Krimen ba ang maging masaya?

Krimen ba ang maging masaya?

Noong, Huwebes, pumunta yung Aqua Science class namin sa Oyungan Elementary School(oo, may ganyang eskwelahan) para magturo sa mga bata ng tungkol sa pangangalaga ng aquatic ecosystem. Pero bago ko ikwento kung ano nangyari, kwento ko muna kung ano nangyari bago dun.

Noong Miyerkules,  nag-meeting muna kami ng groupmates ko para nga sa kung ano gagawin namin sa Oyungan, yung meeting eh, pagkatapos ng klase namin sa city(na isa at kalahating oras ang layo,pero kung  sasakay ka ng flying coffin, eh mga 45 minutes lang) kaya naman mukha akong babaeng gumagamit ng brand X na  shampoo sa commercial.

Nang nagsimula na ang meeting,bigla na lang may meeting ang isa, may exam ang isa, at yung isa ay may hahabuling ninja, hanggang sa narealize ko na dalawa na lang kami ng roommate ko ang natira. Kaya ang nangyari, sumama loob ko( dala rin siguro ng constipation) kasi ako na nga gumawa ng istorya, kami pa ng roommate ko ang gagawa ng lesson tsaka kami pa gagawa ng props. Hindi naman actually kailangan ng props o costume pero dahil maarte kami ng roommate ko,gumawa pa rin kami. Heheh.

Nung kinabukasan, masama pa rin loob ko sa groupmates ko,pero yun pala, meron rin silang initiative na gumawa ng mga costume nila,tsaka may props din, kaya naman medyo nahiya ako sa sarili ko dahil bukod sa nag-isip ako ng masama sa kanila, mas cute yung costume na nagawa nila. Hahah. Hay naku, sa maling akala, marami ang napapasama.

Noong nagsimula na ang klase, excited tignan ang mga bata, atsaka nag-volunteer pa sila para mag-lead ng  action songs. Para sa’kin, dahil rin yun sa groupmate ko na magaling mag-facilitate nung klase.  Nung nag-lesson na ako, kahit pumalpak ang tagalog ko at kung anu-ano na lang ang examples ko, parang may natutunan naman ang mga bata(sana nga. hahah).  Tawa pa ng tawa ang mga bata dahil sa iba kong  groupmates na kwelang mag-act para sa istoryang nagawa ko. Pagkatapos pinasulat sila namin ng kung ano ang magagawa nila para sa karagatan.

Wala lang, nung nabasa ko mga sagot nila, ang saya ko lang kasi sa simpleng ginawa namin( tsaka para lang sana yun pang-kompleto sa requirement namin sa aqua sci) may mga batang napangiti, napatawa, at natuto. Ibabalik ko yung tanong ko “Krimen ba ang maging masaya?’’ Kasi kung oo, ipakulong niyo na ako.  hahah

Salamat(at sorry) sa groupmates ko dahil ang gagaling niyo. Salamat sa roommate ko sa pagtulong bago ang presentation. Salamat kay Ma’am Jimenez sa oportunidad na turuan ang mga bata na pangalagaan ang karagatan. Salamat sa mga bata para sa mga ngiti..at Higit sa lahat, salamat Lord sa paggabay.

Sa araw na ‘to, yan ang kwento ni Kat.🙂

nagtuturo daw ako. heheh. kinuha ni france jimenez.🙂

14 thoughts on “Krimen ba ang maging masaya?

  1. yun eh,
    alam naalala ko dito yung class ko naman sa NatSci
    ganyan na ganyan din ang mga eksena, pagod din pero sulit
    lalo na nung pinameryenda namin ang mga bata, pinagawan namin sila ng (prepared materials by my group) mga gamit our of recycle(able) things. 3Rs nga pala ang topic namin sa mga mumunting paslit
    ahahaha
    ginawan namin sila ng mag certificates na made din sa recycle things stars ang mag certificates at talagang nakasulat ang mga individual names nila. aahahaha

    koment post na naman ito.
    yun nga mas maganda par rin kung may coordination sa group para mas maganda ang resulta ng mga group works.

    ito muna ang koment ni kuya pong sa umagang ito!
    heheehehe

    be blessed kat!

    • katrinadanieles says:

      heheh.🙂 kuya pong, ganyan na ganyan talaga naramdaman ko, pagod muna,pero fulfilling naman.🙂
      oo nga eh, mabuti talaga yung nagtutulungan ang groupmates.. haha. epal lang talaga ako kaya nagdrama pa ako na parang kami lang ng roommate ko ang gumagawa. hahah
      kamusta na kaya yung mga batang tinuruan niyo kuya?🙂
      God bless po saýo!:)

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 mahiyain na makapal ang mukha..🙂 panu kaya yan?😉 heheh.
      subukan mo rin, masaya ang magturo sa mga bata, pwamiz! 🙂

      gandnag araw sayo jec!🙂

    • katrinadanieles says:

      try mo nurse.🙂 kasi masaya talaga maagturo sa kanila pagkatapos kweento mo samin ang experience mo sa pagtuturo sa kanila.😉
      gandang araw saýo nurse!🙂

  2. ianyce says:

    .,uwow naman🙂 dapat lang na mainis ka kung masmaganda yung costume nila kesa sau wahehehehe. pero at least nakapgbigay kayu ng saya at kaalaman sa mga munting paslit. 🙂

    • katrinadanieles says:

      hahaha.🙂 maas magandan ng costume nila. hahah.🙂 inggitera ako eh. hahah

      taama ka, at least nakpagbigay kami mg saya at kaalaaman. heheh

      gandang araw sayo!🙂

  3. cdy says:

    Napakaganda ng experience mo.. marami na rin ang pagkakataong nagturo ako sa mga bata, sunday school nga lang at vacation church school. pero tama ka,masaya nga ang pakiramdam na sa murang edad nila ay may naibahagi ka at may natutunan sila sa yo. Kaya sa tanong mo kung krimen ba ang maging masaya? sagot ko, HINDI..lalo na kung masaya ka dahil nakapagpasaya ka ng iba–fulfillment tawag dyan.🙂

    • katrinadanieles says:

      salamat teacher cdy! pareho pala tayo!🙂 kasi sunday school teacher din ako pero dati pa yun. hahah

      turo ka lang ng turo kasi i know magaling na teacher ka,.. paano ko nalaman? kasi ine-enjoy mo riin yung pagtuturo.🙂

      gandang araw sayo!🙂

    • katrinadanieles says:

      katy!🙂 thank you!🙂 tama ka, di nga ako emo,minsan lang.hahah.🙂
      kaw din, be happy palagi ha?🙂
      gandang araw katy!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s