Suicide Note?

Bakit di ko maisipang kalabitin ang gatilyo?
Bakit di ko maisipang idiin ang kutsilyo?
Bakit di ko maisipang tumalon mula sa kinatatayuan ko?

 
 
Mag-isip kaya muna ako ng mga dapat at di dapat
Sa pagpapakamatay
Dapat… kung gusto kong magpakamatay
Walang may nakakaalam.
Dapat siguradong patay agad ako
Yung kapag nakita ako, ubos na ang dugo sa katawan ko.
Bawal ang nagpapapansin lang
Bawal ang kumuha ng picture ng pulso
Bawal ipagkalat sa facebook
Ang pagpapakamatay
Ay iba sa paghahanap ng awa
Iba ito sa sa pagsisigaw na kailangan mo ng tulong
 
 
 
 
 
Kapag nagpapakamatay..
Dapat may suicide note
Pero bawal manisi ng iba kung bakit kinitil mo buhay mo
Bakit? Sinabi ba nilang magpakamatay ka?
Kung Oo… sino sila nila para sundin mo?

 
 
Kapag nagpapakamatay
Bawal isipin ang mukha mo habang patay ka
Kapag nagpakamatay ka kasi
Dapat buo ang loob mo na walang buhay pagkatapos ng buhay dito
Kasi nga…umiiiwas ka sa “buhay” diba?
Kaya dapat di mo iniisip ang mukha mo
Dahil kumbisido kang di mo na makikita ito.
 
 
 
 
Ang dami nga namang dapat isipin sa pagpapakamatay…
Bakit nga ba ako magpapakamatay?

 
 
Dahil pagod na akong mabuhay?
Siguo dahil nabubuhay ka lang dahil ipinanganak ka
Nakalimutan mong ipinanganak ka para mabuhay
Malaki ang pagkakaiba
Kaya pala napapagod ka.
Dahil mamamatay rin naman ako?
Lahat naman ng tao mamamatay
Pero hindi lahat,mamamatay tao
Mamamatay ka rin lang naman
Magpapakapagod ka pa bang gawin ito?
 
 
 
 
 
Dahil bagsak ako sa aking mga exams?
Ang buhay ay isang napakahabang exam
Mas importante kesa sa kung ano mang exam na gawa ng tao
Ibabagsak mo pa ba ito?
Ito ang sukatan kung gaano ka nga ka talino
kung hanggang saan ang diskarte mo.

 
 
Dahil iniwan ako ng syota ko?
Bakit di na lang ang syota mo ang patayin mo?
Patayin siya sa katotohanang kaya mong mabuhay na wala siya.
Sino ba siya? Diyos?
Ginawa ka,di para mabuhay lang para sa kanya
Kumain ka na lang ng maraming ice cream,lilipas rin yan
Di ang tulad niya ang magpapatumba sa’yo.
 
 
 
 
Dahil walang silbi ang buhay?
Baka ikaw ang walang silbi at hindi ang buhay
Naninisi ka lang ng iba
Nubayan.. ang mga walang ginagawa ang mahilig manisi
Pakialam ng “buhay” sa mga desisyong ginagawa mo?
Kung ayaw mo sa buhay, mas lalong ayaw niya sa tulad mo..
Kaya kahit ayaw na ayaw na buhay sa’yo
Ba’t di mo ipakitang di ka takot sa kanya.
 

 
 
Dahil ang dami kong problema?
Ang pagkamatay mo ay isang mas malaking problema..
sa palagay mo, may karapatan kang kitilin buhay mo
Dahil sa problema?
Kahit buhay mo ay hindi iyo.
Wala ka nang maisip na solusyon noh?
Iba ang pagbigay solusyon kesa pag-iwas sa problema.
 
 
 
 
 
Dahil parang cool magpakamatay?
Malamig lang katawan mo kapag patay ka na
Hindi cool na umiiyak ang nanay mo dahil sa katangahan mo
Hindi cool na gagastos ng malaki ang tatay mo para sa kape at biskwet sa burol mo
At higit sa lahat.. di cool ang mukha mo sa kabaong mo.
 

 
 
 
Bakit di ko maisipang kalabitin ang gatilyo?
Bakit di ko maisipang idiin ang kutsilyo?
Bakit di ko maisipang tumalon mula sa kinatatayuan ko?


Siguro..
dahil pag kinalabit ko ang gatilyo
Pag diniin ang kutsilyo
Pag tumalon mula sa kinatatayuan ko..

di na ako nag-iisip.
 
 
Note: baka akalain niyong nag-iisip akong magpakamatay, echos lang ‘to.=) sumubok ng ganitong topiko ,baka may makabasa na may balak at mapigilan pa . =)

34 thoughts on “Suicide Note?

  1. whahaha!

    parang manual ng pagpapakamatay ‘to ah.may mga do’s and dont’s.

    basta para sa akin,pang duwag lang ang pagpapakamatay.kahit pa gaano katapang at ka hardcore ang paraan,in the end,duwag pa rin ang gagawa ng ganito.

    inadd din kita sa blogroll ko kat.salamat

    • katrinadanieles says:

      oi, salamat duking! =) salamat sa pagbisita dito. =)

      oo nga, parang sign ng kahinaan yun..para sa’kin, wala talaga tayong karapatang kumitil ng buhay, kahit sariling buhay pa natin..

      salamat sa pag-add duking! =)

    • katrinadanieles says:

      oi, balentong! gandang araw saýo! =)

      para saa’kin, ang pagkakamatay nga ay pagtakbo mula sa mga problema, at pagtalikod sa kung anumang dapat ay sinusuong mo.(meganun?:))

      gandang araw ulit! =)

    • katrinadanieles says:

      oo nga jec, ang ganda ng buhay, andaming pwedeng ipasalamat at isa na dun ang makagising tuwing umaga. =)

      gandang araw jec! =)

  2. Dorm Boy says:

    Hindi suicide ang sagot sa ating mga problema. Kailan man hindi ko to isinasama sa options ko sa buhay. Masarap mabuhay. Mahirap manatiling buhay. Pero sa kabila ng lahat… minsan lang ako mabubuhay, bakit ko pa nanaising putulin agad ang kaligayan ko sa mundong ibabaw?

    • katrinadanieles says:

      Dorm Boy, welcome sa pahina ko. =) ang ganda nung sinabi, masarap mabuhay, mahirap manatiling buhay. =)
      totoo namn eh, mahirap talagang manatiling buhay, lalo na sa mga panahon ngayon. =)

      salamat sa pagbisita. =)
      gandang araw saýo! =)

  3. akala ko kung ano na kat ito ahahah
    virtual suicide note via blog @ wordpress pa ahahah

    minsan naisip ko na din gawin yan sa totoo lang
    pero dahil siguro na alam kong hindi ito ang solusyon at ang lahat ng nadadanasan ko ngayon ay pansamantala lang ay mas natutuuon ang aking pananaw sa mga purpose ng bagay bagay

    o sige na ha hanggang dito nalang muna.
    nice manual ahahahah

    be blessed

    • katrinadanieles says:

      ahahah. =) kuya,hindi po talaga ako nag-iisip magpakamatay, kasi andami ko pang dapat gawin eh, katulad ng pag-share kay mama at kay papa tungkol kay Bessy. =)

      mabuti na lang kuya, nagbago isip mo, kasi kung hindi, mawawalan na ng mabubuting tao sa mundo. =)

      tenkyu kuya. hehe. dapat suicide 101 yung title noh? hahah
      gandang araw! =) God bless you! =)

  4. una sa lahat super like ko itong post mo.

    galing-galing mong bata ka. yong flow, linya at message.

    and sana mapaskil yan sa billboard sa edsa kung saan maraming umaakyat para mamatay. pero sa awa naman binibigyan lang nila ng sakit ang kanilang katawan kasi buhay pa rin sila after nilang bumagsak.

    mabuhay! pparang gusto ko na ata magpa-consult sa iyo. hehehe

    • katrinadanieles says:

      hoshi, salamat at like mo ‘tong post ko! ^^,

      mukhang hirap pigilan mga yan eh.. pero sabi ng psych teacher namin, yung mga yan pag nagsasalita about suicide, dapat kinakausap, kasi kailangang pagsabihan. =) heheh mabuti namn, at nagkakaroon pa ng second chance ang mga edsa suicidal people. =) heheh

      gandang araw saýo hoshi!🙂 pa-consult para saan hoshi? hehehe

  5. ang emo ah, kung hindi mo babasahin yung mga nakapulang side comment…

    in fairness, dumarami ang emo ngayon sa blog… hahaha.. ay mali pala… marami na pala talagang emo… blog nga eh.. sorry naman teh…

    sabi nga nila, dyan nagkakatalo ang taong matatag sa hindi—give that parehas silang matalino…🙂 dahil halos lahat ng tao, naiisipang magpakamatay, pero ang matalinong tao lang o malakas na tao, rather ang hindi gagawin yun🙂

  6. salamat sayo kat at sa post na ito…balak ko talagang i-choke sarili ko mamaya hahaha charot lang😀

    ang ganda ng mundo, sayang lang paglikha dito kung hindi mo lalawakan ang pagtingin dito🙂 teka may sense ba sinabi ko? hehehe

    • katrinadanieles says:

      meron katy. =) tenkyu sa comment mo, kasi tama naman, sobrang ganda ng mundo, kaya dapat malawak ang pagtingin natin dito. =) dapat marunong tayong mag-appreciate nito at nang buhay natin. =)
      si yin, may ginawang manual eh ng pagpapakamatay eh, heheh. mas effective para mapigilan yung nagbabalak, andaming dapat gawin eh. hahah

      gandang araw saýo katy! =)

  7. Kapag magpapakamatay:

    huwag kakain ng madami, lolobo ang mukha mo.

    Isuot ang pinakamagarang damit, dyahe naman pag nakita ng friends mo.

    Huwag itaon sa kapiyestahan o anumang okasyon, lalo na kung bumabagyo, walang makakapansin sa iyo.

    Guhitan ng insect repellant chalk ang paligid ng babagsakan ng katawan mo para kapag di ka agad nakita eh di ka naman langgamin.

    Huwag magsusuot ng relo, umiwas sa kuwartong may kalendaryo, at huwag dadalhin ang cellphone. Baka maalala mong malapit na pala yung paborito mong palabas o birthday ng kaibigan o biglang may magtext, abala lang yun. Sagabal.

    Huwag mag-iiwan ng anumang appliance na nakasaksak na puwedeng magdulot ng sunog. Ayaw mo masunog ang bangkay mo, hindi ka makikilala. Sayang ang exposure.

    Kung gagamit ng blade, siguraduhing may dalang reserba. Pero kung puwede lang respetuhin mo naman sarili mo, iwasan na lang sana matukso pang emo kahit patay ka na.

    Kung magbibigti, lagyan ng grease o anumang puwedeng magtaboy sa insekto. Again, ayaw mong langgamin.

    Kung iinom ng lason, magdala ng tuwalya at wet wipes. Habang hindi ka pa natotodas punasin mo naman ang mga bulang lalabas sa bibig mo. Again, dyahe naman kasi kapag nakita ng friends mo.

    Hindi talaga advisable ang magpasagasa. Kasi dapat mabilis ang sasakyan. At mabilis lang naman ang mga sasakyan kapag maluwag ang traffic, kapag maluwag ang traffic at tinakbo ka sa ospital malamang aabot ka pa. Defeated ang purpose.

    Kung magbabaril, mas mainam kapag may silencer. Kasi kapag sumablay sa unang bala at may nakarinig sigurado malaking istorbo sa layunin mo. At please lang, huwag tumapat sa bintana, ayaw naman nating may tamaan ng stray bullet.

    Kung puwede iwasan huwag tumalon sa building. Una, gasgas na ito. Pangalawa, baka magduda pa sila ng foul play at hindi maniwalang suicide. Pangatlo, paano kung napilayan ka lang, nabali lang leeg mo, pati spinal cord, pero nabuhay ka, mahihirapan ka na umakyat pabalik sa taas nun, tsk tsk. At pang-apat, kapag nauna mukha mo at nadurog hindi kaaya-aya pag nasa kabaong ka na. Pero kung hindi maiiwasan at nasubok mo na lahat, siguraduhin na lang na una likod.

    Kung tatalon sa tulay na may dalang malaking tipak ng bato na nakasabit sa leeg, malabo. Ang dami ng nakakita nun sa pelikula. Una ulet, hindi ka pa nakaabot sa gitna ng tulay malamang may pumigil na sa iyo. Pangalawa, putik ang pagpapakamatay dapat mani-mani lang at effortless, hassle kung magbubuhat ka pa ng malaking bloke ng semento.

    Dapat may suicide note. Para hindi pagdudahan ang mga kasama mo sa bahay pati mga kaibigan mo.

    Sa paggawa at pagsulat ng suicide note, dapat hindi jejemon. Gusto mong maintindihan ng lahat ang iyong dahilan.

    Pirmahan ang suicide note, at gawing valid ang signature. Baka hindi sila maniwalang galing nga sa iyo yun.

    Oo nga pala, huwag na huwag nag-e-emo status updates sa facebook, magdududa na ang mga friends mo at mamanmanan mga galaw mo. Again, sagabal.

    Sulatin ang suicide note isang linggo bago magpakamatay. I-proofread ng ilang beses. Siguraduhing wala kang makakalimutan at walang typo’s. Pero magbaon pa rin ng ballpen sa espesyal na araw para kung sakaling may nakalimutan ka man ay walang problema. Tandaan, ang mga suicidal ay palaging balisa kaya intindihin na hindi maiiwasan ang may makalimutan.

    Huwag padaluy-daloy sa pagsasaad ng gustong sabihin sa suicide note. Baka may pupuntahan pa ang makakabasa maiinis lang. Pero kung maaari ay gandahan ang paglalahad ng kuwento, dapat interesting ang pagkakasulat. Huwag gumamit ng malalalim na salita, keep it simple, pero astigin. Inuulit ko, huling liham na ito na susulatin mo, dapat mag-iwan ito ng marka sa isipan ng mga kakilala mo.

    Huwag ilagay ang suicide note sa drawer, o iipit sa libro, o itago sa cabinet. Walang makakakita. Ilagay ito sa obvious areas. Isubo sa bibig, hawakan nang mahigpit, o idikit sa noo. Kapag binulsa siguraduhing medyo may nakausli para makita.

    Mag-ready ng juice at biskwit sa ibabaw ng lamiseta. Pagdating ng mga imbestigador nakakahiya kung walang meryenda man lang.

    Sigurado kapag todas ka na unang unang mapapansin ang mga talampakan mo. Tiyaking malinis ang mga ito. Kahit pa magsasapatos ka. Ayaw mo mag-iwan ng impression na hindi ka mapalinis sa katawan at hindi mo mahal ang sarili mo.

    At higit sa lahat, habang palagot ang huling hininga, ngumiti. Ayaw mo isipin ng mga friends mo na kaya ka nagpakamatay ay dahil walang kuwenta at leche ang buhay mo, dapat hanggang sa huli parang trip-trip lang ang dating para astig.

    THIS IS AN ORIGINAL BY YIN. STOP GLUTTONY.

    • katrinadanieles says:

      ahahah! =) yin, natawa talaga ako dito! hahah. =) hindi kumukupas ang galing mo yin! hahah! ito talaga yung tunay na manual ng successful na pagpapakamatay!😀
      gandang araw yin! =)

    • katrinadanieles says:

      salamat yin. ^^, naku, na-iinspire talaga ako kapag nakakarinig ako ng magandang bola mula sa inyo eh. =)
      ok lang, sobrang nakakatawa namn yung comment. =) salamat talaga. =)

  8. Sensya na Kat, nung una ko pa gusto idagdag ikaw sa blogroll ko, busy lang talaga sa work at pag nagpo-post na ko nikakalimutan ko. Tanungin mo si Pong antagal din bago ko siya na-add sa roll ko. Ayt awtomatik yun!

    • oo kat matagal niyang inilagay ako sa blog roll niya kahit taga Pampanga ako at malapit siya sa clark (anong konek?)
      tsaka natutuwa nga ako sa iyo nadalaw siya, sa akin, hindi ko na matandaan kailan siya nadalaw, ahahah

      alam ko na nung nagpakontest si kuay kulisap tapos chain comment pa

      mapalad ka kat at nadadalaw ka ni yin.
      ahahahah

      peace boss yin!

      • katrinadanieles says:

        hahaha. =) ganun ba? hahah, mapalad nga ako, kasi dinadalaw niyong dalawa yung blog ko. ^^

        tenkyu talaga sa pag-welcome niyo sa’kin dito.🙂

    • katrinadanieles says:

      ahahah. =) nakakalungkot naman.T.T joke lang.heheh

      naku, ok lang, ang saya ko na ngang bumibisita kayo sa blog ko. ^^

      salamat talaga. =)

  9. ay hindi agad nag-post yung sagot ko kay pong. sabi ko di ba cp gamit ko, ang tagal mag-load ng page ni pong sa cp ko kaya hindi ako madalas makatambay, at hindi lang naman sa kaniya, dami pang ibang friends, ='(
    kagagaling ko lang dun. ta-type sana ko application pero tumambay na lang ako kay pong at nag-backread hehe. ngayon lang ulit ako nakapag-pc.

    • oo kat mabait na tunay si boss yin
      talagang mabagal lang magload ang cp niya
      kakagaling niya sa akin kanina
      inubos niya ang meryenda ahahaha

      salamat boss yin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s