Paano Ako Naging si Snow White?!

Sinubukan ko ang mga quiz na meron ang facebook, kasi, una sa lahat, wala ito sa bukid namin, pangalawa, ito lang ang quiz na di ako kinakabahan, at pangatlo isa akong batang nagpapaniwala sa mga ganito kahit sabihing nagpakasal raw ako noong nakaraang taon at buntis daw ang kaibigan kong si Bogart.

Kinuha ko ang quiz na “Which Disney Princess are you?” dahil nagmamaganda ang lola. Akala ko si Beast ang lalabas pero ito lang  naman ang lumabas:

Si snow white daw ako oh! na-shocked din ako siyempre, pero mas nashocked ako sa description” You are popular among all. Your beauty makes others jealous. You love to clean and cook and make things better!… You enjoy anything and everything, your so sweet that people cannot turn you down. Everyone loves you.”

Shocking nga! =0 Hindi naman ako popular,at sure akong walang may naiinggit sa’kin. =) Palagi akong palpak at nasusunog lang mga niluluto ko. Pero totoo yung nag-eenjoy lang ako sa buhay kasi sayang naman kung magiging bugnutin ako, diba? Hindi ako sweet pero di rin bitter. heheh. =) At higit sa lahat, hindi ko gugustuhing mahal ako ng lahat(parang ibig kasing sabihin nito, walang pagkakataongg sumalungat ako sa isang tao kahit alam kong twisted yung mga prinsipyo niya at mali na ginagawa niya sa kapwa niya).

Ang totoo niyan, isa akong batang hindi nakarinig ng mga fairytale mula sa nanay ko. Hindi kasi siya mahilig magbasa ng mga kung anu-anong kwento sa’min,  pero pinaramdam niya sa’min ng nakakabata ko pang kapatid na babae, na prinsesa kami, prinsesa kami kahit wala kaming magagarang damit, kristal na sapatos o prinsipeng sa ending lang nagpapakita para halikan ka(taking advantage..tsk3).Kaya nga naniniwala akong ang lahat ng batang babae o babae ay prinsesa sa kani-kanilang kwento,o di kaya, prinsesa sa kwento ng ibang tao.  Prinsesa sila, anuman ang kwento, itsura, at paniniwala nila. =)

Kung isa  akong prinsesa, ako lang ang prinsesang si Kat.  Hindi siya pinakamaganda sa lahat, pero alam niya kung ano talaga ibig sabihin ng kagandahan. Hindi siya mahinhin kasi tumatawa siya ng malakas at nakikipagkaibigan sa kung sinu-sino.  Wala siyang kristal na sapatos dahil mas komportable para sa kanya ang tsinelas. Wala siyang magagarang damit kasi umaasa siya sa  walang kamatayang  ukay-ukay. Hindi siya naghihintay ng prinsipe pero naghihintay sa tamang panahon para sa lovestory nila. Higit sa lahat, walang Fairy god mother na nagbibigay ng gusto niya, pero naniniwala siya kay God na mas alam ang nakakabuti para sa kanya.

Sa araw na ito, yan ang kwento ng prinsesang si Kat. =)

null

11 thoughts on “Paano Ako Naging si Snow White?!

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) nang kinuha ko ang quiz, may picture ni beast, akala ko si beast ako, kasama pala si Belle. hahah. =) gandang araw jec! =)

  1. hahaha may pics ako nyang mga katawa-tawang princess. nakalimutan ko na kung nag-take din ako ng quiz na yan at kung sino ako. pero kung ako papiliin hmmmm wala akong mapili. hindi ko kasi makita ko na princess eh. hahahaha

    ayoko makulong sa palasyo
    ayoko na kailangang maghintay ng prince charming
    ayoko magpaapi
    ang gusto ko lang ay magic.

    baka puwede namang from evil witch ay naging mabait na princess na lang ako. hahahha at tatawagin akong Akazukin (Princess) Hoshi (Star)

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) ayoko ring nakakulong eh, kaya pumili na lang ako ng prinsesang di nagpapaapi at pasaway, si prinsesa kat. hahah. evil witch na kasi ako palagi sa mga character impersonation kaya prinsesa naman para maiba. hahah. =) magandang araw akazukin chacha, este, akazukin hoshi! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s