Ibebenta Ko Kidney Ko Bukas

Siyempre alam mo na echos lang ang pamagat na yan diba pero baka i-consider ko na rin kasi in good condition naman kidney ko. Hahah.  Masyado na kasing mahirap ang panahon ngayon, ginugutom na nga ako,ginugutom pa mga bulate ko. Kung may karapatang mag-rally ang mga bulate dahil sa gutom,sure akong may mga placards pa silang dala na  “No to Hunger! Yes to Food!” . Alam ko walang sense pero malay natin diba? Anyway, ililista ko lang na ang organs o laman  na pwede kong ibenta at hindi pwede kasi maarte ako.

 null

Dugo-hindi pwede-  underweight ako kaya nirereject ako kung gusto kong magdonate

Lungs-pwede na rin- di pa ako nakahithit ni isang sigarilyo sa buong buhay ko kaya in good condition pa to

Liver-pwede rin- hindi ako mahilig uminom ng softdrinks at lalo na ang hard drink  kaya   kung  kailangan mo ng bagong liver i-pm mo lang ako.

Kidney-Pwede rin- Kung bibilhin mo kidney ko,buy 1 take 1! kaya call now!

Puso-di pwede- kasi may  nagnakaw. hihihi

Brain-di pwede-kinain na ng mga zombies. heheh

Stomach-di pwede- mawawalan ng bahay mga bulate ko. hahah

Mata-baka pwede- medyo malabo na mata ko pero asset ko daw to(blog ko to kaya walang kokontra.heheh) kaya baka i-consider nyo.XD

Kung may plano kayang bumili,magtext lang sa 09351413752(baka magreply pa ang kumuha ng cellphone ko. heheh).Kung anu-ano na ang mga raket ko ngayon. Nag-apply na ako bilang isang student assistant sa school, pagkatapos may online job pa ako ngayon na nagiging sagabal sa blogging ko(pero malaki naman yung kinikita ko sa pagsusulat  tungkol sa mga bagay na di ko naiintindihan). heheh.

Pero alam nyo ba na  ang blood plasma ay may halagang php.1400 kada linggo?  pwede ka pang bumalik sa isa pang linggo at sa susunod pang linggo. Ang sperm naman ng lalaki ay may rate na Php. 1600-8000. Ang egg cell naman ng babae Php. 160,000- Php. 400,000. Ang buhok(ang hindi pinalagyan ng mga kemikal) naman ay may halagang Php. 200-400 taga-ounce. Ang buong liver naman ay aabot hanggang Php 6,000,000 at ganun na rin ang lungs . Ang puso ay umaabot hanggang Php 11,960,000.

Grabe pala noh? At akala natin walang-wala talaga tayo.. hindi pa kasama diyan ang mga cartilage na pwedeng ibenta, mata, at marami pang parte ng katawan natin. Sa kabuan sa totoo lang, aabot ng  bilyon a-bilyon ang magiging halaga kung iisahin natin ang mga laman natin pero dahil hahaba ang post na ‘to kung ibreakdown ko pa, wag na lang muna. ano ba talga gusto kong sabihin at nag-effort akong i-calculate yan?

Sa totoo lang, hindi ako naghihikayat na ibenta ang organs natin o laman(sa kahit anumang paraan ng pagkakaintindi mo ng laman). Gusto ko lang ipakita kung gaano pala tayo kamahal sa literal na pagsasalita. Gusto ko lang sabihin na hindi ako naniniwalang may taong walang halaga o walang kwenta. Higit sa lahat, hindi ako naniniwalang pwedeng bilhin ang tao kahit ni Mark Zuckerberg o sinumang bilyonaryo sa mundo.

Kaya naman, sa mga taong nag-iisip na wala silang halaga, sana isipin muna ninyo ang mga bagay na meron na kayo at mga bagay na magagawa nyo pa. Kung ganyan ang halaga natin sa pananaw ng tao, ano pa kaya sa pananaw ng Diyos na siyang naglikha sa’tin? Siguro gusto ko lang sabihin na mas mahalaga pa tayo higit sa accumulated money ng lahat ng tao sa mundo, mas mahalaga pa tayo higit sa presyo ng organs natin, at mas mahalaga pa tayo kesa sa sinasabi ng iba na halaga natin. Samakatuwid, karapatan nating hingin ang respeto ng iba sa kahalagahan natin at responsibilidad din nating  respetuhin ang kahalagahan ng iba. Bow.

Bakit ko sinasabi ‘to? Kasi plano ko sanang ibenta kidney ko pero nagbago isip ko kasi baka dayain ako sa presyo. hahah
null

P.S. wala akong planong magbenta ng organs, pero may rummage sale kami sana kaninang umaga kaya lang tanghali na kami nagising. hahah

23 thoughts on “Ibebenta Ko Kidney Ko Bukas

    • katrinadanieles says:

      pwedeng-pwede.🙂 mahal pa ang lamang-loob ng tao eh,kaya lang, sa huli marami ring consequences. heheh

      salamat sa pagbisita sa blog ko.🙂

      gandang araw!🙂

  1. c0nn1e says:

    napakagandang analysis..mula sa pagbebenta ng organs, presyo ng bawat isa hanggang sa kahalagahan ng isang tao.

    Sa totoo, tama ka. Mahalaga ang bawat isa kaya nararapat lamang na ibigay ang pagpapahalagang nauukol para sa isang tao…umpisahan sa pagpapahalaga sa sarili…

    • katrinadanieles says:

      salamat connie sa pagbisita sa pahina ko.🙂 welcome na welcome ka dito.🙂 gusto yung last na sinabi mo..

      “nararapat lamang na ibigay ang pagpapahalagang nauukol para sa isang tao.. umpisahan sa pagpapahalaga sa sarili”
      tumapk na tumpak na, swak na swak pa.🙂

      gandang araw saýo!:)

  2. taray may bentahan na nagaganap. ako gusto ko magpalita doon sa puwede kong i-donate yung mga organs ko pag natigok ako. sayang din naman di ba? gaya nung ginawa ni mico sotto.

    tigok na siya pero yung mga parts ng mata niya napapakibangan ng dalawang tao

    • katrinadanieles says:

      ay oo, actually plano ko rin yan eh.🙂 yung i-dodonate pagkatapos matigok para naman may makagamit pa. heheh. ang sayang naman kung itatapon lang pagkatapos ng embalsamo.. heheh

      gandang araw hoshi!🙂

      rumaraket ako ngayon kaya usapang bentahan ang nandito sa blog ko. heheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s