Bato,Bato sa Langit,ang Matamaan, wag Namang Magalit. =)

Pssst! Guys alam niyo bang si ano ni ano, naanuhan daw kasi ang ano daw inano nung ano eh.

Kung bawal ang pagtsitsismis, sa palagay ko, naging sardinas na ang mga kulungan ngayon at baka isa rin ako sa mga nakakulong. Ano ang tsismis? Bakit may tsismis? Sino ang nagtsitsismis? Pinagtsismisan ka na ba? Isa ka ba sa mga tsismoso at tsismosa o isa sa mga gustong mamatay na ang tsismoso a tsismosa?

Ano ang tsismis?

Ang tsismis ay yung kwento-kwentong daig pa ang fairytale sa ka-imposiblehan minsan. Madalas pinaniniwalaan kahit wala namang sapat na basehan. Para sa akin, ang tsismis ay yong kwentong sinasayang ang oras mo, oras ng iba, at sinisira ang mga taong ni hindi alam na nag-eexist ka pala.

Bakit may tsismis?

May tsismis dahil may mga taong bored sa buhay nila kaya pinapipyestahan buhay ng iba. May tsismis dahil may mga taong wala lang magawang mas paki-pakinabang kaya inuubos ang oras ng iba at laway nila sa pagsasabi ng mga kwentong di naman makapagpapaunlad ng Pilipinas.

Sino ang nagtsistsismis?

Ang nagtsitsismis ay yong nagkukwento ng tsismis at nakikinig o nagbabasa ng tsismis. Oo, kahit makinig ka lang o magbasa ng tsismis, nagtsisismis ka na rin.

Pinagtsismisan ka na ba?

Marahil oo, marahil hindi, pero ano pa man ang sagot, ayaw nating pinag-tsismisan tayo o kahit sino mang malapit sa atin. May nabasa akong tsismis tungkol sa kaibigan ko kaya naisip kong ang mga tao pala, minsan, hindi na iniisip kung makakasakit na sila ng iba. Hindi totoo ang mga paratang sa kaibigan ko, pero marami lang din kasing engot na nagpapaniwala sa mga ganyan. Totoo man o hindi ang isang paratang, nakakasira pa rin yun sa tao. Ano ba ang makukuha mo kung siraan mo ang iba? Alam niyo ba  na kung sinisiraan niyo ang ibang tao, nasisira din unti-unti kayo? Ang tsismis na sumira sa ibang tao ay pwede rin na maging tsismis na sisira sa’yo.

Isa ka ba sa mga tsismoso at tsismosa o isa sa mga gustong mamatay na ang tsismoso at tsismosa?

Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kailanman nagtsismis, pero isa rin ako sa gustong mamatay na ang mga tsismoso a tsismosa. Paano yan? Patayin ko na lang sarili ko? Hindi. Papatayin ko unti-unti ang pagiging tsismosa ko. Hindi ko hahayaan ang ibang nagtsitsismis na isipin nilang may makukuha silang atensyon dahil may dala-dala silang tsismis na hindi ko naman mapapakinabangan.

Huling Hirit.

Sa pag-tsitsismis, nasasayang ang laway sa pagsalita tungkol sa mga bagay na hindi makakatulong sa iba. Nasasayang ang boses na pwede sanang magamit sa pagturo ng iba ng mga mas kabuluhang bagay. Sa mga isinulat na tsismis, nasasayang ang pahina na sana’y nagamit sa mga impormasyong pwedeng makapagbigay ng magandang ideya sa iba. Nauubos ang oras na pwede sanang magamit para sa iba pang  bagay na may kabuluhan. Ang  salita ay makapangyarihan, pwedeng makatulong sa ibang tao, pwedeng makasira sa relasyon ng iba, pwedeng magamit  para kwentong kapupulutan ng aral o tsismis na parang pinulot lang sa kung saan. Sana’y respetuhin natin ang kapangyarihan ng mga salita, pero mas higit nating respetuhin ang ating kapwa.

Sa araw na ‘to, yan ang tsismis, este kwento ni Kat. =)
null

7 thoughts on “Bato,Bato sa Langit,ang Matamaan, wag Namang Magalit. =)

  1. Inferior minds talk about other people’s lives. Average minds talk about current events. Superior minds talk about ideas. Di ko alam kung tama pagkakaalala ko. Hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s