Mamamatay na Ako

Sitwasyon ko.eheh

Isang linggo na akong hindi regular ang pagkain.

Minsan, ang agahan ay alas dies na ng umaga, ang tanghalian ay alas 3 at ang hapunan namaý alas sais o alas dies na ng gabi o kya namaý inaabutan na ng ala una ng umaga. Pagkatapos, ang mga makakain ko lang ay pritong meatloaf, sausage, corned beafloaf(para may variety daw),pancit canton,itlog, noodles, cup noodles(variety ulit. hahah) atsaka ginisang corned beef. Ito ang mga palaging nandyan na para bang mga pagkaing nasa multiple choice test, andyan na bilang sagot.

Isang linggo na akong hindi regular ang tulog.

Dahil kailangang maaga ang gising, nagigising pa naman ako ng alas 8  ng umaga kung merong klase mag 8:3o ng umaga, pagkatapos, 6:30 na nagigising kung 8:30 klase ko sa siyudad(isa at kalahating oras ang biyahe mula sa bukid namin).

Oo, 30 minuto lang tapos ko ng ayusin an sarili ko kasi mabilias ako atsaka patay ako kung ma-late ako eh, 10 minuto ang ligo, 5 minuto bihis kasama na ang pagpapalit-palit kung hindi feel ang damit pero madalang lang naman mangyari yun, 5 minuto ang pagsuklay,toothbrush,tingin sa salamin,  at 10 minuto ang paghahanda ng bag, kasama na yung pagbalik sa itaas ng dorm kung bigla kong naalalang may nakalimutan pala ako.

Kung anong oras akong natutulog ay hindi ko na alam, hindi na ako maaga matulog kasi umaga na ako natutulog. Dalawang oras ng tulog ay masaya na ko, mahigit dyan ay sobrang saya ko na, 8 oras na tulog ay baka magtanong na akong “Ale, nasa langit na ba ako?”

Isang linggo na akong pagod.

Bilang isang estudyanteng may thesis, isang student assistant, at eic  ng isang paper, ay hindi ko na alam kung paano pa ako  hihinga niyan. Tatlong oras palagi duty ko bilang student assistant(gahaman kasi sa pera eh). Yung nakakainis sa pagiging eic ay hindi ko talaga kontrolado lahat, kasi hindi ko naman kayang sulatin lahat eh, tsaka di ko nga alam kung ano yan. hahah.

Yung thesis naman, ay sinasabayan ng isang business proposal para sa marketing(at case study pa), critical assessment of the 8 management functions ng isang kompanya para sa human resource, at isang training module para sa training na subject. Sumisingit rin ang Aqua Sci na may food demo tsaka pagtuturo sa elementary students tungkol sa panganagalaga ng karagatan. Nasabi ko bang may exams tsaka quiz na parang exam lang?

O, sige lovelife,sisingit ka pa? Kung sisingit ka pa,isipin mo na lang na ang schedule ko ay parang jeep na merong 20 kataong capacity, may 25 na sa loob di pa kasama ang drayber, at sinasabi ng konduktor na  “lima pa,lima pa, ang luwag,luwag pa! ” Kung ganyan eh, sumakay ka na lang muna sa ibang jeep. Ano ba pinagsasabi ko dito? hahah. Parang walang sense. hahah

Naisip ko, mamatay na ako,kasi minsan inuutusan ako sa pinagtatrabahuan ko,hindi ko na sila marinig ng tama,pagkatapos feeling  ko kung au-ano na nakikita ko, pagkatapos parang gusto kong tumawa tsaka umiyak. Ay baliw? wahahah. Basta ganun.🙂 heto na nga mukha ko eh:

Mukha ni Kat ngayon. :D

Sinong nagsabing stressed ako?! Hindi ah!

Dahil sa lahat ng ito, naalala ko nga palang templo ng Diyos ang katawan natin, kaya naman dapat nirerespeto natin ito,pinapahalagahan,inaalagaan at hindi inaabuso. Hindi ko nagagawa ang mga ganyang bagay kaya “Lord, sorry ha? Naging pabaya ako”

Kaya nga pinakain ng Diyos ang limang libong tao kasi alam niyang hindi sila dapat nagpapagutom. Alam niyang importante ang pagkain.Kaya nga may oras na ginising si Jesus habang may bagyo at nasa bangka sila, kasi nagpapahinga rin siya at alam niya ang halaga ng tamang tulog. Alam niyang importanteng merong oras para sa pagpapahalaga, pag-aalaga, at pagbibigay pahinga ng sariling katawan.

Lord, sorry ha? Alam niyo pong kayo ang nagbibigay sa’kin ng lakas. Salamat po  sa mga taong nagiging inspirasyon ko ngayon, si mama,  yung 2 kong kapatid, at iba ko pang pamilya, mga kaibigan ko, at yung dalwang taong palaging pinagpapasensyahan ang pagiging bugnutin ko,Nurz at France.🙂

Smile pa rin kasi baka meron ding  taong stressed na nawawala ang pagod pag naka-smile ang nakkikita niya sa paligid niya. Naisip ko rin,meron pala akong prebilihyong mag-aral habang ang iba,pangarap lang ‘to.🙂 Lord, salamat ha?🙂

null

37 thoughts on “Mamamatay na Ako

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 o sige, ipostpone ko muna ang kamatayan ko. heheh. oo nga noh?🙂 dun na muna ako sa baliw na stage. hahah

      gandang araw katy!🙂

    • katrinadanieles says:

      at napilitann akong hanapin ang ibig sabihin ng mangilin..:) sori po, medyo mahina pa po ako sa wikang Filipino.🙂
      magandang araw boi!🙂

  1. i love the last paragraph.
    dapat hindi lang sinisingit ang love life para mas makulay ang buhay mo kat, pero isama mo din ang greatest love natin kat, SIYA.

    hindi ka pa mamamatay.
    ang hectic naman pala ng schedule mo kat.
    wow eic ka pa kaya pala magaling kang magsulat ako no-eic ahahhahah

    relax ka pag may pagkakataon kagaya ni Jesus meron din siyang R&R you deserve it kaya, relax and smile lang baka sakaling may mapasulyap sa iyo mawala ang stress.

    be blessed kat!

  2. Kat kailangan ko ang iyong suporta para sa PEBA
    Entry number 18 ang akin, si kuya dahn (animus) 14
    vote mo kami ha, pati na din ang ibang entries ng PEBA 2010
    salamat!

      • salamat, pwede yun kahit sa social media.
        kaso hindi ko siya pwedeng ipost sa fb page ko kasi nagbabasa ng fb mga tita ko at maging kapatid ko ayoko silang magworry.

        basta sa mga friends mo diyan ikampanya natin ang adhikain ng PEBA 2010 as a whole syempre bumoto na rin di ba.

  3. pinagdaanan ko rin yan.hindi ka mamamatay dahil lang jan,maniwala ka!

    ang mangyayari,tutubuan ka lang ng tengang kawali,bibig na walang panlasa,ilong na walang pang amoy,pakiramdam na parang kay wolverine…mutation lang.tapos,fit ka na to work.dahil ang workplace kasi ngayon,sobrang demanding na ang akala nila,kaya mong magpalabas pa ng limang kopya mo at swelduhan lang ang kalahati sa inyo.

    unfair?

    welcome to the club!

    • katrinadanieles says:

      ay ganun ba? hahah. buti naman at hindi ako mamamatay at yan lang pala mangyayari sa’kin. hahah. ok lang,mukha namn talaga akong alien eh. heheh🙂

      ay ganun ba duking? unfair pala talaga..😦

      anyway,magandang araw saýo!🙂 baka gumanda pa araw mo.🙂

  4. nyahaha. guilty din ako sa pang-aabuso sa templo ni Lord (siyempre yung akin. hehe. di naman ako bayolente para umabuso ng templo ni Lord na hindi akin).

    dahil sa post mo, naalala ko rin ang katotohonang inaalagaan natin dapat ang ating mga katawan. in the end, tayo rin naman ang either magbe-benefit o magsa-suffer dahil sa mga pag-aalaga o kapabayaang ginagawa natin sa mga katawan natin.

    ayun. sabaw na talaga utak ko’t nagiging mahaba na ang comment na ‘to.

    ay ewan. kaya natin ‘to! para sa ‘tin ang walang puknat subalit sukdulan namang katotohan na Phil.4:13!🙂

    • katrinadanieles says:

      ahahah.🙂 singkamas, andami mo ring dapat gawin di’ba? heheh
      comp sci ang course mo di’ba?🙂 pareho pala tayo ng university pero ako sa visayas.🙂
      dapat alagaan na dapat ang katawan.🙂
      I can do all things through Christ who strengthens me!🙂
      gandang araw saýo singkamas!🙂

  5. dito nalang ako magkokoment
    i knew it hindi ka umiinom (kasi mababatok ka kay kuya) ahahah

    alam mo ba kami nung bestfriend ko sa training apartment nun ay napagkasunduan naming uminong ng tig isang redhorse after manood ng SCUAA-III at host ang college namin.
    sa madaling sabi uminom nga kami
    at after a month dahil si kuya neil (ang pastor namin, ay nagMA siya sa UPLB – naka house sila sa SEARCA pati yung misis niya ay once a month lang siya napupunta ng school namin for two years) ay may schedule na bumisita sa amin at may Boys Night Out kami kung tawagin, sharing ng buhay buhay sa ministry habang sila ay wala. Si kuya butch naman ay naglinis pala ng room namin at hindi pala namin naitabi yung bote ng red horse at sa Boys Night Out sinabi niya yun (family time) at wala kaming nagawa kundi umamin ahahahahah

    syempre napagalitan, ang point kasi we have our own choice and the Lord is so good enough that he gave us wisdom, kaya gamitin lang sa tama!
    katulad mo kapag may inuman sumasama din ako pero hindi umiinom ehehehe

    be blessed kat! salamat sa suporta! at may side promotion pa dun sa side bar mo ahahah

    • katrinadanieles says:

      kuya pong!🙂 hahah. dito ka pala nakapag-komento. hahah. nacomments-off kasi eh. heheh
      di talaga ako umiinom kasi ang pait tsaka loser ako diyan. hahah. Nung new year,inom-inom din ako,kaya lang inantok,di na na-enjoy ang new year kaya ayoko na. hahah

      mabuti naman at nahuli kayo. hahah!🙂 ang kulit niyo rin po pala nung kolehiyo. hahah

      gandang araw kuya pong!🙂 siyempre,todo promotion,para may balato. hahah😀

      • ahahahah
        salamat naman sa pagpromote kat, eheheh e-mail mo din sa mga friends natin diyan down south para dumami ang votes eheehh

        oo naman makulit ako nung college, madalas din palaging napagsasabihan dahil lalabas ako ng apartment ng walang damit, ehehe e bwala iyon sa campus ministry eheheh

        pagbutihan mo lalo ang school work mo kat, malayo ang mararating mo, wag mo ako kalilimutan kung sakali eheheh

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 busy pa rin pero ok pa rin naman.🙂 heheh. salamat sa iyong pagbisita kuya jkul, tsaka congrats nga pala sa iyong napanalunan.🙂 heheh

      gandang araw!🙂

  6. alam mo kat! (kat daw oh?!) gusto ko magsulat ng post about my experiece noong college ko. kasi sobrang struggle ang naranasan ko noon na tipng yung ilan ay ayaw ko na balikan.

    anyway, sana makayanan mo ang mga gawain mo. dami-dami mo palang ginagawa bilang student. hindi ko katawan yang katawan mo pero be sure lang na aalagaan mo yang mabuti kasi para saan ang paghihirap mo kung bibigay ka rin sa huli.

    naalala ko yung isang moment, pagod na pagod ako, bad trip sa professors or classmates, down na down sa daming school activities, tas ang layo-layo pa ng school ko sa bahay namin ( mga 2 hours ang viaje). sabi ko na lang Lord nagpapasalamat ako sa inyo dhil pag-uwi ko at least may kama akong sasalo sa bigat ng katawan ko.

    • katrinadanieles says:

      hoshi!!!🙂 kamiss ka!🙂 ganun ba? andami ko ring ayaw balikan sa college life ko eh.🙂

      sana nga makayanan ko talaga ang mga ito.🙂 ilang weeks na lang!🙂 kaya ko to!🙂 tutulungan ako ni Lord.🙂

      yun rin ang iniisip ko tuwing pagod na ako, na may uuwian ako,kaya lang, hindi talga sa pamilya kko,kundi sa dorm namin. heheh

      gandang araw saýo hoshi!🙂

    • katrinadanieles says:

      oi ketsanatwinks!🙂 pumunta ako sa pahina mo, pero wala namang nakalagay(?)..🙂
      nwei, salamat sa pagbisita sa pahina ko at aasahan mong ipagdarasal rin kita para sa mga gagawin mo.🙂
      gandang araw!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s