Sana…?

Sana isa akong tuldok. Kasi ang anumang mgaolung slitaa o mag slitaa sa iasng mgaolung pangungusap ay kaya niyang tapusin. Kaya kang pahintuin. kahit sa kalagitnaan pa ng pangungusap. Ang tuldok kaya ring magbigay ng impresyong meron ka pang idadagdag… kahit ika’y wala nang idadagdag pa.

Sana isa akong tuldok na kayang magtapos ng mga nakakagulo lang sa buhay ko, sa buhay ng mga taong malapit sa akin,o buhay ng mga taong mahal ko. Sana kaya kong pahintuin ang oras tuwing nasa kalagitnaan ako ng isang masayang sandali. Higit sa lahat,sana kaya ko pang bigyan ng lakas ng loob ang iba.. kahit ako’y nawawalan na.

Ngunit isa lamang akong markang pananong. Naguguluhan. Naghahanap ng kasagutan. May kawalang gustong punan. Palaging gustong malaman kung.. ano? saan? kailan? sino? At higit sa lahat, bakit?

null

12 thoughts on “Sana…?

    • katrinadanieles says:

      hahah. pwede ring exclamation para matindi. =) ang dami pa palang pwede. heheh. parang ang gandang gawing tanong: kung punctuation mark ka, ano at bakit? hahah

      gandang araw hoshi! =)

  1. madalas ang kasagutan sa mga tanong ay tanong din or masagot man susundan parin ng tanong
    pero ang importante ay may kasagutan ang mga ito sa takdang pananong este panahon

    pasensya na ngayon lang nakadalaw kasi busy sa kontes eheheh

    • katrinadanieles says:

      meron lang talagang mga katanungang walang kasagutan sa mundong ito. =) salamat sa pagbisita kuya pong! =) ok lang ba na kuya ang tinatawag ko sa’yo? =)

  2. sunnystarfish says:

    hmmmm…wag na lang magtanong kasi mahihirapan lang sa kakahintay ng sagot paano kung wala namang sagot. Tuldukan na lang ang katanungan…ay ewan ko haha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s