Alam niyo bang…

Alam niyo bang ang unang Sunday ng August ay International Friendship Day? wala lang.😀

Lumaki ako na naniniwalang mabuti ang lahat ng tao. Wala akong kaaway noong kinder, teka, meron pala, ang kaaway ko ay isa ring  batang babae na may lahing bampira, magandang mahilig  mangagat, ewan ko dun. Noong elementarya ako, isa na ako sa pinaka-cool na estudyante, meron akong grupo na kilala ng lahat(School officers kasi..mga nerd). Isa lang naging kaaway ko nung elementarya, yung seatmate kong may threat na hahalikan niya daw ako sa pisngi kung mag-aaway pa kami, eh palaaway ako, yun, hinalikan niya ako sa cheek. Sinumbong ko siya kaagad sa teacher ko habang iyak ako ng iyak, walang hiya yun.  Noong highschool, wala rin akong nakaaway, pero iba ang college…

Gayunpaman, dahil sa mga nangyari sa’kin sa college, mas nalaman ko ang halaga ng mga kaibigan kong palaging nandyan para sa’kin. Hindi ko alam kung paano nila nakayanang makisabay at  intindihin ang ugali ko, pero nagpapasalamat akong nandyan sila. Para sa’kin, hindi ko talaga alam kong gaano kalungkot ang buhay na wala sila, na wala ang mga taong nagpapasaya sa akin. =) Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil…

may kaibigan akong ibang-iba sa’kin pero nakakaintindi at nirerespeto ang kaibahan namin. =) saya pang kasama at sarap kausap! =)

may kaibigan akong pinapaalala sa’kin na pwedeng maging masaya ang mundo basta’t marunong ka lang tumawa sa problema at manalig sa Diyos.. =)

may kaibigan akong kayang tanggapin ang mga pagkakamali, kahinaan at pagiging imperpekto ko…

may kaibigan akong grabe ang pasensya at palaging nandyan pag kailangan mo ng tulong,hindi ka pinababayaan sa anumang panahon at sitwasyon..=)

may kaibigan akong nakikita ang kagandahan at kabutihan sa’kin kahit ituring na ako ng iba na isang monster..

at may kaibigan akong di sumusuko sa akin gaano man ako kagulong kausap at nakakairitang pakinggan… hindi ako iniiwan kahit talikuran na ako  ng mundo at palaging nandyan sa oras ng problema(may pagkamalas ata). =)

Sa lahat pa ng kaibigang hindi ko nailagay dito, kilala niyo na sarili niyo, maraming salamat sa inyong lahat,hindi niyo alam kung gaano naging mas makulay ang mundo ng ibang tao dahil sa inyo! =) Minsan, kung naiiyak ako dahil parang ang sama na ng mundo, bigla na lang ako ngingiti(oo, may pagkabaliw ako.may problema?!  Wahahah) kasi naaalala ko kayo at kabaliwaan niyo , tapos iiyak na naman ako, pero sa tuwa na. Sabi ni Myka, ang unang linggo(sunday) ng Agosto ay International Friendship Day kaya..

Maligayang araw ng pagkakaibigan! =)

Kung may mga kaibigan kayong sa palagay niyo ay dapat malaman nila kung gaano sila kahalaga.. oportunidad niyo nang sabihin kung gaano sila kaimportante sa’yo. =)

note: maligayang araw ng pagkakaiibigan sa mga friends ko dito sa wordpress!(FC si kat)😀 heheh. pasensya na at late. =)

Sa araw na’to, yan ang bati ni Kat.😀

14 thoughts on “Alam niyo bang…

    • katrinadanieles says:

      heheh. =) iba ang buhay ng may kaibigan. =) heheh. walang anuman, sinabi lang din sa’kin yun eh. heheh. =)
      gandang araw hoshi! =)

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) di ako umiinom ng softdrinks kua pong, hindi ko lang alam kung bakit. hahah. =) pero gayunpaman, cheers sa pagkakaibigan! =) salamat!! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s