This is to Siomai Love

Nang una kitang makita , alam ko na ikaw ang makakapagbigay ng kailangan ko.Lumapit ako saýo para mapunan mo ang kawalan na nararamdaman ko. Kaya lang, maarami rin pala ang naghihintay para sa maibibigay mo, marami pala ang ka-kompetensya ko sa atensyon mo. Sinubukan kong magsalita para marinig mo ako, sinubukan kong  parang sumigaw dahil mas naririnig mo ang iba. Nasa harapan mo na ako, kung sinu-sino pa ang pinapansin mo. Naghintay ako,naghintay ng mahabang oras para saýo pero keber ka lang. Nang nakita mo na ako at pinansin na, ano ang sabi mo? Sabi mo,”Sorry”. Ang “sorry” na yan ay hindi pa para sa akin kundi para sa ibang babae dahil akala mo siya ang nauna at singit lang ako. Dahil doon, nagalit ako, at napaisip na susuko na ako. Susuko na talaga ako. Pero nakita mo ako, pinansin, at sa wakas, binigay na ang kailangan ko.Binigay mo man ang gusto ko,huli na ang lahat dahil nakapagdesisyon na akong di na kita babalikan.

-Si kat na nagdadrama dahil hindi pinansin ng mamang nagbebenta ng chicken burger, cheesedog, hotdog at siomai. Ang ending, nilapasan ako ng gutom kaya  di ko nakain ang siomai na  binili ko, pagkatapos dinaig ako ng pride ko kaya binigay ko na lang sa kasama ko. Nang nakaramdam ako ng gutom, tinanong ko kung nasaan na ang siomai ko(nakalimutan ko na ang pride2 na pinag-iisip ko), naubos niya na pala. Hahah.

Sa araw na ito, yan lang kwento ni Kat. =)

P.S. di  na talaga ako bibili ng siomai kay manong, mamatay man bulate ko sa tiyan. =) heheh

22 thoughts on “This is to Siomai Love

  1. concon says:

    ows?.. sure kang di na bibili ng siomai dun?…😛
    baka naman iba na ang tindero next time.. bigyan mo ng isa pang pagkakataon si manong.. =P

  2. sobrang sama talaga ng loob mo ah. hehehe
    pero actually yan din ang ayaw ko bilang customer. minsan kasi mapagtya-tygaan mo na yung hindi kagandahang quality ng isang produkto pero yung service na balahura, mahirap talagang palampasin.

    ako ngayon ko na lang na=appreciate yung sarap ng siomai. nung college hindi talaga ako mapapakain niyan. para kasing pugot na ulo ng mummy. hehehe

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) gutom na gutom na kasi ako pagkatapos parang invisible lang ako sa tindero. hahah. oo nga naman, kasi ang gutom na kustomer ay ang mabilis magalit na kustomerr kaya kung balahura ang service, posibleng di na bumalik ang kustomer. hahah. =) parang ulo ba ng mummy ang siomai? hahah! paborito ko ang siomai mula nung bata hanggang ngayon kaya di ko naisip kung ano ang mukha nito. hahah. =)

      gandang araw hoshi! =)

    • katrinadanieles says:

      heheh. =) sobrang nagutom talaga ako dahil kay manong. hahah. next time, ibang tindahan na lang ng siomai ang bibilhan ko. hahah.. sarap kasi ng siomai eh. hahah. =)

      God bless kuya pong! =)

  3. Allow me to siomai appreciation by saying nice post kat! hehe.. sorry nga pala sa pag-ubos ng siomai mo. ginutom na talaga ako eh. hehe.😀 next tym, sa ibang siomaian na tayo. haha!😀

    • katrinadanieles says:

      hahah. =) ewan ko saýo, inubusan mo ako ng siomai! =) hahah. nakakagutom na kasi talaga ako kaya gusto kong bawiin saýo ang binigay kong siomai. hahah!

      gandang araw nurz! =) wui, bakit wala kang picture dito? hahah

    • katrinadanieles says:

      hahah. =)katy! masarap yung siomai na binebenta ni manong kaya lang antagal lang kasi. heheh. =)

      papatawarin ko siya next time. hahah. =)

    • katrinadanieles says:

      ate sarah! =) mabuti at nakabisita ka dito sa blog ko.=) add kita sa blogroll ko ha? =)

      nagutom talaga ako dahil kay manong siomai eh. hahah. pero siguro nga akala niya pakipot ako at hindi na bibili, ewan ko ba dun. hahah. =)
      go pa rin sa buhay kahit gutom! hahah. =)

      gandang araw saýo! =) apir!

  4. Add mo ako, ni-add na din kita.. I will bisita your blog from time to time. Ang sarap ng mga kwento mo e..🙂

    Gusto kong laging magbasa ng kwento mo kasi walang keme, walang arte at totoong-totoo. Bow ako sayo! Hala cge, sulat at kwento lang ha🙂

    • katrinadanieles says:

      salamat talaga ate sarah! =) salamat at nagustuhan mo ang mga kwento ko.😀

      inaabangan ko rin yung mga post mo kasi inspiring tsaka ang cute(lalo na si Baby Travis) ng mga kuhang pictures. =)
      naku, nakaka-inspire naman ng comment mo ate sarah! =)

      God bless po sa inyo! =)

  5. Pasensya naman. Malay ko bang bibili ka pala. Akala ko nagpapa-cute ka lang eh. Sige nestaym kaw una ko pagbilhan! Hahaha. Nakita ko na to nun di ko lang nabasa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s