Charice:Panget?

Guys, alam niyo bang nagpabotox si Charice?

Bungad nang classmate namin na para bang kapitbahay lang din namin si Charice. “Talaga? Bakit naman?”;  tanong ko naman na para bang seatmate ko lang si Charice na hinihingan ko ng 1/4 sheet of paper kung may pop quiz.

Nabasa raw niya sa PDI na dahil sinabihan ang dalagang masyadong bilugan ang mukha niya para sa role niya sa show na “Glee”.  Dahil sa plastic surgery ng 18 taong gulang na bata, may ibang face muscles na siyang na-immobilized pero di naman naapektuhan ang tinig ng dalaga.
null

Naisip ko lang tuloy,matapos kong subaybayan ang Glee, parang bigla na lang ayaw ko nang manuod nito. Napaka-ironic lang kasi na ang show na parang nagsasabing hindi dapat tayo mahiya sa ating kapansanan, kapalpakan, kulay, pagkatao, at paggiging imperpekto ay siya ring show na nagsabi sa isang 18 taong gulang na bata na magpa-botox dahil hindi siya ganun kaganda.Sino  pa ang maniniwala sa mga sinasabi nila kung hindi naman pala nila pinanninindigan ang salita nila? Para sa’kin, maganda na si Charice sa kung sino siya. Para sa’kin, hindi niya kailangang baguhin ang kung anuman sa kanya dahil lang sa iba.

Hindi ako isang Charice Pempengco fan, pero isa akong pinay na naniniwalang may sariling ganda ang mga Pilipina, naiiba man kulay at pagkatao nila kesa sa iba. Isa akong babaeng naniniwalang ang ganda ng isang dalaga ay hindi nababase sa hugis ng kanyang mukha, kundi sa kung paano niya nadadala ang sarili niya. Isa akong bata naniniwala hanggang ngayon sa nanay ko na ako ang pinakamagandang ipinanganak sa mundong ibabaw. Isa akong  taong naniniwalang hindi ko kailangang maging maganda sa mata ng lahat dahil alam kong may mga taong nagmamahal at mamahalin ako sa kung sino ako at kung anuman ang mukha ko.

Sa araw na ‘to, yan ang kwento ni Kat.

12 thoughts on “Charice:Panget?

  1. Yeah. Base ako. Hehe. Nabanggit ko din ito dun sa underground crib ko na unrated, url? Secret. LOL

    Tsaka sumikat na siya’t lahat ngayon pa ba siya mako-conscious sa hitsura niya? Sabi may kinalaman daw sa isang muscle na nagloloko, howell.

  2. ay panalo ka girl sa iyong mensahe. i love it!

    yan din sana sasabihan ko e, kaso nai-post mo na. heheh

    pero actually hindi ako pamilya sa glee. hindi ko siya napapanood. pero kahit ano pa man. doon pa rin ako sa mensahe na sinabi.

    pang world peace este ms.universe ang dating eh.

    mabuhay!

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) ganun? nasabi ko ng di ako si halili di’ba? hahah. =) kung ano ang desisyon niya, di na mababago ngayon. =) pero ang mensahe, para sa nagkaroon ng low self-esteem dahil sa sinasabi ng iba. =) feeling ko kasi kaya nagdesisyon siya ng ganun kasi parang naka-feel siya ng inadequacy, na di naman dapat, kasi maganda na siya sa natural niyang mukha. magandang araw rllqph! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s