan at masira ito dahil tumakbo ka sa kung saan-saan, hindi dahil napuno ng alikabok.  Ok lang kahit ilang beses mo na itong sinubukan at ilang beses ka ring pumalya. Patawarin mo na ang sarili  mo sa mga nagdaang taon. Sige lang, takbo lang.=)

    4. Makinig sa paborito mong kanta habang tumatakbo. Ok lang kahit na mukha kang baliw na nakangiti habang tumatakbo. Ngiti ka lang. At kalimutan kung nakailan ka ng hakbang.

    5.  Lunurin mo ang sarili mo sa tubig. =)  Libre yan. Mura lang yan. Inom lang. Ramdamin ang hagod at ginhawang hatid nito.

    6. Matutong magluto ng sarili mong almusal. Ikaw na sumagot sa sarili mo kung scrambled o sunny side-up; maghiwa ng kamatis; maglagay ng butter o mantikilya sa wheat bread. Wheat bread, para healthy-healthyhan. At siyempre, wag kalimutan ang  isang tasa nang mainit na kape.

    7.  Kumanta habang naliligo. Kumanta ng malakas. Kumanta na para bang nag vi-videoke. Gumawa ng maraming bubbles. Damihan mo yung shampoo.Ganun.   Magpanggap na para kang commercial model ng sabon o shampoo. Hahah.

    8. Pumili ng damit na komportable a confident ka. Yung tipong, simple pero rock.  Pumili din nang naaayon sa okasyon. Hahah.

    9. At bago simulan ang libo-libong trabaho ngayong araw.  Hingang malalim. At magpasalamat muna sa Maykapal na isa ka sa may biyayang tinatawag na “pinagkakakitaan”.  Isa-isa lang. Siguraduhing hindi nauubos ang oras mo sa kakatsismis o social media. I-congratulate mo ang sarili mo sa mga natapos mo. Try to own up sa sariling pagkakamali. Magpasalamat sa mga tumulong. At tanggapin na hindi mo matatapos ang trabaho sa isang araw lang. Ika nga ni Santino, may bukas pa.

10. Maglaan ng oras para sa mga minamahal. Mag dinner sa labas kasama si significant other o kaya mag -coffee kasama pa ang ibang mga Titas. Mag-tea. Pabayaan muna si cellphone. Magkwento. Makinig. Tumawa. Mag-drawing ng travel goals. Tumawa ulit. At palipasin ang oras.

11. At bago matapos ang araw. Magsulat. Oo. Yung mga nakuha mong journals at ballpen na iba-iba ang kulay, galing sa Kris Kringle, gamitin mo.Lista mo yung mga kaaway mo, doon sa Death Note mo(joke lang). Lista mo nang matuto kang magparaya at magpatawad. Mag let go.  Lista mo rin yung mga nagpapasaya sa’yo. Ang mga pinasasalamatan mo.  Nang matuto kang magbilang ng biyaya.

12. At higit sa lahat, huwang mong kakalimutang magdasal. Humingi ng tawad sa pagkakamali. Magpasalamat sa mga biyaya. Ipagdasal ang kaligtasan ngayong gabi. At humingi ng lakas at gabay sa bukas na naghihintay. =)

happy pic

Advertisements