Damsel na Stressed

Babala:  ang emo ng post na ‘to..char!
null

Minsan, aabot ka sa puntong magagalit ka sa sarili mo dahil naiisip mong ang tanga-tanga mo pala. Ang nasa isip mo na lang, paano ba gumanti sa mga taong nakasakit saýo? Pero hindi mo kaya kasi mahal mo pala ang mga taong yun… ganun naman talaga di’ba? Nasasaktan lang taýo kapag ang nakasakit sa’tin,yun pang mahal natin.

Sa kay crush, ewan ko ba. Galit ako saýo. Galit ako kasi ginawa mo akong isang witch sa kwento ng isang prinsesa, isang kontrabida sa teleserye ng isang mabait na bida. Hindi mo ba alam na gusto ng mga babae na maging prinsesa sa sarili nilang istorya?  Ewan ko saýo. Di mo ako binigyan ng pagkakataong mahintay muna ang fairy godmother ko para makita mo akong gumanda, natapos na ang alas dose ng hinanap mo ako.Higit sa lahat, iniwan mo ako sa kalagitnaan ng isang magulong istorya.

Sa kay seatmate,galit ako saýo kasi pinaniwala mo ako sa promises,sa happy ending, at sa forever. Nangako kang hangga’t di ako handa, wala munang may makaalam dahil hindi naman tayo sigurado sa plot ng kwento… pero, inanunsyo mo na pala sa buong kaharian, sa harap ng mga taong hindi dapat makaalaam. Sinira mo tiwala ko saýo. Kaya mo rin pala i-anunsyong isa akong monster na ginagawa ang lahat para saktan ka, habang ako namaý tangang sinasabi na ikaw lang ang frog prince na kailangan ko. Napatawad na kita pero hindi ko maiwasang masaktan kung maaalala ko kung gaano ako naging tanga.

Dahil sa inyo, naisip kong mali ako. Maling-mali ako.  Mali ako para ibahin ang kwentong nakalaan para sa’kin. Hindi ako marunong gumawa ng kwento ko dahil merong mas nakakaalam kung ano pala ang dapat na susunod na kabanata. Mali ako na gawan ng sariling timeline ang isang kwentong nakalaan para sa ibang panahon. Hindi ako isang magaling na  akda para sa sarili kong kwento.Ang aking Tagapaglikha lang ang nakakaalam ng makakabuti para  sa’kin at nakakalam kung ano ang ending ng istorya ko.

Dahil dito, naisip kong, may halaga ako,bilang tao,bilang babae, bilang anak ng Hari ng mga hari…kaya, pwede ba, hingin niyo muna kamay ko sa Kanya? Kasi kung dun kayo sa shortcut at pipiliin niyong mauna sa’kin bago sa Kanya, masasaktan niyo lang din ako. Ok lang din maging number two ako, basta ba, Siya ang numero uno sa puso mo.

Humihingi ako ng tawad kung masasaktan kayo ng post na ‘to… pero gusto ko kasing ipaalam na kung hindi niyo ako kayang hintayin, iisipin kong di niyo rin ako kayang mahalin.

null

11 thoughts on “Damsel na Stressed

    • katrinadanieles says:

      agree talaga ako diyan nurseblublu!🙂
      heheh. gusto ko yang makikita ko siya in God’s perfect time.🙂
      gandang araw!🙂

  1. gusto ko ‘to at nagets ko ng bongga. haha :))
    di naman maiiwasang mainis o magalit tayo pero sa huli, tulad ng realizations mo, matatauhan din tayo’t maiisip na may mas maganda Syang plano para sa atin ^^

    tulad ng sinasabi ko sa sarili ko …
    “darating din yun, sa tamang oras, panahon at simula ng isang magandang istorya”

    at di naman emo ang post na ‘to ^^ kung emo ‘to, ano pa yung mga post ko? haha!

    • katrinadanieles says:

      heheh.🙂 ganun ba? akala ko kasi parang emo na to. hahah.🙂

      tama yung sinasabi mos a sarili mo jec, na dadarating din yun sa tamang oras at panahon..🙂
      tatandaan ko yann para sa sarili ko.^^

      gandang araw jec!🙂

  2. gustong gusto ko ang last two paragraphs kat, you are indeed a princess and co-heir with Him!
    when we forgive we give it all to the Lord
    kaya be happy na kat ha,

    be blessed!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s