Gusto Ko Lamang sa Buhay ay…

Gusto ko lamang sa buhay ay…

Simple lang naman ang gusto ko, 1 year supply ng pizza, bahay sa Ayala, isang beach resort, maging papa si Orlando Bloom o kaya si Coco Martin na lang, at fieldtrip sa planet Mars. Sa sobrang simple ng gusto ko, di ko na pinagsayangan ng oras.

null

Totoo na ‘to. =) gusto ko na sana magkaroon ng kapayapaan sa mundo pero pang beauty queen kaya kapayapaan ng pag-iisip na lang muna. Ang kapayapaan dapat nagsisimula sa sarili, nagsisimula sa pagrespeto sa pagkakaiba ng bawat tao.

null

Gusto ko lamang sa buhay ay lubos na katahimikan ngunit may mga katahimikan ding nakakabingi kaya katahimikan na lang sa mga panahong gusto kong makapag-isip. Sa katahimikan, mas naririnig natin ang sariling tinig natin.
null

Gusto ko lamang sa buhay ay isang tirahan na malapit sa dagat, na ako ang nag-disenyo, yung bahay na may library tsaka mini library sa banyo(wag nang itanong kung bakit.heheh). Ngunit naisip ko na gusto ko lang pala ng isang tahanan. Ang totoo niyan, naniniwala akong hindi sa mundong ito ang tahanan natin.

small-space-for-home-library-ideas
Gusto ko lamang sa buhay ay isang mundong hindi mapanghusga ngunit parang imposible kaya isang Kat na lang na hindi nanghuhusga ng kapwa.Binibigyan natin ng karapatang husgahan tayo ng kapwa natin kapag nanghuhusga tayo.Gusto ko rin ng mundong kaya akong patawarin at isang Kat na sinusubukang magpatawad.
null

Gusto ko lamang sa buhay ay isang trabahong milyones ang kinikita ko, ngunit alam kong hindi talaga yan ang gusto ko. Hindi ako kumuha ng Psychology para yumaman, kundi para maglingkod, para makapagturo sa mga batang espesyal, para makatulong sa may problemang emosyonal, at para maintindihan ang kapwa.

null

Gusto ko lamang sa buhay ay magkaroon ng maraming-maraming pagkain, pero alam kong mabubusog lang ako sa pagkain at hindi makakaramdam ng anumang kasiyahan lalo na kung ako lang ang kumakain. Gusto ko talagang magpakain sa mga batang sinasabi ng nanay ko na nagugutom sa buong mundo tuwing ayaw ko ng ulam. Gusto kong magbahagi ng anumang makakain sa batang makikita kong gumagapang papuntang Food Camp ng United Nations.

null

At higit sa lahat, gusto ko lamang na magmahal at mahalin.❤

Sa araw na ito, yan lamang ang gusto ni Kat…

11 thoughts on “Gusto Ko Lamang sa Buhay ay…

  1. sunnystarfish says:

    hahaha gusto ko rin si Coco Martin at isang bahay na malapit sa dagat…

    Para sa akin makuntento tayo kung ano ang meron tayo sa ngayon kasi ang mga bagay na binabalewala natin ay kayamanan para sa iba…

    Gandang araw Kat. Nakadaan din sa wakas…

    • katrinadanieles says:

      kaya lang ang hirap tuparin. =) pero aniniwala ako dun sa sinasabi mong dapat may ambisyon talaga eh. =) mahirap nang walang ambisyon, mahirap umusad buhay mo.=)

  2. hahaha. natawa ako sa sarili ko pagbungad ng post mo. nung nakita ko si coco martin, napa wow ulam! ako, natatawa talaga ako sa commercial nyang yun sa wow ulam. parang naglalaway kung magnasa. haha

    • katrinadanieles says:

      hahah. ako, inaabang-abangan yan wow ulam na yan eh. eheh. di ko alam kung assan ang ulam, ang nasa lata ba o si Coco. haha. Gandang araw balentong! =)

  3. Pong says:

    ang galing mong magsulat kat kahit sa mga bagay na gusto mo lamang ay naipaparating mo ng klaro.

    i always wanted to have a house situated sa beach front, i always wanted…many things.

    when i taught economics class (dahil umalis yung teacher nila at ako ang pinahawak ng economics class) i have a reflection unless we only WANT things the tendency is gusto lang natin sila. but when we NEED them and as if we can’t live without them then we will strive hard to attain those because we NEED them.

    We need forgiveness, peace, shelter and others.

    Be blessed kat!

    • katrinadanieles says:

      gandang araw kuya pong! =) salamat sa appreciation, nakakataba ng puso at nakaka-inspire sa marami na sumulat pa. =)

      ako rin po,gustong-gusto ko ng bahay sa tabi ng dagat, kasi gusto yun ni mama. =) gusto ko malapit bahay ko sa bahay niya para makahingi pa ako ng masarap na ulam. hahah. =)

      Sana po may teacher akong tulad niyo. =) kailangan nga pong merong mga bagay na di natin isinusuko, ipiinaglalban natin dahil alam nating kailangan natin sila. =)

      God blesses kuya Pong! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s