Kwentong Modelling?

Ubos ang boses ko sa kasisigaw sa mga models ng Hinugyaw(Annual Fahion Show Competition sa school). Hindi ko alam kung bakit ba kailangan kong sumigaw pero sumisigaw pa rin ako kaya heto, nagdurusa ako na para bang singer daw ako na na namalat at para ring sumali sa frat kaya masakit ang katawan.

Dahil inaantok na ko, bukas na lang ako maglalagay ng pagsasalarawang Hinugyaw at mga interesanteng bagay ukol dito. Sa ngayon ay magsasalita lang ko na parang engot.

Habang tinititigan ko ang mga models, naisip ko na noong nagpaulan ang Diyos ng kagandahan ng mukha at katawan ay wala silang payong. Ako nama’y tinanghali ng gising kaya tapos  na ang ulan, tulog pa rin ako. Salamat na lang sa nanay ko na pinaniwala akong ako ang pinakamaganda. hahah. Marami pala akong kilala sa mga nagmodelo. Kung tinitignan sila sa malayun, parang maganda lang sila, pero higit pa sila sa ganda at gwapo lang nila.

Pagkatapos ng modelling competiton, naisip ko na sana hindi ako tignan ng mga tao   na parang model, kasi ang mga model, hinuhusgahan lang sa damit, hugis ng katawan, at kagandahan ng mukha. Di importante ang talino ng modelo kasi di naman sila nagsasalita at sumasagot ng miss universe question na world peace lang pala ang sagot. Di rin importante kung magaling silang sumulat o maggitara kasi ang basehan ng galing nila ay ang galing nila sa pagdala ng sarili. Kilala ko ang mga modelo dun, kaya alam ko na higit pa sila maganda nilang mukha, higit pa sila sa nakikita lang ng mata.

Hindi lang ang mga modelo ang ganun, tayo rin. Higit tayo o ang kapwa natin sa kung ano lang ang nakikita ng mata. Kung iisipin,ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ay hindi yong nakikita lang ng mata, kundi ang nakikita ng puso(naks!).

Dahil pagod ako sa kasisigaw, yan lang muna ang kwento ni Kat. =)

null

yung payong na sinasabi ko, yan yun. kaya ayan, bata pa lang, model na! hahah

Ikaw? Nangarap ka bang maging modelo? Kung oo, bakit? Kung hindi, bakit hindi? =)

10 thoughts on “Kwentong Modelling?

  1. we can be a model naman anytime we wanted…we are models in our own little way…sabi mo nga, its really the way we handle ourselves..

    hehhee..minsan na ako nag model modelan sa office…tae lang. walang kwentang model.ahaha

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) sabagay, ramp model dapat sinabi ko noh? =) talaga? nagmodel-modelan din ako noon, pagkatapos, di na ako kinuha after. hahah. =) magandang araw maldito! =)

  2. ang ganda ng post mo
    life realizations na plus factor talaga ang kagandahan pero ang talagang FACTOR ang kagandahan na hindi na-aagnas.
    The real beauty is inside us.
    We can be models kahit hindi rumarampa.
    Be blessed kat!

  3. sunnystarfish says:

    ako feeling model lang ahaha…pero nakapagramp din…astig lang yung experience parang super ganda mo ahaha….pero mas importante pa rin ang busilak na puso…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s