Alas Singko ng Hapon

Ayokong gumigising

Tuwing alas singko ng hapon

Kasi hindi ko alam

Kung papasikat pa lang ang araw

O kayaý papalubog na

At para bang pagtingin ko sa bintana

Hindi ko alam kung humahanda ang mga tao

Sa panibagong araw

O kaya namaý handa ng magpahinga

sa dilim ng gabi

Ang naririnig ko bang mga ingay

Ay nagmula sa mga taong papunta sa palengke

O mga taong nagmula sa trabaho nila?

 

Ayokong gumigising

Tuwing alas singko ng hapon

Kasi walang araw na sisikatan ang mukha ko

Walang amoy ng bagong lutong pandesal

O katitimplang kape

Walang nanay na sisigawan ka

Wala ka palang klaseng papasukan

Ramdam mong ikaw ay nag-iisa

At para bang..

Patuloy na iikot ang mundo

Sisikat at lulubog ang araw

Kikilos at mamumuhay ang mga tao

Gumising ka man o hindi

Sa alas singko ng hapon.

 

 

null

25 thoughts on “Alas Singko ng Hapon

  1. ako afternoon person ako kaya kapag bakasyon may afternoon sleeping hours ako
    siguro nasanay na ako simula batang paslit pa lang
    pwede ka namang gumising ng 4pm o 6 pm lagpasan mo na lang ang 5pm hehehehe

    ito kasi ang naghahati ng hapon paggabi
    bukangliwayway at umaga
    great thought kat!
    be blessed!

    • katrinadanieles says:

      kuya pong!🙂 kagagaling ko lang sa tahanan mo ha..🙂 heheh.🙂 oo nga noh, 6 na lang ako gigising para sure ako na gabi. heheh.🙂
      God bless you kuya pong!🙂

      • uu nga nagkasalisi tayo hihihihi
        namimiss ko ang mga kwento ni kat kaya nagpasyal ako tapos andito ka din pala hihihihi
        basta anumang oras iyan ang mahala minaximized natin, sa trabaho man o pagpapahinga

        seize the day ika nga!
        Be blessed kat!

      • katrinadanieles says:

        ahahah.🙂 nagkasalisi nga tayo.🙂 namimiss ko na rin yung mga kwento nyo Kuya Pong pero bumisita ako dun lagi,di nga lang nakapag-doorbell.🙂 heheh
        carpe diem!🙂 kuya, kaw din… magpahinga ka ng mabuti..mukhang mahirap ang trabaho diyan eh…:)God bless rin kuya pong!🙂
        kagagaling ko lang sa church ngayon, tungkol kay Job.. ang amazing dyan eh, kahit ilang beses ng naikwento yang si Job,palaging may bago pa rin akong natututunan🙂 (at nagkwento talaga eh. heheh)

      • That’s the Spirit of God, ganun talaga minsan madalas nating maencounter ang stories or words ni God sa Bible but every reading has different and fresh rhema/revelations sa buhay natin. Glad to know na galing ka ng worship service, yan ang namimiss ko kat ang open worship. Be blessed kat!

    • katrinadanieles says:

      jeeeeeeeeec!🙂 kakamiss ka na talga!🙂 heheh. try kon dagdagan pa ‘to jec. heheh. kaw din.🙂

      ok lan naman ako jec, naka-enrol na. heheh
      kamusta ka jec?🙂
      gandang araw sa’yo!🙂

    • katrinadanieles says:

      gusto ko naman ang alas singko eh.🙂 ayoko lang magising sa alas singko ng hapon.🙂
      gandang araw athena.🙂 salamat sa pagpunta dito.🙂

    • katrinadanieles says:

      ahahah.🙂 katakot pa lang gisingin ka tuwing hapon hoshi.🙂 heheh. ako naman,nasasarapan lan talaga matulog. hehehe
      gandang araw hoshi!🙂

  2. sunnystarfish says:

    sakin ayos lang ang alas singko ng hapon, ibig sabihin happy hour na haha, tomador talaga oh hehe….tagal mo nawala ah

    gandang araw kat😀

    • katrinadanieles says:

      giiiiince!🙂 heheh. sira kasi laptop ko kaya medyo matagal-tagal rin bago ako nakapag-post ulit. heheh.
      gandang araw rin sayo gince!🙂

  3. Mas maganda ang retrato ng dapithapon at maisisingit ang mga salita ni Federico García Lorca:

    A las cinco de la tarde.
    Eran las cinco en punto de la tarde.
    Un niño trajo la blanca sábana
    a las cinco de la tarde.

    Alas-singko ng hapon.
    Ganap na alas-singko ng hapon.
    Isang bata ang maghahatid ng puting kumot
    sa alas-singko ng hapon.

  4. naku kat,ganyan din ang dillema ko kapag night shift ako sa work.may mga instances pa nga na sa sobrang kulang ko sa tulog,akala ko umaga na at napa skip ako sa work.

    its always good to write poems just about everything.saka yung picture,ang ganda.

    • katrinadanieles says:

      duking!🙂 pareho tayo!😉 meron ring pagkakataon na nagigising ako tuwing alas singko, pagkatapos akala ko,umaga na kaya natataranta ako kasi papasok na sa skwela. hahaha
      salamat duking.🙂
      gandang araw sa’yo!

  5. maelfatalis is in the sky with diamonds says:

    Ang sober naman kasi ng sepia light ng alas singko ng hapon. Lazy and cranky. Na parang paubos na ang maaari mong gawin at ang tagal naman ng dilim. Yung ganun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s