Kamusta ka na?

Ewan ko kung ano ang meron at ang mga guro namin ngayon ay bigla na lang humihinto sa kalagitnaan ng lecture at nagtatanong; “Kamusta na kayo?”

Nung last week,yung thesis adviser namin, bago siya nagsimula ng klase, tinanong niya muna sa’min kung ano ang pinagkakaabalahan namin,kung ano ang rason kung bakit pagod na pagod kaming tignan,at kung kamusta na kami.

Kaninang umaga naman,huminto talaga teacher namin para tanungin lang  “Wazzup with you guys?”. Englishera teacher ko eh.  Dumudugo nga ilong ko kanina. Kinabahan ako kasi akala ko nakita niya akong nagdo-drawing ng kung anu-anong stick figure. Di naman pala.Sinara niya laptop niya sabay sabing isa siyang guidance counselor noon.

Kami namaý tingin-tingin lang sa classmates o seatmate at tinignan kung merong pwedeng kopyahan ng anwer para sa tanong na yun. Wala akong may nakopyahan,kasi,ako lang pala nakakaalam kung kamusta na ako.

Naisip ko,ang saya sana pag may sumagot ng “Kasi maám pumalpak ang pagretoke ng panga ko!” o kaya namaý “namatay alaga kong praying mantis!”o kaya “hindi kasi kumaway crush kong si Bentong sa’kin” pwede ring “coz Dora is more famous than me!”. Pero walang ganun.

Anong problema? Pagod dahil andaming gagawin.Pagod dahil sa deadlines. Pagod dahil hindi na namin kaya ang mga requirements. At tsaka.. pressured kasi ang hirap  pumasok sa unibersidad na ‘to,pero mas mahirap pala  lumabas.huhuh

Dahil dito, naisip kong, di’ba may pagkakataong tinatanong tayo ng iba na “Kamusta ka na?” para magpakita ng politeness?  Naisip kong importante pa rin pala na magtanong ng “Kamusta ka na?” dahil gusto mo talagang malaman kung kamusta na ang tao.🙂 Kaya, sa nagbabasa nito;”Kamusta ka na?”

null

20 thoughts on “Kamusta ka na?

  1. Kumusta ka na kat?
    Ako heto lumalaban pa rin.
    Kumusta ang thesis mo?
    Wag ka masyadong magpupuyat, nakakabawas ng kagandahan yan ikaw din ehehehe
    Siguru lahat napagdaanan yan ang buhay studyante.
    Naalala ko pa nun 2 days before Christmas nasa laboratory pa kaming tatlong magkakaibigan para lang sa pagculture ng bacteria at kung effective ang mga Ts and Rs niya. Minsan din nadanasan namin na tinulungan isa pa naming classmate na 12mn siya kukuha ng dugo ng mga mice para sa test ng anti-diabetic, haaaaaaaaaist kamusta naman yun?
    Ang mahalaga ay nabigiyan din natin ng panahon na kamustahin ang ating sarili, para bang times of refreshing lang before sumugod ulit sa laban.
    Parang ang sarap makarinig na may mangungumusta sa akin.

    be blessed kat!

    • katrinadanieles says:

      ok lang din po ako kuya pong!🙂 heheh. masaya ako dahil mabait yung thesis adviser namin. heheh
      ikaw kuya?? kamusta na yung trabaho diyan?🙂 Palaging isipin na nandyan si Bessy, handang tumulong sa’tin!🙂
      kaya mo yan kuya!🙂

      ahahah.🙂 grabe naman pala yang subject niyo, hindi kaya binigyan ng break para sa Christmas.🙂 biochem ba na subject yan? loser ako diyan kuya..hahah. dumuduggo nga ilong ko habang binabasa ko yung comment mo. hahah.🙂

      gandang araw kuya pong!🙂

  2. hi kat! kamusta ka na? oks lang naman ako🙂

    ganyan siguro talaga pag-graduating student. graduating student ka nga ba? ganyan kasi naranasan ko noon.

    anyway, alam mo ba pag tinatanong ako ng “kamusta ka na?” eh hindi ko alam ang isasagot ko bukod sa “oks lang naman. ganun pa din” kasi hirap akong ipaliwanag na di na ‘ko ganun pero oks pa din ako. pero ang ayoko sa pangangamusta eh yung mga taong hanggang “kamusta ka na?” ang kayang sabihin. pag sinagot ko,wala na silang idudugtong (lalo na sa text) . labo ko. nagets mo ba? haha !

    • katrinadanieles says:

      graduating student ako..sana! ^^ hahah. sana grumadweyt nga ako jec. hahah
      gets na gets ko yan jec!🙂 kasi minsan gusto natin pag tinatanong tayo kung kamusta na tayo,gusto nating sincere aang tanong na yun pero hindi rin pala natin alam kung paano talaga sagutin ang tanong na yan. hahah
      ganyan na ganyan di ako eh. heheh

      gandang araw jec!🙂

  3. ianyce says:

    he he baka naman nagmumuka na kayung ra-ged kaya nagtatanung sila txaka baka bored na bored kayu pagklase na. hmpft ganyan din mga instructor namin dito ha ha ha. nasa kalagitnaan na ng derivation ng formula biglang sasabihing “ADDA KAYU” (anjan pa ba kayu in tagalog) ha ha ha. eto busy din sa paggawa ng thesis he he he pero nagawa ko pa ding magcomment diba? ha ha ha.🙂

    • katrinadanieles says:

      busy ka rin pala sa thesis mo. ^^
      Gd bless din sa thesis mo!🙂 sana pumasa tayong lahat para naman magbunga ang pinaghirapan!🙂 heheh

      gandang araw ianyce!🙂 salamat sa comment at welcome sa pahina ko!🙂

  4. yes i think importante rin na kapain mo rin sa sarili mo kung okay ka pa, in all aspects. madalas nasasabi ko sa iba na kapag naguguluhan at tuliro ka sa iyong buhay. tigil ka muna sandali at isipin mo kung saan ka ba nagsimula at saan mo gustong tumungo. mabuti kasi kahit unti yung nagagawa mo basta lang may direksyon, magandang start na yon. maganda ring kamustahin ang sarili to check kun balance ang life mo. baka nababawasan na ang time mo para sa yong spirtual side di ba?

    ako kung kumusta ako? secret! hahahaha
    marami akong pinagkakaabalahan kasi gusto ko abalahhin ang sarili ko. kasi pag di ako abala mas napi-feel kong sayang ang oras, pagkakataon at enerhiya ko. Now is the time di ba? kung ito ang oras ng pag-aaral, aral. ang time kasi ang bagay na hindi mo maibabalik kahit gaano pa kalaki ang iyong pagsisisi.

    • katrinadanieles says:

      ahahah!🙂 secret talaga hoshi?🙂 na-intriga ako ah.🙂 ano kaya pinagkakaabalahan mo ngayon..hmmm.. para talagang naiintriga ako. heheh

      sumasang-ayon ako saýo hoshi, na importante yung tinatanong mo ang sarili mo kung kamusta na ang sarili mo, at kung anu-ano na ba ang mga nangyayari sa sarili natin.🙂 importante talaga yang introspection na yan eh.🙂

      sumasang-ayon din ako na ang mga bagay-bagay,may kanya-kanyang oras.🙂
      gandang araw hoshi!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s