MADUGO

Tinatamad akong magblog pero ayoko ring makalimutan ang mga nangyari sakin nitong Linggo(Sunday). Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ipaliliwanang ko sa mga susunod na talata kung bakit “Madugo” ang pamagat nito o baka pakulo ko lang to.

Linggo ang araw ng Law Aptitude Exam na kukunin namin ng mga kaibigan ko para naman magkaroon kami ng experience kung anu yang LAE. Kaya lang 7:30 pala ng umaga ang exam, eh isa at kalahating oras pa ang dapat lakbayin para makaabot sa gaganaping exam kaya maaga naman kaming nagising ngunit di na kami nakapagbreakfast.

Reason 1: Kung kailang may exam ako, dun pa nagparamdam ang buwanang bisita ko kaya panic mode ako. OA lang ako. heheh

Balik muna tayo sa kwento ko. May pakiramdam kaming mahuhuli na kami sa exam kaya naman nanalangin ako sa loob ng dyipni na sana naman wag kaming ma-late.. Bigla namang humarurot yung sasakyan at bigla na lang nag-brake si manong drayber, na siya namang naging dahilan sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa handle bar.

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiih…BOG!

Nagkabanggaan pala ang dyipning sinasakyan ko at isang tryk na nag-u-turn.. ang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang  na may bumabalekwas na tricycle, may lumilipad na mga butil ng bigas mula sa dilaw na sako, mga nagsisikalat na mga oling mula sa pulang plastik, isang ale na sumisigaw”Ang anak ko! ang anak ko!” habang nasa gilid sya ng daan at hind na makatayo, at higit sa lahat may nakita akong tao na parang nagtriple-backdive bago sya lumanding sa sementadong daanan.

Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan..

Reason 2: Nang humagalpak ang mukha ni manong sa semento, may 30 segundo bago lumabas ang dugo mula sa kanyang ilong, tenga at sa kung saan-saan pang parte ng katawan.

Binuhat siya ng ibang kalalakihan para maitabi sa daan. Pagkatapos dun lang sya.. at halos lahat kami, parang nakatingin lang. “Ano gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko. At nandun pa rin sya parang humihinga na parang sobrang nahihirapan pero wala ng ulirat. Marami kaming mga tao sa paligid pero parang ang iba nakikipag-usap lang sa kasama nila, ang iba namaý naghintay ng ibang dyip na pwedeng sakyan at ang ibaý nakatunganga lang.. at ako nandun lang din, hindi alam ang gagawin katulad ng dalawa kong kasamang naguguluhan din. Habang si manong na parang mamatay na, nasa tabi lang…

Ito ang tinatawag na “Diffusion of responsibility”. Ito yung pakiramdam na hindi ka responsable sa anumang nangyayari(especially masamang nangyayari katulad ng pinapatay,hinoldap,mamatay at iba pa) sa ibang tao dahil marami ring tao sa paligid. Ang nasa isip kasi ng bawat isa, meron namang iba na pwedeng tumulong kaya ang ending walang may tumutulong. Minsan naman, pwede ring maraming nakisangkot sa isang pangyayari tulad ng riot, pinagtulungan ang isang tao, pagsira ng mga kagamitan at hindi nakakaramdam ng guilt ang mga nakisangkot dahil  nasa isip nilang hindi lang sila ang may kasalanan o may pagkalat na  ng responsibilidad(diffusion of responsibility).

“Mabubuhay pa to” sabi ng isa.

Kaya naman ng  may isa pang tryk na dumaan, tinawag nila ito, nilagay si manong na duguan dun at umalis na papuntang hospital.

Nang nakasakay na kami sa iba pang dyip, biglang hindi na naging importante kung late na ba kami o hindi pa.. sa totoo lang, di na naging importante kung papasa pa ako sa exam…

“Lord, bahala na ma-late, bahala na di makapasa, makapunta lang kami sa syudad na buhay..”

Reason3: nang nakapunta na kami sa test center, di naman kami late. Pagkatapos ng ilang minuto at ilang paulit-ulit na basa ng items ng Law Aptitude Exam ng UP, napag-isip-isip kong madugo talaga ang araw na yun.

null

11 thoughts on “MADUGO

  1. Thank God safe kayo Kat!
    At mabait si Lord kasi ipinakita niya sa iyo kung gaano kadali at sa isang iglap lang ay mawala ang buhay, di pa kayo na late. May kapakinabangan ang nangyari sa inyong magkakaibigan!

    wow na wow sa LAE na yan! Balitaan mo kami kung ang ma-Dugo ay naging makabuluhan kagaya ng Dugo na bumalot sa sansinukob mahigit 2000 taon ng nakakaraan.

    Be blessed Kat!

    • katrinadanieles says:

      kuya pong!🙂

      Salamat talaga kay Lord at pinahintulutan Nya kaming makakuha pa ng exam.🙂 ang daami nga pong pumapasok sa utak ko like tinanggap ng kaya ng taong yun si Hesus bilang kanang personal na tagaligtas..
      may kabuluhan po talaga ang nangyari kasi andami kong natutunan sa isang araw lang.🙂

      Kuya pong, ewan ko lang kung makakapasa ako kaso mahirap talaga.🙂 baka hindi ko na ibalita kasi mahihiya ako sa results. hahah.🙂

      God bless kuya pong!🙂 Mag-ingat ka rin dyan lagi.😉

    • katrinadanieles says:

      hahah, parang ayoko lang talaga maremember na dumudugo ilong ko habang sinasagutan ang LAE. hahah.🙂

      marami talagang guilty dyan, ako nga wala lang ginawa, sumakay lang ako ng dyip. huhuh

    • katrinadanieles says:

      oo nga Jec, Salamat tlaga kay Lord na ligtas kaming nakapunta sa exam.🙂 nakakatakot talaga yun.😮
      sana nga makapasa.^^ heheh. anhirap kasi eh. ^^

      gandang araw jec!🙂

  2. concon says:

    nakakatakot ang araw na iyon… para akong nanonood ng 3d na movie nang makita kong lumipad si manong from the tryk..

    tulala ako pero tuloy pa rin sa kakakain ng koko krunch..

    parang ayoko na talagang sumakay ng san joaquin na jeep..

    di na rin ako makatulog sa kahit na anong biyahe dahil naiisip kong baka magkaaksidente uli.

    Sana nga lang ok na si manong. Salamat talaga at buhay pa rin tayo hanggang ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s