Para sa Unang Lalaking Minahal Ko

Elementarya.
Ito ang panahong nakaangkas ako sa balikat mo
At naririnig ko ang mga salitang “Ang taba mo na! sobra!”
Nagkukunwaring tulog sa sala para buhatin mo papuntang kwarto
At nag-aalala ka naman sa makulit ngunit antuking bata
Sabay tayong nagsisisigaw habang nagbebenta
Ng mga isdang di ko naman alam ang pangalan
Sorbetes lang talaga ang pampasaya
Sa paslit na napakatagal tumahan.

Hayskul.
May magdamag na kwentuhan tungkol sa mga gusto ko
O kaya naman inuman dahil sa problema ko sa lalaki
May Diyos ba o wala yan ang palaging topiko
Sa buong magdamag at walang sawang pag-dedebate
Chess at checkers ang naging libangan
Kahit nahihirapan ang akong matuto
Meron pang mga iyakan at tampuhan
Dahil sa mga gawaing di mapagtanto.

Kolehiyo.
Sa panahong ito,naisip kong di na pala pwedeng ibalik
Ang mga panahong masaya at nakangiti tayo
Alam mo bang sobra akong nasasabik
Dahil sa biglaan mong paglayo
May mga tinatago at kinikimkim na galit
Dahil sa mga di nagustuhang pagbabago
Mukhang di ko na talaga mapipilit
Ibalik ang magandang alaala ko sa’yo.

Hinaharap.
Para sa akin, magkikita pa tayong muli
At magkakamustahan sa panibagong buhay
Dalawa tayo’y abot-tenga ang ngiti
Dahil nakalimutan na ang anumang away
Masasabi nating tayo’y naging mabuting tao
At kuntento na sa kung anong meron
Sa’kin ay magbibigay ka ng payo
At tatawa tayo sa mga kapalpakan noon.

Sana sa Hinaharap.
Sa balikat ko’y nakaakbay ka
Pareho na tayong mataba
Sabay nanonood ng tv sa sala
At ako na ang nag-aalala
Kakain ng paborito mong isda
At ng sorbetes pa pala
Nagkukwentuhan
Makasama sa inuman
Nagdedebate
Sa chess, masabi kong “Ma-te!”

Hiling ko lang talaga
Na sana
Makita pa kita
Ama.

null

P.S. para sa nanay kong maganda, kasing ganda ko. heheh. alam mo kung gaano kita kamahal,  at alam ko kung ano ang mga sakripisyo mo para sa akin. =) Ginagawa ko ang lahat para maitupad ang mga pangarap mo para sa’kin at para mapagawan kita ng bahay na malapit sa dagat  o yung merong swimming pool. =) Baka magtampo ka dahil walang post na tula para sa’yo, malapit na kasi ang birthday ni papa. Tsaka, meron po akong tula na ginawa nung elementarya at nanalong 1st place(nagyayabang oh!). . Masaya ako noon hindi dahil nanalo ako kundi dahil para sa mahal kong ina ang tulang yon. Di man ako mabuting anak, mabuti ka pa ring ina. =)

Mahal ko si Spongebob,mahal ko ang una kong  gitara,mahal ko ang pagsusulat,higit sa lahat mahal ko ang  aking ina. =)

-Kat. =)

15 thoughts on “Para sa Unang Lalaking Minahal Ko

  1. napakagandang tula…
    isang pagpupugay para sa isang ama…
    lahat ng anak ganito ang nadarama dahil bukod sa pagbibigay buhay sa atin, sila din ang naging gabay natin…

    padaan…

    • katrinadanieles says:

      helow jongskie! =) salamat at nagandahan ka ng tula ko para kay papa. =) libre lang dumaann dito. =) heheh. padaan rin sa page mo ha? =)

    • katrinadanieles says:

      jec, salamat! =)actually, hanggang highschool lang talaga kami nagkasama ni papa, kaya inaalala ko na lang yung mga oras na yun.😀

    • katrinadanieles says:

      salamat talga. =) nakakatuwang talgang pinaalala ng tulang ko tungkol kay papa ang alaala mo naman sa iyong dada. =)
      sana nga proud sila. hahah. kulit kasi ng ank nila eh!😀

      salamat po sa pag-appreciate ng pagsusulat ko. =) nahiya tuloy ako.. =)

      gandang araw kuya pong! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s