Takot Ako

Takot ako..

Noong Elementarya..

Sa Monster sa ilalim ng aking kama

Kaya meron akong kumot para magtago.

Sa terror teacher na may stick

Kaya bumibili ako ng tocino.

Sa nanay kong masungit

Kaya naghuhugas na ako ng pinggan.

Noong Hayskul..

Sabihing akoý naiiba

Kaya naging ordinaryo ako.

Aminin na akoý talunan

Kaya tinatakpan ko pagkakamali ko.

Mawalan ng kaibigan

Kaya nagpakatotoo na lang ako.

Ngayon..

Takot ako sa monster sa harap ng salamin

Sa teacher na nagbibigay ng singko

Na mabigo ko nanay ko

Na maging ordinaryo

Na maging talunan

Na mawalan ng kaibigan.

at higit sa lahat,

Na mawala ka..

Dahil sa mga takot ko.

 

 

14 thoughts on “Takot Ako

  1. lahat tayo may kinakatakutan. sabi nga nila, di mawawala ang takot kung parati ka na lang takot na harapin ito. wag kang magpapatalo kat. kaya mo yan ^^

    at takot nga pala ako sa gagambang malaki sa banyo.

    • katrinadanieles says:

      ay jec, agree ako saýo!🙂 salamat sa payo.🙂

      pareho pala tayo jec, takot ako sa gagamba.lalo na sa banyo, pero mas takot ako sa centipede! hahah

  2. kat nagpapaworkshop ka ba sa pagsulat, turuan mo naman ako, pleeeeeeeeeeeease
    may mga hand outs ka ba?
    send mo sa akin, hihihihi

    natuwa ako sa teacher na nagbebenta ng tocino at nagbibigay ng singko, very old school, kami ice candy lang nun binebenta ni mam, at ang mga namimigay ng singko, kwatro at inc ay pinoprotesta ahahah

    be blessed kat, lahat tayo may takot, normal iyon pero sabi nga fear not comes from the Lord.
    kaya, Kaya mo yan!

    • katrinadanieles says:

      kuya, nakaka-flatter naman.😀 mas magaling ka kayang sumulat.🙂

      old school nga. hahah.🙂 kung may nagbibigay ng singko, wala kaming magagawa.huhuh

      kakayanin kuya!🙂 thru His grace!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s