Dalawang Taon

Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ng isang normal na pamilya. Palagi akong naghahangad ng isang nanay na makakausap ko tungkol sa lablayp ko at tatay na pagagalitan ako kung gabi na akong umuwi… pero hindi ganoon ang sitwasyon ko…

Merong isang teorya sa Psychology na nakalimutan ko na ang pangalan pero si A at B ay subjects at si C ang object. Kapag gusto raw ni A at ni B ang C, ibig sabihin magugustuhan ni A at B ang isa’t isa kasi meron isang common na bagay sa kanilang dalawa. Kung ayaw nila ang C, ibig sabihin, magugustuhan pa rin nila ang isa’t isa, kasi meron silang common enemy. Kung ayaw ni A ang C at gusto naman ni B ang C, di sila magkakasundo. Ganun rin ang mangyayari kung gusto ni A ang C, at ayaw naman ni B. Magulo ba ang pagkaka-explain ko?πŸ™‚ kung oo, may assignment ka, ilagay sa wanport paper ang tagalog ng toothpaste,rolercoaster tsaka wordpress.πŸ™‚

Dalawang taon na ng maghiwalay ang mga magulang ko, pero sa totoo lang, mas ginusto ko ang dalawang taong magkahiwalay sila kesa 18 taong magkasama sila. Bakit?Dahil mas maraming pagkakataon ko silang nakitang nasasaktan at umiiyak sa piling ng isa’t isa.Β  Dahil gusto kong sumaya sila. Gusto kong respetuhin ang mga desisyon nila. Gusto kong hindi nila pinipilit ang sarili nila sa isang desisyong pagsisisihan nila sa huli..at higit sa lahat,gusto ko kung anuman ang gustuhin nila.πŸ™‚ Tsaka sabi kasi ng isa kong Magulang, “Honor your mother and your father”..kaya nirerespeto ko ang mga magulang ko.

Alam niyo ang natutunan ko sa teoryang nasabi ko?Β  Natutunan kong hindi lahat ng teorya ay totoo. Hindi lahat ng teorya,pwedeng maiangkop sa sitwasyon ng tao. Pwede kasing kahit di magkasundo si A at tsaka si B, gusto pa rin nilang dalawa si C.πŸ™‚

Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ng isang normal na pamilya. Palagi akong naghahangad ng isang nanay na makakausap ko tungkol sa lablayp ko at tatay na pagagalitan ako kung gabi na akong umuwi… pero hindi ganoon ang sitwasyon ko… kasi nanay at tatay ko, nakakausap ko sa lablayp ko, atsaka ako yung nagaglit sa tatay ko kung hindi siya makauwi ng maaga sa tinitirhan niya ngayon.πŸ™‚

Sa araw na’to.. yan ang kwento ni Kat.πŸ™‚

22 thoughts on “Dalawang Taon

  1. hi Kat, nagets ko naman ang teorya pero sang-ayon ako sa realization moπŸ™‚
    maaaring hindi magkasundo sina A at B pero gusto pa din nila si C.
    iLikeLike ^^

    gandang araw!

    at, gusto ko din ng normal na buhay pamilya. gustong-gusto.

    • katrinadanieles says:

      heheh.πŸ™‚ mabuti naman at na-explain ko yung theory. heheh. di mo na kailangang gumawa ng assignment.πŸ™‚
      sang-ayon ako diyan. heheh.πŸ™‚
      parang fb lang eh noh?πŸ™‚ like!πŸ™‚
      ikamusta mo ako kay martian. heheh. ^^
      gandang araw!πŸ™‚

  2. ang kulet naman nung ikaw pa ang nagagalit sa tatay mo. hehe.
    naiintindihan kita kat. nung mga panahong madalas mag-away ang mga magulang ko, naisip ko rin na mas mabuti pa kung maghiwalay nalang sila ( fortunately, bati naman na sila ngayon). i don’t think it’s being selfish. As you’ve said, you just want both of them to be happy. it’s so mature of you to think that way.
    stay happy kat!πŸ˜€

    • katrinadanieles says:

      nurseblublu!πŸ™‚ heheh. salamat sa pagbisita dito.πŸ™‚ buti na lang at nagbati rin yung mga magulang mo.πŸ™‚ hindi ko namn sinsabing gusto kong maghiwalay sila…pero mas mabuti na nga iyon kesa palagi silang nag-aaway.πŸ™‚ mas mabuti pa rin yung nareresolba ang problema.
      gandang araw nurse!πŸ™‚

  3. yan ang right attitude sa ganitong issue ,kat. anu nga ba ang halaga ng mga sandaling magkasama nga ang dalawang tao pero nasasaktan naman nila ng hindi sinasadya ang bawat isa?

    ganito na ang tinatakbo ng karamihan sa ngayon,sa mata ng iba,nakakalungkot at nakakapanghinayang…pero kung para sa kabutihan naman ng dalawang panig na involve,anu pa nga bang halaga ng iisipin ng ibang hindi naman nakakaramdam man lang ni konting sakit ng pagtitiis?

    basta,mahalin mo sila sa abot ng makakaya mo at patawarin ang anumang pagkukulang nila kung mayroon man.sa ganung paraan mo lang mabibigyang kalayaan ang puso mo.

    • katrinadanieles says:

      maraming salamt duking sa iyong payo.πŸ™‚ gusto ko yung sinabi mo duking, na nagpapalaya sa ating puso ang pagpapatawad.πŸ™‚
      malawak ang iyong pag-unawa ginoong duking.πŸ™‚ salamat at lubos mong naiintindihan ang panig ng bawat isa.πŸ™‚

      gandang araw sa’yo!πŸ™‚

  4. alam mo kat sa tanang buhay ko di ko nakitang nag-away sina nanay at tatay ko.
    masaya kaming pamilya, nagsisimba ng sabay-sabay tuwing linggo, nakakalaro ng chess si tatay at si nanay naman nakakusap ko anything under the sun…
    buo at masayang pamilya
    yun ang akala namin, hanggang sa namatay si tatay na may iba pa siyang pamilya at mga anak. dun ko nakita kung paano nasaktan si nanay at nagkanervous breakdown siya for 3 months, di niya kami kilala “baliw” na nga ang term na pwedeng gamitin sa kanya noon eh.
    madami akong tanong nun, bakit? kailan? paano?
    nawala lahat yun nung isinuko ko ang buhay ko sa Diyos at isinunod ang buong pamilya kong idinalangin lalo na si nanay hanggang makilala nila si BRO. Si nanay nakarecover at natanggap na ang lahat.
    Walang perpektong pamilya may away at di pagkakaunawaan parati. Kasama siguro iyon. Ang attitude na meron ka ang magdadala sa iyo sa pagkakaunawa sa kung anong sitwasyon meron ka ngayon maging sa respeto na kailangan ng iyong mga magulang. Ikaw ang nagdudugtong sa kanila. hawakan mo ang pagmamahal na meron sila sa iyo at ikaw sa kanila. hawakan mo din ang pagmamahal ng Diyos na siyang nagbubuklod sa lahat. Ang pangarap mong buong pamilya di naman malayong mangyari iyon. Hawak ka lang kat.

    sorry epal lang si kuya pong
    be blessed kat!

    • katrinadanieles says:

      naks!πŸ™‚ kuya pong,nakakamiss ka!πŸ™‚ iba talaga kung nandyan si Bro noh? Hindi nga nawawala ang problema pero alam mo namang meron kang katulong sa pagharap ng problema.πŸ™‚
      marami talagang mga katanungan sa buhay kuya pong, pero masaya akong nasagutan ang mga katanungan mo ng nakilala mo ang Poong Maykapal.. πŸ™‚
      kuya pong, isa rin sigurong pagpapaala sa’tin to na ang pamilya talaga natin ay ang pamilya na ang Ama ay ang Maykapal.πŸ™‚
      God bless kuya pong!πŸ™‚
      P.S. kung ganyan naman ang epal, eh, sana palaging may epal dito sa blog ko.πŸ˜‰

      • hahahahaha epal mode talaga
        oo nga nakakamiss magblog hop naging busy din si kuya pong kat, at nagkasakit kahit today di pa maganda pakiramdam ko pero pumasok na ako…

        tama on my pernal pov, we all belong to the same family.

        musta na si blue? hihihihi

      • katrinadanieles says:

        oo nga kuya, iisang pamilya lang ang kinabibilangan natin at palagi pa Siyang handang mag-welcome sakaling maligaw tayo.πŸ™‚

        oi kuya, wag mong pababayaan sarili mo diyan.. ipagdarasal ko po health nyo.πŸ™‚

        hihihi.. ok naman si blue kaya lang parang mainit talaga sa lugar namin kaya nanghihina.πŸ™‚

  5. noong una nahirapan ako intindihin akala ko combo yan ng psychology and algebra e. hahaha

    well i think naha-handle mo gracefully ang kanilang separation. basta ganun na nga lang, respect and love them. mabuti na yong maging mabuting magulang sila sa iyo. kasi hindi naman natin hawak ang feelings nila.

    mabuhay ka KAt

    • katrinadanieles says:

      salamat hoshi.πŸ™‚ kahit naman hindi sila naging mabuting asawa sa isa’t isa, mabuting mga magulang namn sila kaya ok na ok na sa amin yun.πŸ™‚ tama ka, hindi nga nating kontrolado feelings ng iba kaya minabuti ko ng intindihin sila at respetuhin.πŸ™‚
      magandang araw hoshi!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s