Si Honey at si Hutchy

Minsan pala, ang hayop parang tao.πŸ™‚

Nandito ako ngayon sa bahay ng amo ng lola ko kaya parang ingat na ingat ako sa mga pinaggagawa ko. Baka kasi makabasag ako ng vase at matandaan ko na ang tamang answer sa question sa GMRC, kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon, ay sabihin na ang nakababatang kapatid mo nga ang nakabasag.

CookΒ  ang lola ko dito,at kung ano ang pinag-iba nyan sa chef ay kayo na ang mag-google.Β  Mabait naman ang mga amo ni lola kaya next time na ako mag-blog tungkol sa kanila kung maltratuhin nila ako. heheh

Ano ang connect ng sinabi ko sa intro at 2nd paragraph? Wala.Β  nagpapahaba lang ng post na according sa stat ay dahilan kung bakit di na nagbabasa ang iba ng blogs. hehe

Nasisiyahan lang ako dahil may mga aso ditong ubod ng cute. Si Honey atsaka si Hutchy. Si honey ay isangΒ  9 year old na dutch hound at si hutchy naman ay isang Siberian Husky na hanggang ngayon ay itinanggi ang tunay na edad. Para sa hindi nakakaalam kong ano mukha ng mga ganyang klase, nag-research ako para sa inyo.πŸ™‚

null

null

Ang cute lang talaga kasi parang tao lang din pala sila. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa aso noonΒ  kasi takot ako na kagatin at bigla na lang akong mangagat din ng iba.

Kung napapadaan ako kay Honey,bigla na lang siyang hihiga ng patihaya. Kaya naman naisip kong lapitan siya at haplusin ang balahibo niya at tsaka ang ulo niya. Para naman siyang pumipikit at parang inaantok at maya-mayaΓ½ matutulog na.

Kung mapapadaan uli ako, parang hinahabol na niya ako at biglang dinidilaan angΒ  mga kamay ko. Para siyangΒ  nagpapapansin para lambingin.πŸ™‚ Kung hindi ko siya pansinin, naglulungkot-lungkutan at tapos tinititigan ako na para bang iiyak, kaya naman di ko matiis. May naalala lang din ako. ^^

Wala ako masyadong bonding time with Hutchy kasi nakakatakot siya tignan pero sabi naman ng owner niya “Don’t worry, she’s friendly”. At ako namaΓ½ huminga ng malalim at naisip na rhyme pala ang worry tsaka friendly.

Naisip ko lang na parang naiiinggit si Hutchy kung pinapansin ko si Honey kasi parang gusto niyang kumawala sa hawla niya, at tsaka nung nakalabas sya,pinuntahan niya agad ako na abala naman sa pakikipaglalaro kasama si Honey.Β  Nagtahulan silang dalawa lalo na si Honey. Ay, lesbiana ba ang dalawang ito at nagseselos sa atensyon ko? hahah.Nang makaalis na si Hutchy ay tumahan na sa pagtahol si Honey at humiga na lang ulit.

Natutuwa ako sa kanila kaya naman parang naiirita ako sa isang kasambahay dito na kung anu-anong pinagsasabi kay Honey,eh wala namang ginagawang masama ang aso. Sipain niya raw tsaka kung anu-ano pa.Hindi naman niya sinaktan,threat lang pero malay natin, nag-aral si Honey ng wikang tao at naintindihan yun.

Minsan pala, ang tao parang hayop.

37 thoughts on “Si Honey at si Hutchy

    • katrinadanieles says:

      parang ganyan talaga ang mukha ni Honey at Hutchy!πŸ™‚ ang cute noh?πŸ™‚ heheh. natutuwa nga ako eh.πŸ™‚

      gandang araw au!πŸ™‚

  1. Naalala ko bigla yung mga pinsan kong bata na mahilig non maglaro sa bahay. Palaging sinasabihan ng ina ko na mag ingat dahil nga sa mga vase (na wala naman talagang silbi). Tas hayun, hanlilikot. Haha.
    Dream pet ko ang Dutch Hound! Sheeet! Haylayk Honey!
    Yung kasambahay na yan magiging aso sa next life nya! At ang amo nya, mala Bella Flores! Hoho.

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ ano ba ang silbi ng flower vase na walang flower? heheh. ang mahal2, walang silbi. hahah.

      ngayon, dream pet ko na rin ang dutch hound. heheh. Kaya lang mamumulubi ako pag ganyan ang pet ko. mas mahal pa ang shampoo nung aso sa shampoo ko eh. heheh

      hahah. natawa naman ako sa sinabi mo tungkol sa kasambahay. hahah. wag na lang siyang maging aso kasi baka mangagat. hahah.

      gandang araw vajarl!πŸ™‚

  2. Yan ba yung asong may sariling pagkain, pinaliliguan, pinapa-groom at pinado-doctor kapag may sakit? Sa tingin ko ha, sa tingin ko lang naman, dagdag sakit sa ulo ang ganyang klaseng alagain. Hayks, kelan kaya ako magkakaroon nyan?πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      yan na nga.πŸ™‚ hahah. medyo sakit nga sa ulo lalo na kung busy ka at walang pera.. kaya mag-aadopt na lang ako ng askal. heheh. o kaya bibili ako pag mayamang-mayaman na ako. heheh

  3. erhu ianyce says:

    sooooooooooooooooooooooooooo cute and adooooooooooorable silang dalawa lalo na yung nasa 2nd pic..ou parang tao lang talaga sila marunong umintindi minsan nga mas maiintindihan ka pa nila kesa sa mga tao eh hahahaha

    • katrinadanieles says:

      da’ba nag-blog ka na rin tungkol sa kanila gince?πŸ™‚ heheh
      ang cute lang talaga pag nagpapansin sila ng ganyan. hahah
      gandang araw gince!πŸ™‚

  4. wow. mga sosyal na aso.

    siguro salbahe akong tunay pero pag askal, takot talaga ako pag mukang sosyal … “ay ang kyoooot” ang masasabi ko. haha! takot ako sa aso kat, baka sila mangagatπŸ˜€

    at tama ka, minsan talaga mas hayop pa ang asal ng mga tao kesa sa mga tunay na hayop. ano daw? HAHA!

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ namimili ka pala ng aso jec, ako din eh. hahah
      ang kyooooot naman talaga nila pero nkakatakot lang talaga minsan kasi masakit ang kagat ng aso. hahah
      naintindihan ko ang sinabi mo kasi ang asal ay asal at ang aso ay aso. ano daw?! hahah

      gandang araw jec!πŸ™‚

  5. shea says:

    hi, kat!

    ang cu-cute ng mga aso. naalala ko tuloy yung mga aso ng pamangkin ko, grabe magharutan. nakakatakot.

    gusto ko labrador, mas malambing yata sila..

    hi din daw sabi ni jasonhamster

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ maharot na mga aso pala. heheh. ang kyooot siguro.πŸ™‚

      labrador?? diba yan yung malaki tsaka black?? o mali ako. hahah

      mgex. hahah. eh di, hi na lang din sa kanya. heheh

    • katrinadanieles says:

      hahah. baka pwedeng biruin ang aso, basta kung hindi lang siya lasing. heheh.πŸ™‚ ano daw?!πŸ™‚

      gandang araw dlysen!πŸ™‚ welcome sa blog ko!πŸ™‚

  6. “Minsan pala, ang tao parang hayop.” -tomoh. haha.

    at minsan naman ang hayop parang tao. may aso din pinsan ko dito kaso yung maliit lang. yung lasa apso? hehe. minsan mas kinikilig ako sa ginagawa nilang paglalambing kesa sa ginagawa ng tao. lol. haha.

    exlinks? :p

    • katrinadanieles says:

      heheh.πŸ™‚ mas malambing naman kasi talga ang aso. oo ba.πŸ™‚ pero hindi pa ko makapag-update ngayon ng blogroll kasi wala sira laptop ko.πŸ™‚
      welcome sa blog ko batanglate.πŸ™‚

  7. Arnie says:

    nakakaenjoy nman basahin…oh yeah..

    malalambing talaga ang mga aso pero minsan nakakairita kapag lagi tumatahol..hahahah

    ang cute cute…

    Hamster kat mahilig ka???hehehe

    perstaym ko sa bahay mo…:) dahil nag enjoy ako babalik ulit…

    Apir! :))

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ required mag-train ng hamsters an Psychology majors kaya gusto ko ang hamsters. hahah

      gandang araw kuya arn!πŸ™‚ welcome sa blog ko.πŸ™‚

  8. napanuod mo na ba kaibigan yung hachiko? argh.
    ung ang kwentong aso na movie na iniyakan naming magbabarkada! hahaha. laughtrip yun dahil, kabbreak lang ng tropa ko sa girlfriend nya, at saktong nag-iinuman kami ng tanghaling tapat ng natripan namin panuorin yun.

    ayun. bakit ko nasabi yun? kasi, yung ikalawang aso, hawig ni hachiko.πŸ™‚ check mo. for sure, iiyakan mo din sya.

    sheyr lang. hakhak

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ˜„ nakow,kung iiyak ako diyan,wag na lang muna. heheh. ^^ baka, matulad ako sa kaibigan niyo. hahah

      gandang araw arkhut!πŸ™‚

  9. oi usapang aso. like ko yan. hehehe

    cute ang mga aso, sila yung pinapakin mo at inalagaan mo pero hindi pahirap sa buhay. para kang may best friend na nandyan para sa iyo kahit mukha siyang foreigner dahil may language barrier.

    • katrinadanieles says:

      hoshi!πŸ™‚ oo nga eh, hindi talga pahirap sa buhay kasi loyal tsaka parang laam kung paano tumanaw ng utang na loob. heheh

      gandang araw hoshi!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s