Ang Hostage-Taker, Si Kat, at ang Tuko

Kahapon, nagkaroon ako ng  pakiramdam na para bang hindi ako makahinga, akala ko tuwing nasa ilalim ka lang ng tubig nakakaramdam ng ganito. Habang, nanonood ako ng balita sa lobby ng aming dorm kasama ang mahigit sampung dormer na nagkataon ding merong pakialam sa nangyayari sa Pilipinas, napapa-waaaah! -ay naku! Wag naman sana! -At anu daw?- ako dahil sa hostage-taking na naganap na sa isang tourist bus na sangkot ang isang may mataas na ranggong pulis.

Nahihirapan akong huminga dahil may pakiramdam akong pag huminga ako ng malalim, makakabasag ako ng isang tensyong tahimik, malamig, at nakamamatay.  Nahihirapan akong kumurap dahil baka sa isang segundo ng pagpikit at pagdilat ng mata ko ay isang segundo din ng pagkawala ng isang buhay na dinala pa naman ng siyam na buwan ng nasa sinapupunan pa lang. Nahihirapan akong magsalita dahil sa isang salitang sasabihin ko ay salitang hindi makakatulong sa sinuman, sa mga taga-Hongkong,kay Sr. Ins. Rolando Mendoza, sa mga dormmate ko, o kaya sa tukong nakasabit sa pader at nakikinood sa amin.

Nagtapos ang araw ng mga nasa puwesto na may batuhan ng sisi, may pasahan ng responsibilidad, at may turuan ng  may kasalanan. Nagtapos ang araw na mga na-hostage na puno ng takot sa puso nila dahil sa naranasan. Nagtapos ang araw ng mga may namatayang kapamilya na puno ng kalungkutan, kawalan, at marahil galit. Nagtapos rin ang huling araw sa buhay ni Ginoong Rolando Mendoza. Sa ibang dako ng Pilipinas, nagtapos ang araw ng iba na tahimik dahil walang radyo o tv na naghatid ng nakaririmarim na balita. Sa ibang dako ng mundo, nagsisimula pa lang ang araw nila habang natatapos na sa’tin.

At natapos naman ang araw ni Kat na nakikinood lang, natatakot, at puno ng katanungan.

null

21 thoughts on “Ang Hostage-Taker, Si Kat, at ang Tuko

  1. Napaka-depressing talaga. Di ko alam kung kanino ako makiki-simpatya, sa mga kamag-anak ng mga Hong Kong nationals na biktima ng maling pagkakataon, o kay Ginoong Mendoza na biktima ng maling sistema, o kay maam Nice na umiyak kanina sa klase? haaay.. nakakabadtrip. ang lungkot.😦

    • katrinadanieles says:

      lambing..=) welcome sa pahina ko..=)

      siya nga yan.. nakakalungkot nga, baka mapagbuntungan yung mga ofw sa hongkong..:(😦😦

      gayunpaman, magandang araw sa Pilipinas, sa’tin, at saýo lambing.=)

  2. Madami na akong nabasang komento, opinyon, kuro-kuro sa nangyari.
    Madaming nagalit, nadismaya, nalungkot at nagtaas ng kilay sa nanagyari.
    Tinawag na din tayong SHITS at crooked sa forum at iba pa.

    Major major talaga ito.

    Kagaya sa mga naging koment ko sa iba ay same pa din ang sasabihin ko. Hindi kagustuhan ng sambayanang Pilipino na mangyari ito. Kagaya ng walang may gusto na may namamatay na inosenteng buhay sa Iraq dahil sa bombing. Yes, pwede silang magalit sa atin, sumpain ang higit 7, 000 mga isla at 90 + milyong Pilipino. Given iyon na pwede nila tayong yurakan dahil sa naganap. Pwedeng isisi sa gobyerno at media.

    Ito naman ang akin lang: Ayoko ng makidagdag pa sa injury sa sugat ng ating bansa ngayon. Sapat na ang panalangin ko para sa nangyari at ang paghingi ng tawad bilang isang Pilipino. Wala na tayong magagawa. Matuto meron pa.

    Walang may gusto ng nangyari. Wala ding gusto na masisi ang bawat isa. It will all come to pass. At the end of the day babangon pa rin tayo sa biyaya at awa ng Diyos.

    salamat sa pagbabahagi kat!
    be blessed!

    • katrinadanieles says:

      kuya pong, salamat sa pagbabahagi ng inyong opinyon.. isa ito sa pinakamasalamuot na pangyayari sa bansa..
      ang sa’kin lang, sana wala na lang sisihan.. kasi ganu pa natin isisi sa iba, hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala..
      ang tanging magagawa natin, ay manalangin, para sa mga namatay at sa mga namatayan..

      ngayon araw ay panibagong araw, magandang araw saýo kuya pong! =) Sa awa ng Diyos,babangon ang Pilipinas. =)

      God bless!

      P.S. ok lang po yan kuya pong, na-appreciate ko nga eh. =) salamat sa mga komento!

  3. Oi, miss na din kita! Na-detect na ng smart ang proxy server na gamit ko di na ko nakakapag-web sa phone ko kaya bihira na makapagbloghop. Text text nga tayo Kat? YM ko muna, hardkloud.

    Di na ko kokomento sa isyu, syado na malungkot. Pero gusto ko yung pagkaka-deliver ng kuwento hehe. Stig. Ayt!

    • katrinadanieles says:

      ganun ba? =) kaya pala parang minsan-minsan na lang kitang nararamdaman sa blogoshere(meganun? heheh).
      send na lang ako ng personal message. heheh. =)
      ang lungkot nga eh..
      salamat sa appreciation. =)
      gandang araw saýo. =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s