Bahala na

Pakiramdam ko wala akong ganang sumulat ngayon. Isang pakiramdam na hindi pamilyar para sa’kin. HIndi ko alam kung bakit, pero parang alam ko rin, at ayaw ko lang aminin. Kaninang umaga, pagkagising ko, bigla na lang gusto kong magtanggal ng inis sa katawan kaya boila! Nasa kabilang isla na ako ngayon.

Gustong-gusto kong mag-blog tungkol sa masasayang bagay pero parang walang namumutawing masayang salita mula sa utak ko.  Pagpasensyahan nyo na. Bukas, ibang araw naman kaya pwedeng kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.

Galit lang ako sa maraming bagay. Galit ako sa mga taong insecure. Mga taong mahilig magparinig, pagkatapos binibigyan mo ng pagkakataong magsalita sa harap mo, walang may sinasabi, pagkatapos magpaparinig naman.  Galit ako sa mga taong gusto nilang iniintindi mo sila, pero grabe namang manghusga sa’yo.  Galit ako sa mga taong akala ko kilala ako pero makuha pang magbintang ng kung anu-ano. Galit ako sa mga taong sasabihing takot sila na ganun ganito pagkatapos dadamayan mo, sasabihan mong kaya mo yan, pero sasayangin lang pala oras sa mga walang kwentang bagay. Bahala na.Galit ako sa sarili ko dahil sinasabi ko ‘to ngayon dito. Tama na Kat… tama na.

Bukas, ibang araw naman kaya sana kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.

 

18 thoughts on “Bahala na

  1. ilabas mo lang ang galit mo kat.
    AKO … GALIT AKO SA TAONG BINUBURA AKO NG PILIT SA BUHAY NYA.

    wow dito naglabas ng sama ng loob? HAHA! :))

    at tama, bukas, ibang araw naman. sigh kainin ko rin sana lahat ng pinagsasasabi ko🙂

  2. iiyak mo kat o kaya isigaw mo sa hangin
    ok lang naman magalit basta wag lang magkasala.

    ito lang ang nalaman ko sa buhay kat, share ko lang

    anger is a form of judging others.

    breathe in/out lang kaya yan!

    • katrinadanieles says:

      salamat kuya pong.🙂 kailangan ko talaga ang mga ganyang payo..

      kuya, tama ka.. at hindi maganda sa pakiramdam yung galit na feeling.. kailangang i-let go..

      gandang araw kuya!🙂

    • katrinadanieles says:

      salamat athena.🙂 tama ka, ok lang nga magalit pero dapat hindi ito maging rason para masaktan ang iba.🙂

      gandang araw sa’yo.🙂

  3. sunnystarfish says:

    oo ilabas mo ang galit mo tapos nun dapat wala na, well sa akin ganun ha, pag naisulat ko na tapos na hehe…kung kay Jec “AKO … GALIT AKO SA TAONG BINUBURA AKO NG PILIT SA BUHAY NYA.” sa akin binura na talaga hindi na pinipilit pa wahaha😛 GV GV na mga teh hihi

    • katrinadanieles says:

      hahah. parang nataw ako sa pangbubura na hindi na pinilit ha..🙂 pwede bang i-rewrite yung binura? heheh.
      gandang araw sa’yo gince!🙂

  4. concon says:

    at dahil sa galit na yan, di ka nakakuha ng quiz.. kasi nga katabi mo ang 2 sa mga taong pinakakinaiinisan mo ng mga panahong yun.. hehe

    😉

    • katrinadanieles says:

      salmat sa payo hoshi.🙂 humupa na ang galit ko kasi mahal ko naman ang mga taong yun. heheh.:)
      gandang araw sa’yo hoshi!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s