Mga Signos

Sa Barrio Tuyo

Meron akong kwento

Tungkol Sa Barrio Tuyo

Taong dalawang libo’t dalawampu

Kung saan ang tubig ay nauubos na

At ang tao’y uhaw sa tuwina

 

Sa Kusina

Si bunsong nauuhaw

Kinuha ang  softdrinks na di malinaw

Ininom, tsaka nagtanong sa kuya

Kuya,ang tubig noon, ano po ang itsura?

 

Walang lasa

Pero pinakamasarap sa iba

Mas gusto mo pag malinaw

At walang iba pang kulay na lumilitaw

Hindi tulad ngayon, tubig na pampaligo

Sa ibang lugar  pa kinukuha, di pa klaro

 

Kuya, yung tubig na iniinom,magkano ba?

Isang libo  ang isang 500 ml, sagot ng isa

Ang mahal nga ng presyo

Minsan lang natin mabili, kapatid ko

 

Sa  Sala

Habang nanonood ng T.V.

Ang kanilang ateng mahilg sa teleserye

Ano ba ang istorya

Ng pinanood na telenovela?

Tungkol sa nag-iibigan pero magkaaway ang angkan

Bakit ba merong awayan?

Nagmula sa tubig na pinag-aagawan

 

Sa Kwarto

Sweetham, ang hirap mag-budget ng pera

Oo nga honeycured, ang bilihin masyadong mahal na

Kailngan ko pa palang bumili ng bitamina

Para di madaling mauhaw sa tuwina

 

Sa isa pang kwarto

O ano ba yan?

Palala ng palala ang sakit mo Sebastian

Matanda na tayo eh, lola na atsaka lolo

O siya,siya.. inumin mo ‘tong gamot mo

Nguyain mo ng mabuti

Hay,sayang walang tubig, ang pait eh

 

Sa  labas ng hardin

halamang plastik ang laman

Pagpapatubo ng totoo’y pinaghihirapan

Meron namang totoo

Kung saan nandun si Bantay na aso

Para walang may masira at para madiligan

Ng dilaw na  tubig mula sa payat na katawan

 

Sa bakuran

Kung saan si Inday ay naglalaba

Bakit hindi na lang bumili ng bagong damit, saad niya

Ang iba nga diyan bumibili ng bagong  damit

T inatapon pagkatapos ginamit

Kesa nahihirapan na naman siya araw-araw

Gumagamit pa ng Fabric softener walang banlaw

 

Gabi-gabi  ang pamilya

Sa panalangin ay sinasama

Ang paghingi ng malinis na ulan mula sa langit

At hindi rin nakalimutang isingit

Ang paghingi ng tawad sa kasalanan

Sa tubig na noo’y naaksaya’t pinabayaan

 

Ito ang kwento

Ng Barrio Tuyo

Taong dalawang libo’t dalawampu

Kung saan ang tubig ay ubos na

At ang tao’y uhaw sa tuwina.

 

__________________________________________________________________

Isa Lang Naman

 

Si Lito

Napadaan

Dyan sa kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

May dalang kendi

Mula sa Nena’s tiangge

Nang nahulog ang supot

Di na pinulot

Kasi ang nasa isipan

Isa lang naman

 

Si Aleng Nena

Kumakain

Ng Ruben’s chicharon

Di na pinansin

Ang kanyang

supot na tinapon

Dyan lang sa may kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

Sarili’y sinabihan

Isa lang naman

 

Si Mang Ruben

Nag-oobserba

Si Joaquin lang nakakita

Ng tinapong basura

Isang trashbag na puno

Ng plastik,papel,at anu-ano

Kinalat sa kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

Pinilit sa isipan

Isa lang naman

 

Si Mang Joaquin

May iniwan

Nung gabing madilim

Isang sako ng kahihiyan

Basura’y pinakawalan

Kinalat,pinabayaan

Dyan sa may kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

Konsensya’y di pinakinggan

Kasi “Isa lang naman”

 

Si Kapitan

Sinagot

Ang tanong kung saan

Itatapon ang basurahan

Ng tinatamad na tao

Na malapit sa kanto

Sabi nya “Dyan sa kanto”

Na may “Bawal Umihi Dito”

At ang kanyang dahilan

Isa lang naman

 

Si Alkalde

Nagbulag-bulagan

Sa suliraning nasa harapan

Kanyang pinabayaan

Truck ng kahihiyan

Binalewala ang kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

Hindi na pinag-isipan

Kasi “Isa lang Naman”

 

Dyan sa kanto

Na may “Bawal Umihi Dito”

Bumaho,bumaha, sakit’y kumalat

Tubig na malinis naging salat

Kaya si Lito na may sakit

Napailing sa sinapit

Naitanong sa sarili

Ba’t ganito ang nangyari?

Baka dahil sa katwiran

na “Isa lang naman”.

 

_________________________________________________________________________________

Ang Libro ng Pagkasira

 

 

Sa unang araw

Sinabi ng taong “Bahala na”

Kaya sila’y walang ginawa

Sa gitna ng kaguluha’y nakatanga

Wala  ng  pakialam

Sa Inang kalikasan

 

Sa pangalawang araw

Sabi ng tao “Bahala kayo”

Inaapakan karapatan ng  kapwa-tao

Mga babae’y di na nirespeto

Ibang buhay ay ginulo

Sinaksak,ninakawan at niloko

 

Sa pangatlong araw

Sabi ng tao “Mga hayop lang kayo”

Kaya di naawa sa pusa at aso

Pagkain na nga,ginawa pang baro

Laman at loob ay siyang niluluto

Kasamaan sa kanila di na natanto

 

Sa pang-apat na araw

Sabi ng tao, “Araw o gabi, wala ‘kong pakialam”

Kaya araw at gabi’y pinapipyestahan

Mga biyaya nitong kalikasan

Sa pag-abuso walang pakundangan

Araw’t gabi, motibo’y kasamaan

 

Sa panglimang araw

Sabi ng tao “Tubig at Lupa ay akin lamang”

Kaya puno’t halaman kanyang nilapastangan

Sinunog at kinalbo pati kabundukan

Karagatan nama’y kanyang tinapunan

Na para bang isang  basurahan

 

Sa pang-anim na araw

Sabi ng tao “Malawak naman ang kalangitan”

Kaya ang hangin di pinagbigyan

Buga dito,buga dun, at buga lang diyan

Usok ay kinalat kung saan-saan

Di nakonsesya sa kanyang kasalanan

 

Sa pang-pitong araw

Ang sabi ng Diyos “Di niyo nasunod ang aking utos”

Tingnan niyo ang inyong ginawa

Sa aking mga nilikha

Kaya mundong sa tao’y pinaalagaan

Biglang nabalot ng kadiliman

 

Lahat ng ito’y iyong makikita

Iyong mababasa at mapupuna

Sa aklat na naglalahad

Ng katotohanang hubad

Aklat na tao rin ang gumawa

Ang tawag, Libro ng Pagkasira.

____________________________________________________________________

Ito po yung entry ko sa Saranggola Blog Award sa kategoryang tula.🙂 Medyo kumakapa pa ako sa pagsulat ng tula pero subok lang naman. heheh

 

 

null


18 thoughts on “Mga Signos

  1. haaaaaaaaaaaaaist nalalapit na ang deadline di pa tapos ang entry ko
    kat ang galing mo naman
    sana magpaworkshop ka pag nagkita tayo diyan ha,

    be blessed!

    • katrinadanieles says:

      kaya mo yan kuya!🙂 aabangan ko ang mga entries mo.🙂 ngex, ang galing mo na kaya kuya, ako nga dapat magpaturo saýo.🙂 kung nandito ko sa pilipins, text2 ha!🙂

      God bless din po!🙂

  2. ops nakalitutan ko pala ma-post yung comment ko. na-overjoyed kasi ako sa pagbati mo. hehehe

    alam mo gusto ko ang ganitong klaseng tula. bakit? kasi hindi mo direktang sinasabihan ang mga tao kundi binibigyan mo sila ng halimbawa at pinag-iisip.

    eh ang maganda pati e, mapapa-imagine ka talaga. basta ako ayoko tumira Tuyo republic.

    mabuhay!

    • katrinadanieles says:

      kayedee.🙂 maraming salamat sa pagbabasa ng tula ko. heheh.🙂
      nwei, palagi akong pumunta sa pahina mo,di lang ako nagcocomment.🙂
      gandang araw!🙂

    • katrinadanieles says:

      oi, welcome sa pahina ko taga-bundok.🙂 alam mo ba, parang nasa bundok na rin ako nag-aaral. hahah.🙂 salamat sa pagdaan mo dito saa pahina ko.🙂
      ang korni. hahah.😀 gandang araw srin saýo!🙂

  3. whooooaaaahhhh!

    subok lang ba ‘to,kat?eh ang ganda kaya.light read pero nakakapag pangiti.may plot at madaling malasahan yung gusto mong ipahiwatig.ok kaya ‘to.ang ganda.

    pssst….sulat ka pa ng tula ha?

    • katrinadanieles says:

      naku duking.🙂 subok lang talaga ‘to kasi di ako masyadong sanay gumawa ng tula.🙂 salamat talaga.🙂 malaking bagay para sa akin na-appreciate mo ‘to.^^
      sana manalo tayo.🙂
      Gandang araw sayo!🙂

  4. ayos na ayos ang mga tula mo kat. ako rin mahilig rin ako tumula kaya sa aking blogsite mas marami ang tula kesa kwento halos araw araw ay nagsusulat ako. bago pa lang ako dito sa blog.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s