Kwento Ni Manang Singit at ng Dalawa pang Extra

(Babala, mahabang paskil.)

Wala talaga sa plano ko ang umuwi sa Bacolod ngayong buwan, pero kahapon naisip kong pupunta rin naman ako ng Iloilo City(Ang school ko kasi nasa bundok pa, pero hindi naman kami lumalakad ng ilang kilometro at sumusuong sa ilog para makaabot sa campus. Heheh.45 kilometers ang layo mula sa Iloilo City), bakit hindi na lang ako sumakay ng barko pauwing Bacolod? Parang dyip lang noh? Pagktapos ng aking transaksyon sa isang Printing Press na  Maki ang pangalan sa Iloilo City, pumunta muna ako ng SM para kumain ng isang dosenang Maki, ewan ko kung bakit ganyan ang gusto kong kainin, bigla lang ganyan ang gusto ko ,ewan ko lang,

Nang nabusog, diretso na sa bilihan ng ticket kung saan parang pinalibutan ako ng mahilig sumingit sa linya, sarap sapakin. Merong isang babae sa likod ko, pinipilit niya na ako na lang bumili ng ticket niya, eh ayoko nga kasi di ko siya kilala, ayoko ring humawak ng pera ng taong di ko kilala, baka kasi marked money yun, ako pa mapagkamalan. Sinabihan ko na lang siya na kung nagmamadali talaga siya, mauna na lang siya.Kaya ayun, sumingit nga. Para sa akin di naman talaga unfair sa iba, kasi kami lang naman mag-eexchange sa linya. Kaya lang di nakuntento si Manang,sisingit pa sa lalaki sa harap niya, ayun napagsabihan tuloy na “Alam mo bang may linya?”. Quiet na lang si Manang habang ako naman ay parang nasiyahan ng konti, ang sama ko talaga.

May tatlong teller, akala ko dapat dumistansya ka muna, at kung may natapos ng bumili sa isang teller, dun ka na rin bumili para naman, yung nauna sa linya, mauna talaga, pero hindi pala ganun? Kasi may tag-iisang tao na ang teller, si manong  “Alam mo bang may linya?”na ang sunod, na naisipang sa teller 3 luminya kasi yun pinakamalapit. Si Manang Singit naman, agad na pumunta ng teller 2 ng natapos ang transakyon dun. Ako na yung sunod, kaya naisipan kong hintayin kung sino ang matatapos kay Manong  “Alam mo bang may Linya”(Teller 3), Kay Manang Singit(Teller 2), at sa isang extra sa istorya(Teller 1). Ako na ang sunod, ako na talaga!

Hindi ganun ang nagyari kasi may dalawang engot  mula sa likuran ko na dinaanan lang ako at luminya sa likod ni Extra, at ang isa pumunta sa teller 2 kung saan katatapos lang bumili si Manang singit ng ticket. Ang ending sila ang nauna kasi medyo marami ang ticket na binili ni Manong “Alam mo bang may linya?”.  Na-shock talaga ako, malalaki kasi silang tao at mga lalake pa. Parang hindi talaga tama yun. Kitang-kita pagkabigla ko kaya naman agad nagsabi sa likod ko na “Hindi ka kasi luminya agad ”. Sinabi ko namang “Hindi naman talaga ako nagmamadali manong (at alam mo bang mas engot ka sa kanila?).

May isa pang sumingit, kaya naman siya’y itinulak ko na  sa dagat sa pier na puno ng dikya ng papasok na sana kami ng barko.  Joke lang, wala nang sumingit at nakabili rin ako ng ticket, atsaka bad yun.

Ang masasabi ko lang, hindi naman talaga ako nagmamadali eh,kasi  yung susunod na trip(5:15 pm)sana kukunin ko pero naswertehan namang pwede pa palang kumuha ng  ticket sa 3:45 na byahe dahil medyo napaaga ako ng dating. Marahil nagmamadali talaga sila kaya ganun, pero sana kung nagmamadali sila maaga pa silang pumunta dun sa pier para hindi naman sila natataranta at naiiwan ang “good morning  and right conduct” nila sa  bahay nila. Hindi naman kasi lahat ng sisingitan nila  tulad ko na hindi nagmamadali di’ba? Tsaka, huwag na sana nilang ulitin kasi andyan yung tinatawag na linya  hindi para maganda lang tignan, kundi para magkaroon naman ng kaayusan at sistema. Kalalaking tao at Kalalakeng tao sumisingit sa linya ng batang babae,ewan ko na lang .

Kung lahat ng Pilipino ganyan, may sumisingit sa  linya, hindi iniisip ang oras ng iba, at iniisip na ikaw pa may kasalanan kasi hindi ka luminya agad at hindi ka nakipag-uunahan sa dalawang mas malaki pa saýo, eh ewan ko na lang kung ano ang ending niyan. Kasi yung pagdidisiplina sa sarili nagsisimula yan sa maliliit na bagay, nagsisimula sa mga pang-araw- araw  na sitwasyon,  at sa simpleng pakikipagkapwa.

Ang ending ba nito ay nasira ang araw ko dahil sa mga singitero at singitera? Ang totoo niyan, hindi. Kasi 5:15 yung akala kong trip na maabutan ko at sasakyan ko eh, pwede pa pala sa 3:45? ^^,  hahah.

Sa araw na’to, yan ang kwento ni Kat. =)
null

7 thoughts on “Kwento Ni Manang Singit at ng Dalawa pang Extra

    • katrinadanieles says:

      heheh. =) nurz, salamat dahil sinamahan mo pa ako. =) tenkyu talaga. =) uwi na ako diyan mamaya. hahah.🙂 kitakits na lang!😀

  1. maliit ako pero nuknukan ng taray sa mga taong sumisingit sa linya. gusto ko kasi sumusunod sa patakaran. kung me linya, luminya ng maayos. wag epal at singitero at singitera. kaya ayun, nakakarinig sila ng puna mula saken. kung walang linya, ayun, pwede ang to each his own. maraming pagkakataon naman kahit na malalaki sila sa akin, kapag pinuna ko na at binigyan ng matalim na titig, este ng magandang ngiti, e nahihiya naman sila at lumilinya ng maayos. kasi kung hindi, tatadyakan ko rin sila ng bonggang bongga (read: major major).

    hey, I enjoyed reading this one. you write well and i love your reflections. bihira ang katulad mo na nakakayang makita ang maganda sa mga pangyayaring hindi maganda. you are indeed very refreshing.🙂 continue writing and i will continue reading and visiting😉

    • katrinadanieles says:

      yung mga singitera at singitero, nakakaubos talaga ng pasensya eh. hahah. ewan ko ba sa kanila, baka masanay sumingit sa kung saan-saan, dapat pinagsasabihan ng maaga. heheh. magpaturo kaya ako saýo ate kaye kung paano yang matalim na titig este ngiti..heheh, para di naman ako sinisingitan lang ng mga mas malalaking tao. hahah.😉 next time major major na tadyak na rin gagawin ko sabay takbo. hahah.🙂

      salamat ate kaye sa papuri!🙂 asahan niyo rin po yung pagbisita ko sa pahina mo.🙂

      sira ulo lang talaga ako, heheh. kaya masaya pa kahit ganyan.🙂
      gandang araw saýo ate kaye!🙂

      P.S. sana itigil na yung pag-block sa net ng mga may “katrina” sa office niyo. heheh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s