Gallery

Sorry Sir…

Kanina, tiningnan ko yung fb wall ng group ng highschool batch ko. Medyo matagal kong hindi na-visit yun kasi busy ako sa pagpapabasa ng saranggola entries ko na Dalawang Sintas at Mga Signos(nag-promote pa oh!^^). Tsaka mas palagi akong pumupunta sa wall ng elementary group ko kasi officer ako dun,nung highschool, parang ewan lang ako. Pagkatapos, bigla akong nagulat sa naka-post dun. Nagulat tsaka parang nasaktan na rin.

Nagpost kasi ang teacher namin sa chemistry nung third year ng isang mahabang post tungkol sa kung gaano kami kabastos na batch. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pero kilala ko ang teacher na yun at siya yung tipong marunong umintindi at nasa katwiran kung magalit.

Ayon sa kanya, kahit anumang honors ang meron kami, anuman ang nakamit naming success, at kahit nasa college na kami, hindi magbabago ang katotohanang naging teacher namin siya. Kaya dapat lang na respetuhin namin siya at iwasan ang mga below the belt na tira sa wall kahit pa nakikisakay siya. Ayon pa sa kanya, baka tama nga ang desisyon ng prinsipal namin noon na kami ang maging last batch ng star section(tinitingala) at gawing gem(mga batong inaapakan) dahil sa mga pag-uugali namin.

Hindi ko talaga alam ang nangyari pero parang may ideya na ako dahil sa post,hindi lang ako sure kung ganun. Kung anuman, humihingi ako ng tawad sa guro namin. He deserves to be respected and be given due worth. Magaling siya na teacher at siya yung isa sa hindi ka matutulog sa klase. Hindi ko akalain na aabot sa pagkakataon na magkakaroon ng di pagkakaintindihan ang batch namin at ang teacher namin.

Isa siya sa mga teacher na nagbigay ng tsansa sa’kin dahil talagang mahina ako sa chem. Palagi akong late sa klase niya dahil sa mga personal na bagay na rin o mga problema sa pamilya ko(pero that’s another issue) pero ginusto kong matuto dahil sa standards ng teaching na pinakita niya.

Sir, sana mapatawad mo pa kami. Tama ang mga sinabi mo sir kung kaya’t taos-puso akong humihingi ng tawad.

13 thoughts on “Sorry Sir…

  1. concon says:

    kahit pa sabihin natin na wala tayo nung mangyari yun.. o na di natin alam ang mga nag-transpire sa group.. still we are responsible sa actions ng bawat isa…

    sorry po sir…

  2. makiki-sorry na din ako kay sir. i mean, ibang sir… well, that’s another issue! :))

    kaaat ^^ naglaan ka talaga ng isang post para humingi ng pasensya, sapat na yun para malaman namin na nirerespeto mo yung teacher nyo ^^

    siguro … hindi lang talaga natin mako-control ang ugali ng iba. sigh.

    • katrinadanieles says:

      heheh. another issue na pla yung sorry mo sa isang sir? heheh

      magaling na teacher kasi siya kaya lang naabuso namin yung closeness namin sa kanya kaya ayun parang ayaw niya na sa’min or sa ugali namin.😦

  3. tama kat at kung hihingi ng tawad kailangang magsabi ng I am sorry — lesson from my mother.
    di na kailangan pang depensahan ang sarili.
    saludo ako sa iyo kat at mga kaklase mo na humingi ng tawad.
    am sure you will be forgiven.

    the thing here is that you are very sincere in asking forgiveness.

    saludo ako sa inyo kat.
    be blessed!

    • katrinadanieles says:

      kuya pong, sincere na sincere talga ako dito pero baka di na kami mapatawad ng teacher namin.. naiintindihan ko naman kasi teacher nga namin siya and he should be given all the respect that he deserves. kuya, di’ba naging teacher ka rin? πŸ™‚ ang hirap siguro.. kasi ang mga estudyante. isip-bata, kung anu-ano na lang ang nasasabi at nagagawa.. sinasadya o hindi, nakaksakit pa rin..😦

      kamusta ka na siyan kuya pong?πŸ™‚
      gandnag araw sa’yo!πŸ™‚

  4. ano ba kasi talaga ang nangyari. hehe.

    naalala ko tuloy yung titser ko nung high school. dahil presidente ako nun sa klase, sinigawan ako ng “gagong presidente” sa galit niya sa klase namin. lol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s