Isang Baldeng Tubig lang ang Puhunan

Papauwi na si Tess mula sa trabaho
Siya’y pagod at naghihingalo
Di inalintana ang dilim ng eskinitang tinatahak
Di iniisip, mga nakabantang pahamak

May batang lumapit sa kanya
Tiningnan ang kanyang mata
Ibinaling ang tingin  sa suot ng dalaga

“Palimos po”, ang saad niya.
Si Tess nama’y kinuha ang pitaka
Nagbilang kung ilan ang natirang kwarta
“Heto. limang piso para sa’yo”

Saad ng babaeng naghihingalo
“Salamat ate”, ang nasabi ng bata
At nagtanong sa dalaga
“Ano ba ang trabaho mo ate?”
“Sa trabaho mo, ako ba’y pwede ?”

Napailing si Tess at biglang tumawa
Sabay saad, “Ako’y nagbebenta”
“Magkano naman ang iyong  kinikita?”
“Di masyadong malaki ang halaga”

“Ate, magkano naman ang puhunan?”
“Wala”, saad ng dalaga.
“Ate, lahat nang nagbebenta may puhunan!”
“Hahah! Bata,isang baldeng tubig lang ang puhunan”.

“Masyado na tayong ginagabi
Kailangan ko nang umuwi”
Kaya agad namang nagpaalam sa isa’t isa
Ang dalawang ginagabi na

At sa bahay, agad hinalikan
Ang anak na pinanabikan
Pagkatapos ay nagmano
Sa may sakit na nanay at lolo

Dumiretso si Tess  sa kwarto
At agad naman umupo at pumwesto
Ibinaling na lang ang kanyang tingin
Sa  kanyang babasaging  salamin

Si Tess ay  biglang natulala
At sa kanyang mata’y may pumatak na luha
Umiyak, humikbi at humagulhol
Nagsaasalita ng kung anu-ano, parang ulol

Ang pag-iyak ay tinigil ng pilit
Kaya tumahan at natulala ulit
Naubusan ng salitang pwedeng bigkasin
At sa kawalan, nakabalin ng tingin

Pagkatapos, bigla na lang siyang tumayo
Pumunta agad sa banyo
Nang siyang lumabas na ng pinto
Agad namang bumalik ng kwarto

Humiga agad siya sa kanyang kama
Pinikit ang kanyang mga mata
Bago mahimbing na nakatulog sa kanyang higaan,
Naisip niya;Isang baldeng tubig lang ang puhunan.

-end-

Habang kasama ang mga kaibigan ko, parang may isang nagsabing may plano raw sila na pumunta sa isang strip club (ano kaya yan? parang club na bacon strips lang ang nasa menu?saya!). Nalaman ko naman na yun pala yung may patay-sinding ilaw at minsan may mali-maling spelleng at mga gramming error.  Dahil babae ako, quiet na lang ako. Sinabi naman nila na hindi kailangang sumama ang mga babae(oha!babae ako sa tingin nila!).

Ang totoo niyan, kilala ko ang mga kaibigan kong yun, at alam kong nagka-plano lang sila ng ganun dahil gusto  lang nila na may idagdag sila sa lista ng mga bagay na nagawa o mga lugar na napuntahan nila sa mundong ito,  at hind dahil pa sa ibang rason(mamatay man ang pusa ng kapitbahay mo). Sila kasi yung mga lalaking alam kong may respeto sa mga babae(char). Ang nasabi ko na lang..

“May mga kaibigan akong strippers, i mean prosti.”

Huwag niyo nang tanungin kung bakit, mahilig lang talaga akong makipagkaibigan kahit kanino, may kaibigan nga akong dinosaur at mga ninja(ewan ko kung paano nangyari yun, sabi pa nga nung isang dinosaur ang “rawr”, ibig sabihin “i love you”, pagkatapos yung “rawr” naman ay “pangit ka”, gulo nilang kausap. .yung mga ninja naman, bigla na lang nawawala habang kinakausap).

Ngayon, dahil nirerespeto ko ang mga kaibigan kong prosti(at naniniwala akong dapat silang respetuhin nng kahit sino), dahil alam kong tao rin silang dapat intindihin(at kayang umintindi sa iba), at dahil alam kong nasasaktan rin sila, para sa kanila ang post na ‘to..

Sa araw na ‘to, yan ang kwento ni Kat. =)
null

! st1:*{behavior:url(#ieooui) } –>

Isang Baldeng Tubig Lang ang Puhunan

Papapauwi na si Tess mula sa trabaho

Siya’y pagod at naghihingalo

Di inalintana ang dilim ng eskinitang tinatahak

Di iniisip, mga nakabantang pahamak

May batang lumapit sa kanya

Tiningnan ang kanyang mata

Ibinaling ang tingin  sa suot ng dalaga

“Palimos po”, ang saad niya.

Si Tess nama’y kinuha ang pitaka

Nagbilang kung ilan ang natirang kwarta

“Heto. limang piso para sa’yo”

Saad ng babaeng naghihingalo

“Salamat ate”, ang nasabi ng bata

At nagtanong sa dalaga

“Ano ba ang trabaho mo ate?”

“Sa trabaho mo, ako ba’y pwede ?”

Napailing si Tess at biglang tumawa

Sabay saad, “Ako’y nagbebenta”

“Magkano naman ang iyong  kinikita?”

“Di masyadong malaki ang halaga”

“Ate, magkano naman ang puhunan?”

“Wala”, saad ng dalaga.

“Ate, lahat nang nagbebenta may puhunan!”

“Hahah! Bata,isang baldeng tubig lang ang puhunan”.

“Masyado na tayong ginagabi

Kailangan ko nang umuwi”

Kaya agad namang nagpaalam sa isa’t isa

Ang dalawang ginagabi na

At sa bahay, agad hinalikan

Ang anak na pinanabikan

Pagkatapos ay nagmano

Sa may sakit na nanay at lolo

Dumiretso si Tess  sa kwarto

At agad naman umupo at pumwesto

Ibinaling na lang ang kanyang tingin

Sa  kanyang babasaging  salamin

Si Tess ay  biglang natulala

At sa kanyang mata’y may pumatak na luha

Umiyak, humikbi at humagulhol

Nagsaasalita ng kung anu-ano, parang ulol

Ang pag-iyak ay tinigil ng pilit

Kaya tumahan at natulala ulit

Naubusan ng salitang pwedeng bigkasin

At sa kawalan, nakabalin ng tingin

Pagkatapos, bigla na lang siyang tumayo

Pumunta agad sa banyo

Nang siyang lumabas na ng pinto

Agad namang bumalik ng kwarto

Humiga agad siya sa kanyang kama

Pinikit ang kanyang mga mata

Bago mahimbing na nakatulog sa kanyang higaan,

Naisip niya;Isang baldeng tubig lang ang puhunan.

10 thoughts on “Isang Baldeng Tubig lang ang Puhunan

  1. sunnystarfish says:

    nice post Kat. Oo naniniwala rin ako na dapat silang respetuhin pero kasi dun sa trabaho ko dati (STD clinic ha hindi ako dating prosti haha) imbes na umayos sila kasi clinic naman yun eh yung ugaling prosti pa rin ang pinapakita. Paano mo naman rerespetuhin yung ganun diba ayaw ilugar ang sarili.

    • katrinadanieles says:

      salamat gince(ok lang ba na gince tinatawag ko sa’yo?). =) hahah. talagang may clarification talaga eh. =) talaga? interesting naman nung trabaho mo. =) gandang araw gince! 😀

      • sunnystarfish says:

        Hahaha, natakot ka no? Pahamak kasi ‘tong si Yin, pasaway! No prob, ok lang. Medyo interesting nga yung work ko hehe. Gandang araw din Kat😀

      • katrinadanieles says:

        oo, katakot.. =) si yin namn kasi eh. hahah. =) at si yin talaga ang sinisi eh.. heheh. gandang araw gince! =)

  2. salamat sa mga prayers pala kat

    as in binasa ko ang isang timbang tubig na puhunan
    ito na siguro ang pinakamatandang known profession sa mundong ibabaw at tunay na kailangan silang irespeto at dalangin ko na maalpasan nila ito.

    be blessed po!

    • katrinadanieles says:

      salamat at pinagtiyagaan mong basahin ‘to pong! =) naniniwala talaga kasi akong pumunta si Hesus sa mundong ibabaw hindi para sa “malilinis” kundi para sa mga nangangailangan ng tawad. =) palagi namang handa makinig si God sa prayers eh. =) walang anuman.. =) God bless pong! =)

  3. mayroon din akong friends na prosti DATI. ngayon, nagbago na sila…and I’m happy for them. kaya lang, hindi pa rin sila nirerespeto ng iba kasi alam nila ang nakaraan nila, kaya naaawa ako sa kanila. i still incude them in my prayers na sana ma-accept na sila ng ibang tao.

    gusto ko rin magkaroon ng dinosaur friends! haha tsaka na rin mga ninja, magpapaturo ako ng special skills nila :)))

    • katrinadanieles says:

      sana tanggapin na sila ng ibang tao at tulungang maibalik respeto niila sa sarili nila.. hindi man ako sang-ayon sa prostitusyon, naniiniwala pa rin akong dapat sila respetuuhin bilang tao. =)

      katy! =) welcome dito! =) hahah. marami akong dinosaur at ninja friends eh pero di nila tinuturo skills nila. hahah. =) gandang araw! ;D

    • katrinadanieles says:

      oo nga pala,, kaibigan kita at stripper ka. hahah. para rin pala sa’yo ang post na to. hahah. =) wala naman, pinag-tsitsismisan ka lang namin ni gince. heheh. =) gandang araw yin! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s