Kwentong Asukal,Kwentong Negros

Katatapos lang ng Acquaintance party ng regional organization(Negrense) namin, kaya nangangamoy ako ng harina, kape, toyo,saging,asukal,egg yolk at kung anu-ano pa(pati sariling amoy ata). Ang mga nabanggit ko ay hindi naman ginamit pangluto, kundi para sa initiation sa first years, feeling frat kasi kami.

Hindi naman nagalit ang mga first years, ang mga upperclass naman ay halatang nag-eenjoy na maghigante sa ginawang initiation sa kanila nung first year pa lang sila. Ako naman ay nag-eenjoy lang na kumain dahil absent pala ako nang acquaintance party nung freshman pa lang ako . =) Naisip ko pa na pwede sanang gawing “kumbo” yong pinaghalong itlog,asukal,harina,  at saging, sayang talaga.

Masaya ang party dahil una may pagkain, pangalawa, may games, at pangatlo, may sobrang pagkain. Para sa akin hindi naman bawal maglaro kahit tumatanda ka na. Mas lalong di bawal humagikhik,tumawa, at maging masaya kaya tumawa ako ng malakas, walang sawang humagikhik, at naging masaya kanina.

Palagi akong naiinis kapag hinuhusgahan kami ng ibang tao dito sa school. Sabi kasi nila “mayabang”  daw ang mga Negrense.  Gusto ko sanang sabihin na malaki ang kaibahan ng mayabang sa may ipagmamayabang pero di naman yun totoo sa lahat, gaya ng pagiging di totoo na mayabang kami. Magaganda lang talaga ang mga taga-Negros, sweet, masarap magmahal, matalino, mabait, perpekto, at higit sa lahat, napaka-humble.

Kahit na ang Negros ay naging Repulika noon, ibig sabihin ay hiwalay sa Pilipinas(hindi literally ha!) at may sariling presidente, hindi totoong pinapala ang pera sa Negros. Kung sakaling magdala kayo ng pala papuntang Negros,  gamitin mo na lang kung mag-aaplay kang construction worker para magkapera ka .

Kilalang-kilala ang Negros dahil sa “Masskara Festival” ng Bacolod. Akala ng iba,ibig sabihin ng pistang yan ay masaya kami dahil maunlad ang lugar namin. Ang pistang yan, sa totoo lang ay sinimula pagkatapos ng “Don Juan Sea Tragedy”  kung saan may humigit-kumulang 400 kataong namatay, karamihan ay Negrense. Ang industriya ng asukal ay bumagsak din ng mga panahong yun kaya lubusang nalugmok sa kahirapan ang Negros, 85% ng populasyon ang bumaba sa poverty line. Dahil sa kahirapan, ang Negros ay naging isa sa may pinakamaraming undermalnourished na bata sa Pilipinas, binansagan pa silang “mga batang Negros”.  Sinimulan ang Masskara Festival, hindi para ipakitang masaya kami dahil maunlad kami, kundi para mapaalala sa amin na ngumiti lang kahit sa gitna ng problema.

Sa ngayon, sa palagay ko, unti-unti ng nakakabawi ang Negros, dahil pinapakita naming hindi lang asukal ang meron kami.   Ang mga ngiti kanina ay mas matamis pa sa asukal. Nawala ang Regional Organization namin ng dalawang taon dahil nawalan kami ng pag-asa, pero kanina naipakita naming kaya namaning tumayo at magsimula muli.  Ang alam ko, hindi ako mayabang  dahil  Negrense ako pero maipagmamayabang kong ako ay isang Negrense. May kaibahan.

Sa araw na to’ yan ang  kwento ni Kat.

Masskara Festival sa Bacolod

Masskara Festival sa Bacolod

Sandy Beaches in Negros

Sandy Beaches in Negros (note: the picture was copied from http://www.byahilo.com/2008/04/01/basking-in-the-sun-sea-and-sand-in-negros-occidental/)

"The Ruins" sa Bacolod-Talisay City, Negros Occidental

"The Ruins" sa Bacolod-Talisay City, Negros Occidental

Casaroro Falls sa Valencia, Negros Oriental

Casaroro Falls sa Valencia, Negros Oriental

Dauin, Negros Oriental

Dauin, Negros Oriental

note: ang mga larawan ay hindi ako ang kumuha, asa pa akong ganyan ako kagaling, nakopya ko lang yan sa internet gamit ang keywords na Negros Occidental at Negros Oriental. =)

13 thoughts on “Kwentong Asukal,Kwentong Negros

  1. Dami kong natutunan. Ang ganda ng pag-akyat ng diwa ng kuwento, mobile kasi ako, di ko alam na may mga pictures, akala ko tungkol lang sa org ninyo. Asan ang pics from the partey, Kat???

    • dahil naghihirap ako at hindi makabili ng camera, wala akong pictures from the partey. =) di pa daw na-upload ng iba ang nakuha nilang pictures. ina-advertise ko ang Negros dito eh, kaya Punta na! hahah.😀

  2. sunnystarfish says:

    Masaya diyan, naassign ako ng dalawang buwan sa Bacolod. Napuntahan ko yung Ruins at Mambukal, saan yung beach na yun??? Sayang di ko nalanguyan…

    • katrinadanieles says:

      mabuti naman at nag-enjoy ka sa bacolod!=) nakapunta na rin ako sa Mambukal, saya! =) yung may white sand? =) sa Sipalay ata yun. =)

      • sunnystarfish says:

        Ah Sipalay pala yun, medyo malayo na kasi kaya di ko napuntahan. Hanggang 3rd falls lang ako sa Mambukal kasi biglang umulan, madulas na yung mga bato. Oo masaya sa Bacolod, steady lang ang buhay, sa sobrang saya ko dalawang beses akong naligaw hehe.

      • oo nga eh
        mahirap ang malabel ng mayabang or something bad in general.
        palagay ko naman impression lang nila yun or kung naexperience naman nila yun sa negrense at kapampangan isa lamang itong isolated case (nagdepensa talaga)

        stereotyping/labeling palagay ko kat kaparte na ng mundong ginagalawan natin.

        kumbaga ang importante alam natin kung saan tayo tumatayo at ang ating tinatayuan. we can’t please them, all.

      • katrinadanieles says:

        oo nga, ambilis naman kasing humusga ng mga tao, at guilty rin po ako.. meron talagang mga tao na hindi tayo magugustuhan kasi di namn lahat magkakapareho.. =)

        Sabi ksi nila flashy raw lifestyle ng mga Negrense, ewan ko nga eh, di namn lahat.. dumepensa rin. hahah. =)

        kuya pong, salamat po pala sa pagbisita sa blog ko! =) na-appreciate ko po talaga. =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s