250 Pesos o Pag-ibig?

Niyakap ko agad si Mama at iba ko pang kapamilya pagkadating ko sa bahay. Nakita ko agad ang mga anak ko, oo, mga anak ko. Hahah. Ang kapatid kong babae na first year highschool na, at dalawa kong pinsan na 7 at 3 taong gulang. Sabi ni mama, kung gusto ko silang ipasyal, bibigyan niya ako ng 300 pesos na budget.  Kaya oo naman agad ako.

Bago kami umalis, inimbita ko muna ang kababata kong si bongbong,este Cesei(www.silverboi.wordpress.com para may kasamang promotion) na samahan kami, na hindi naman humindi. Sinama ko siya para magkasama naman kami matapos ang ilang taon, at para may manglibre. heheh

Nang nasa  Robinson’s na kami, agad nagtanong si Cesei kung sino ba yang si Markki Stroem.

“Bakit hindi mo kilala si Markki, eh major major crush ko yun”, ang sabi ko naman. Sa mga hindi pa nakakakilala kay Markki, isa siya sa mga sumali ng Pilipinas Got Talent  at heto siya.

null

Hahah. Major-major crush ko talaga siya kasi magaling siyang mag-gitara, mag-piano, mag-saxophone at nakakainlab ang boses. Nang naitanong ko kung  bakit niya natanong eh heto sabi niya:

“Kasi Midnight Sale ngayon sa Robinson’s at  pwede raw ma-meet and greet si Markee”

“HA?! Talaga?! Seryoso ka Ces?! Paano mo nalaman?! ”

“Ayun hu, nakalagay sa malaking tarpaulin sa harapan natin”

Ayayay pag-ibig! Kapag sinuswerte ka nga naman. Hindi ko akalaing susundan ako ng mahal kong Si Markki sa Bacolod eh.Hahah.  Minsan nga naman, ang pag-ibig nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. Kaya pinilit ko agad si Cesei na bumili kami ng papel at ballpen para magpa-pirma,   sabi ni Cesei, sa T-shirt ko na lang papirmahin,oo naman ako. Ahahah, isa pa, ahahah.(sinusunod tawa ni yin.😀 )

Alas siete pa raw si Markki kakanta, kaya pumunta muna kami sa “Quantum” at “World of Fun” kung saan inubos ng mga anak ko ang lahat ng rides, as in lahat, maliban sa hindi gumagana .Ang saya-saya naman nila lalo na yung si Xander, ang tatlong taon, atsaka si Xapu,ang limang taon. Ako namaý nataranta sa kanila dahil kung saan-saan tumatakbo.

Oras na para kay Markki! Ang swerte ko kasi ang ganda ng pwesto namin, nakita ko sa malapitan ang crush ko at may phone na  may camera si Cesei, kaya lang nag-wave2 siya sa ibang babae, atsaka nag-kiss pa, sa akin,wala. Huhuh.  Actually, masaya na  akong marinig boses niya, at nag-saxophone pa siya, nakaka-inlab talaga. Tapos pwede raw ma-meet and greet si Markki, magpa-pirma at magpa-picture2 basta merong album  ng Pilipinas Got Talent. Hay naku, minsan, ang pag-ibig hindi libre.

Sabi ko gusto kong bumili ng album eh,250 pesos pala yung presyo. Minsan, ang pagmamahal, eh talaga namang mahal. Yung dala-dala ko 300 lang. 250 o pag-ibig? 250 o pag-ibig? Dilemma talaga, ano  pipiliin mo Kat?

Ang ending eh pinili ko ang 250 pesos… atsaka Pag-ibig. =) Kasi imbes na binili ko nang album ni Markki yung 250, binili ko nang dalawang B1 meal, go large sa Jollibee ang pera, at masayang kumain kasama ang mga anak ko. Minsan nga naman, ang pag-ibig, nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. =)

Sa araw na’to , yan ang kwento ni Kat. =)

24 thoughts on “250 Pesos o Pag-ibig?

  1. yehey, go jolibi, go jolibi,
    namiss ko ang C3 iced tea, extra rice ng jolibi yehey! (yan madalas kong inoorder) ahahaha

    alam mo kat bilib ako sa iyo sa pagmamahal na meron ka, hindi ka madamot.
    namimiss ko na ang mga pamangkin ko na parang anak ko na rin.

    sa tuwing aalis ako ng bahay noong nagtuturo pa ako, agad nilang sasabihin, “sir pengeng pera” ganun din pagdating ko, may mga pasalubong pa sila nun.

    totoo nga na yung mga essentials sa buhay yun ang mga hindi nakikita, parang hangin, kung wala ito mamatay tayo, at ang pag-ibig more on naipapadama siya kumpara sa nakikita hindi mapaliwanag, dahil mahiwaga.

    mahaba na ang koment ko pero ang dami kong gustong sabihin

    • katrinadanieles says:

      go jolibi! =) hahah. jolibi gusto nila eh. hahah.
      madamot ako kuya, sobra, di ko lang pinapahalata. hahah =)
      yung mga pinsan ko kasi parang anak na ni mama, at parang anak ko na rin.🙂
      makukulit pero ang cute namn. hahah. =) kung may cam ako, lagay ko pix nila dito minsan. =) heheh

      kuya, tenkyu sa comment, andami kong natututunan. =)
      gandang araw! =)
      simba muna ako kuya.🙂

  2. next time,push your luck.

    sabihin mo sa kanya na wala kang pera pero baka pwede munang utangin yung album nya.

    bilib ako sa naging pasya mo.kase dati,kailangang salinan ng dugo ng nanay ko pero nagastos ko yung pera para sa pag-ibig.oo,binili ko yung ina-auction na nighties ni angel locsin.

    joke lang.

    • katrinadanieles says:

      ahahah.🙂 mukhang mas mahirap na desisyon yan duking ha, si nanay o yung nighties? si nanay o yung nighties? hahah.🙂

      gandang araw saýo!🙂

  3. kat, major crush ko rin siya!! hahaha kung ako siguro ikaw, bibili ako ng album at iiwan ko ang mga bulilit para sa kanya😀 ang swerte ng mga anak mo, kat ang nanay nila at hindi katy hahaha

    • katrinadanieles says:

      hahah!🙂 pareho pala tayo katy!🙂 na major major crush si markki!🙂 ang cute nya lang kasi eh. hahah.🙂
      okie lang, next time, libre na yung pirma, pati album ni markki. hahah. sana libre. hahah.

      ang cute kasi ng mga bulilit eh. hahah.🙂

      gandang araw saýo!🙂

  4. Namiss ko bigla mga pamangkin ko, kaka-text lang ni ermats nasa bahay daw sa Pangasinan yung apat na pamangkin ko. Yung Marki ba yung kumanta ng anak sa pgt? Mas magaling ako dun! Saan ka nakakita ng kumakanta habang nag-gigitara at nagske-skateboard at kumakain ng pulburon?! Hahaha.

    • katrinadanieles says:

      ahahah.🙂 ganun ba yin? heheh. di ko naman nakita eh. hahah. di ko maimagine na may kumanta habang kumakain ng pulburon. hahah.🙂

      oo, anak ata kinanta niya eh. heheh

      gandang araw yin!🙂

  5. concon says:

    nang makita ko ang poster ni markki sa rob kahapon, ikaw agad naalala ko… hehe…
    . .. nasa akin kasi phone mo kaya wala akong way na ipaalam sa iyo na nasa bacolod na ang major, major crush mo. hehe… di ko naman inakala na umuwi ka rin pala..(nag-work kaya ang pag-convince ko na umuwi ka?.. hmmm… )

    anyway, buti naman naisipan mong umuwi… siguradong miss na miss ka na ng mga anak mo..
    mama mo, ng mga kapatid mo, mga kamag-anak at ng buong bacolod..😛

    • katrinadanieles says:

      ahahah.🙂 parang nag-work rin naman yung convincing powers mo.😉 nakita mo rin pala ang major major crush ko? hahah.

      namimiss ka rin ng mga cute mong kapatid, ng nanay mong maganda, cool mong tatay, at ng buong Bacolod!🙂

      gandang araw char!🙂

    • katrinadanieles says:

      ahahah. major-major talaga jec. hahah.🙂 nahirapan kaya ako. hahah. major-major crusk ko kasi si Markki eh. hahah

      gandang araw jec!🙂

  6. awwww… I loved this story, Kat! If your parents knew about this, I am very sure they would be proud of you. You are wise for your age.

    I loved how you call the kids mga anak mo. pagdating ng panahon, you will be a great mom to your own kids.🙂

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 relatives free tong blog ko(i hope) hahah. pero kung meron sa kanilang makabasa,ok lang naman.🙂 parang nakakahiya kung mabasa nila eh. hahah

      ay naku ate kaye, masungit talaga akong nanay sa mga batang yan, pagkatapos nauubusan ako ng pasensya. hahah. ang kulit-kulit kasi eh. hahah

      gandang araw saýo ate kaye!🙂

    • katrinadanieles says:

      hahah. matakaw ako metaporista,sobra, di ko lang nalagay na ako yung umubos ng pagkain nila. hahah.🙂 at fave ko rin yung jolly hotdog. hahah

      gandang araw saýo metaporista!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s