Mirror, Mirror on the Wall

I’m starting with the man in the mirror,

I’m asking him to change his ways,

And no message could have been any clearer,

If you wanna make the world  a better place,

take a look at yourself and then make a change..

Para sa’kin, ang salamin ay isa sa pinakamahiwagang bagay. Minsan kasi naniniwala akong ang salamin ay isang pintuan patungo sa isang mundong iba sa mundong kinabibilangan ko ngayon. Minsan naman parang pakiramdam ko may ibang taong nakakulong sa loob ng salamin. Minsan din naiisip kong pwede itong gamitin para malaman o manghula ng buhay ng iba.  Epekto siguro ng snow white. At Ewan ko lang din kung anong meron sa salamin na ang mga tao sa tuwing may madadaanan na salamin, eh agad na napapalingon. Ano ba meron sa kanya?

Noong bata pa ako, mahilig akong bumato ng kung anu-anong linyang narinig ko sa tv sa harapan ng salamin. Kunwari daw may kinakausap ako at may kapalitan ng linya. Pagkatapos may pagkakataong sinusunod ko yung mga commercials na parang  may iminumungkahi akong  produkto. Nakakatawa man, pero ganyan talaga tupak ko.

Noong nasa hayskul naman ako, mahilig akong mag-drama. Emo-emohan kasi ako noon, yung tipong may bangs na parang ewan. Tuwing may naiisip akong kung anu-anong parang engot lang, may mga monologo akong binibitawan sa harap ng salamin.

Pagkatapos,parang na-realize ko na mas madali pala akong umiyak kung nagda-drama ako sa harap ng salamin kesa nagda-dramahan lang ako sa kawalan. Ewan ko ba, tuwing nakikita ko sarili ko sa salamin,parang nalulungkot ako, o baka dahil naiisip ko lang na ang pangit ko na sabi naman ng nanay ko’y hindi totoo. Maganda daw talaga ako, sabi ng nanay ko at aniniwala naman ako sa kanya.heheh

Ngayong college naman, naisip ko lang na ang salamin pala, isa sa mga bagay na nakakaalam sa kung sino ka talaga at ano na ang nagbago sa iyo. Nakita ng salamin ang 5 year old Kat na merong straight na bangs, bungi-bungi ang ngipin, at parang panlalaki ang damit. Nakita ng salamin ang Kat nangangarap maging artista o maging beauty queen balang araw. Nakita nito ang parang lost na hayskul na Kat na parang emo lang at nangangarap na maging manunulat balang araw. Nakita rin nito ang college na na Kat na naghihinayang dahil may mga bagay na hindi niya nabago sa sarili niya at may mga pagbabago namang hindi  niya nagustuhan, at nangangarap na sana maging mabuting tao siya balang araw.

Kung isisipin nakita rin nito kung paano ako ngumiti,naging malungkot, paano humagulhol ng iyak at alam niya rin kung kailan peke ang lahat ng emosyong pinapakita ko. Narinig nito ang pinakamasakit na salitang pwede kong sabihin sa isang tao, ang mga salitang nagsasabing “Kaya mo yan”, at mga salitang sa sobrang lungkot pakinggan ay nakalimutan ko na.

Unang nakita ng salamin kung nagpagupit ka ng buhok dahil sa bigong pag-ibig. Nakita niya rin kung paano ka mag-ayos para lang sa isang tao. Nakita ka niya bago ka pumupunta sa eskwelahan o trabaho o bago ka lang makita ng kung sino. Nakita ka niya bago ka nagmartsa sa graduation mo,o pumunta sa prom niyo o bago ang iyong job interview.At nakita niya ang mga pagkakataong ayaw mong makita ka ng iba.

Ganito talaga tupak ko. Kung anu-ano pinagsasabi tungkol sa simpleng salamin. Pero siguro dahil gusto ko lang sabihing, natutunan kong importante rin pala ang salamin, kasi minsan importanteng natatanong mo sarili mo kung ikaw pa ba ang taong nasa salamin.  Importanteng makita mo ang pagbabagong nagaganap sa’yo. At higit sa lahat, importanteng malaman mo at makilala kung sino nga ba ang taong nasa harapan ng salamin.

Who is that girl I see

Staring straight back at me

why is my reflection

Someone I don’t know?

null

38 thoughts on “Mirror, Mirror on the Wall

  1. best friend ko ang salamin🙂 pero ngayon, hindi na ako tumitingin sa salamin kasi natatakot na ako sa sarili ko parang hindi ko kayang makita mukha ko ulit😐 puro pimples na kasi hahahahahaha

  2. Concon says:

    Una, nahirapan akong magbasa dahil sinubukan ko magbasa gamit ang cellphone ko. Ok naman pala.

    Ako takot ako sa salamin dahil minsan na akong nakakita ng mumu doon. Ayoko ng makita ang mumu na yun. Natatakot ako na baka kunin ako ng mumu at ikulong dun sa salamin. Ö

    • katrinadanieles says:

      ay oo, nasabi mo yan sa’kin. :0 di’ba naka-maroon ka pa nun?🙂 may mumu mamaya sa salamin sa dorm natin. heheh. hala ka. heheh

      gandang araw france.🙂

  3. sunnystarfish says:

    nice Kat. Gusto ko yung nagpagupit dahil sa nabigong pag ibig haha…parang ganyan ako dati hehe…alam mo bang mahaba ang buhok ko hanggang siko haha…

    Ginagamit ko ang salamin pag nagpapraktis ako ng mga pose haha, adik eh…

    • katrinadanieles says:

      ay ganun ba? maikli yung buhok mo ngayon diba?🙂 bagay naman ata saýo kahit anong gupit gince.🙂
      meron rin pala akong time na kung emo-emohan ako, may bangs, kung parang seryoso, nakapony-tail, kapag di nakaligo, may cap. hahah

      gandang araw gince!🙂

    • katrinadanieles says:

      oo nga noh?🙂 kaya pala nasabi nilang malas yung makbasag ng salamin. heheh

      wag na lang, kasi mas feel ko na yung sumusulat akko eh. hahah.🙂

      gandang araw kuya jason!:)

  4. epekto siguro yan ng snow white kat ahahahah

    serious na, sabi nila salamin daw ng ating kaluluwa ang mga mata, wala lang narelate ko lang na it’s still perceiving things thru the sense of sight.

    paano na ang mga bulag? paano kaya nila napeperceive ang sarili nila gayong hindi nila alam kung ano ang mga kulay…. ang gulo ni kuya pong noh

    ang alam ko lang we are mirrors of Him.

    • katrinadanieles says:

      parang epekto nga ng snow white kuya. hahah. 🙂 nabasa mo yung other versions ng snow white?🙂 medieval yung setting atsaka yung salamin palang may magic eh halluccination lang ng stepmother kasi may mental disorder siya. heheh
      0
      mas nakikita naman po nila ang hindi nakikita lang ng mata.🙂 at may trivia po ako tungkol sa mga bulag, alam niyo po bang ang mga pinanganak na bulag eh, auditory ang panaginip? heheh. wala lang, may masabi lang.hahah .🙂

      tama kuya, Siya ang dapat na sinasalamin natin. 🙂

      • wow salamat naman sa trivia kat,
        madami akong gustong sabihin sa post mo

        like tayo and other animals bilateral symmetry ang meron tayo what is seen on the left is also seen on the right.

        kaya siguro un/dis-contented tayo madalas.

        adik lang ako wag mo ako pansinin ahahah

      • katrinadanieles says:

        hahah.🙂 discontented tayo kasi pare-pareho lang naman yung nakikita natin? ganun ba? heheh.🙂 ang cool noh? salamat kuya sa trivia.🙂
        ahahah.🙂 adik rin ako eh. hahah

        heto pa trivia kuya.🙂 according sa cognitive psych namin,yung pag-process ng nakikita natin ay hindi one way tulad ng inaakala ng iba, akala ng iba ay magsisimula sa sense of sight pagkatapos ay mag-tatravel yung info sa brain. . ang totoo niyan, two-way process siya kung saan yung mata natin at ang brain natin ay nagpapasa ng kanya-kanyang info..🙂 kaya yung nakaktakot sa isang horror film ay yung parang suspense o yung parteng hindi pa nakikita ang multo kasi, ang brain natin parang nag-poprocess ng mukha ng multo o may anticipation na.. pagkatapos ayun, yung makikita natin, kadalasan nadadagdagan ng ibang impormasyon.🙂 heheh. wala lang, love ko ang psychology. hahah. adik lang din ako. hahah

      • tama ka syempre dahil science major ako ganun din sasabihin mabilis ang utak na magproseso ng mga bagay bagay na posible o hindi posibleng mangyari what more dagdagan pa natin ng visual factor, lalo na tayong mga pips ay very visual.

        ahahahah naenjoy ko ang psych class ko nun kaso hindi fair yung prof ko mababa grade ko panira sa TOR ahahaahh, speaking of pscyh ano kasi yung theory na ang dreams/panaginip ay result ng discharge of infos ng brain? kasi may panaginip ako kagabi about dun sa kapatid ko, at gusto kong ipost ayoko magsearch sa google or wiki baka maimplwensyahan niya yung ipopost ko ahahaha

        please help kanina ko pa kasi nirerecall eh, yan ang epekto ng disappointment ko sa prof ko nagdrain na lahat

      • katrinadanieles says:

        kuya, nakalimutan ko na.🙂 kasi yung tungkol sa mga panaginip, si Freud talaga yung maraming theories dyan.🙂 eh yung kay Freud, theories lang naman lahat.🙂 akala nila parang father of psychology eh si freud,hindi naman.🙂 most countries nga don’t take freud seriously pero i respect freud for his love of knowledge.🙂

        yung panaginip na mula sa discharge ng mga info eh theory naman ng ibang scientist.
        ang tinutukoy mo atang(siguro lang kuya) theory eh, activation-synthesis theory.🙂 may mga random electrical impulses sa brain tuwing tulog tayo,ay siyang parang trigger sa memory natin,pagkatapos nakakapaglikha ng image ang utak natin..🙂

        kuya,hanggang ngayon kasi, nahihirapan ang mga psychologist na alamin ang pinagmulan ng mga panaginip kasi wala pa naman instrument na makakapag-project ng iniisip natin.🙂 kaya di ko alam alin ang totoo.🙂

        kuya, anhirap naman ng tanong. hahah.🙂

  5. Talagang dpat na malaman mo at makikilala mo ng lubusan ang nasa harapan ng salamin… Para alam mo kung saan ka babagay…😀

    Nakikiraan… Exchange links tayo…😀

      • salamat dun sa info kat, yehey!
        oo nga mahirap ipaliwanag ang mga panaginip pero naniniwala ako na may kahulugan sila
        salamat ng madami kat,

        thank you for your answer! major major help sa akin eheheh

        be blessed kat
        musta pag-aaral?

  6. what if walang salamin o hindi naimbento ang salamin?ang dami ring advantage.aakalain mong fashion ang maruming mukha.magmumukhang design ang muta sa mata.sikat na skin tattoo sana ang panis na laway.fashion statement sana ang tinga sa ngipin.in na hair style sana lagi ang magulong buhok…at hindi natin masasabi na pangit pala tayo kumpara sa iba.

    madaling sabi,ang salamin ang naging pangunahing daan natin para mag compare ng anu tayo sa harap nya at ano ang ibang tao sa harap natin.

    in otherwords…walang saysay ang sinasabi ko.hahaha!

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 duking, tama ka nga, kasi sa kawalan ng salamin, nababawasan ang tendency nating maging masyadong perfectionist,legalist, at discriminating.🙂
      natawa ako sa skin tatoo. hahah.🙂 gawin ko kayang palusot yan kung malimutan kong magmumog. hahah
      heheh

      gandang araw saýo!🙂

  7. Dorm Boy says:

    Yung salamin namin sa bahay ang witness sa aking paglaki. Nakakatuwang isipin mula elementary, highschool at college eh nakita nya ako maggrow ng major major. hahahhaa! (Adiktus)

    • katrinadanieles says:

      Dorm boy!🙂 siguro matangkad ka na ngayon,kasi major major pa talaga yung pag-grow mo eh. heheh.🙂

      magandang araw saýo dorm boy!🙂

  8. Ang galing mo naman. Creative ka.
    Dahil sa salamin may entry ka.

    Ang salamin, ay piping saksi sa pagbabago ng iyong sarili. Kung makapagsasalita lamang ito, marahil may nobela na siyang maikukuwento tungkol sa atin.

    Hi Katrina

    • katrinadanieles says:

      salamat jkul! ^^

      heheh. dahil kung anu-ano na lang kasi pinag-iisip ko kahit sa salamain. hahah.

      gusto ko pa yung sinabi niyong ang salamin ay isang piping saksi.🙂

      magandang araw saýo jkul!🙂

  9. parang may kulang pa dito yung mirror-mirror ng m2m. wahahaha!

    pareho tayo nagda-drama-dramahan at madalasdin sa harap ng salamin. ang siste ko lang nagsasalamin lang ako pag emo mode o bago umalis.

    and yes ang salamin ang tanging bagay na nagpapakita ng klaro at updated na imahe mo. hindi mo na kailangang ng negative.

    • katrinadanieles says:

      hoshi!🙂 gandang araw sa’yo!🙂 pareho pala tayo, kung makadrama sa salami eh parang totoona. hahah
      mahilig ka rin pala sa emo mode na yan. heheh

      gandang araw sa’yo!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s