Gallery

Nagkamali nga ba ako? ^^

Pagkatapos ng Saranggola Blog Awards ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makipagkita  sa ibang bloggers na sina Salbe at Vajarl. At masasabi kong ang bayad sa taxi, ang saglit na pagkalito sa direksyon at slight lang naman na pagsisinungaling sa aking nanay(si lola na kasama ko sa SBA) ay ok na ok lang lalo pa’t ang saya ng pagkikita namin.

“Nay, pwede po akong umalis?”

“Saan punta mo?”

“Sa gateway po.”(Woot, hindi sinabing sa Trinoma talaga mag-lulunch pagkatapos magkita sa gateway,di naman tinanong eh.^^)

“Sino kasama mo?”

“Susunduin po ako ni Ate Salbe.”

“Ah yung emcee? Si Guttierez? Nandun?”

“Sinong Guttierrez nay??”

“Yung matangkad.”

“Ah, si Goyo. Baka po. ”

“Eh yung kamukha ni Coco Martin?”

“Sinong kamukha ni Coco Martin??  hmmm, aaah,si Jason po? Baka.”

Pinayagan naman ako ng lola matapos ang ilan pang katanungan na hindi ko na sasabihin dito dahil ang haba. heheh.

Masaya ang makipagkwentuhan kina Vajarl at Salbe(bawal daw talaga mag-Ate eh ^^) over Pizza at crepes n cream.Sobrang dami ng nakain ko kasi parang nasa diet sila at binibigay sa’kin ang lahat ng malalaking slice ng pizza^^ .  Sumakit ang panga ko sa katatawa sa mga hirit nila at sumakit naman tiyan ko sa mga kinain ko. Yan kasi Kat,masyado kang matakaw.

Si Vajarl ay katulad ng inaasahan ko, talagang andaming alam at opinyon tungkol sa Psychology at sa iba pang bagay.  Parang halong  objective atsaka subjective na tao kasi  kung para sa kanya pangit ang isang bagay,pangit, kung maganda, maganda.  May halong pagka-subjective dahil kung gusto niya,gusto niya,kung ayaw, ayaw.🙂 Belated Happy Birthday at kainggit ang regalo mo sa self mo. Ang yaman lang talaga.😄

Si Salbe naman  ay may katangian ng  isang sanguine. Yung tipong kayang magkwento ng mga esoterical na bagay  katulad ng statistics sa paraang hindi ka mababagot at parang kahit olats ako sa stats ay gusto kong kumuha ng extra subject na ganyan.

Akala niya daw pangit ako, na hindi ko alam kung ang ibig niyang sabihin ay maganda ako sa personal o hindi ako photogenic. hahah.    Andaming baong hirit na matutuwa ka at matatawa.Hindi na ako nagtataka kung andaming sumusunod sa blog niya at sa tumbler niya. Ate Salbe, salamat ng marami sa MRT rides, sa paghatid-sundo, tsaka sa libre.^^

Andami pa naming napag-usapan tulad ng ibang bloggers, kung paano sila nagsimula mag-blog,mga lablayp,trabaho, mga paniniwala nila sa pag-ba-blog. Mga ganun.🙂

Ang saya kong makita sila sa personal at marinig kung papano sila magkwento  tungkol sa kahit ano. Andami ko talagang natutunan. Maraming salamat sa inyo at inanyayahan niyo akong makipagkita sa inyo Salbe at Vajarl.   Sa susunod na pagkikita ha?🙂

P.S.  heto naman ang bersyon ni Ate Salbe sa pagkikita namin. 🙂

Abangan niyo rin ang bersyon ko ng pagkikita namin ni Jec.🙂

14 thoughts on “Nagkamali nga ba ako? ^^

  1. Medyo nahiya nga ako na marinig mo ng personal kung pano ko manlait lait. Ambait bait mo pa naman, Ansarap demonyohin. Hahaha.

    Hanggang sa susunod, Kat! Sana makarateng den ako sa Bacolod! Never pa ko nakalabas ng Luzon.😦

  2. kaaaat! congrats nga pala sa iyong pagkapanalo ng unang karangalan sa kategoryang tula ng SBA. ipagpatuloy mo pa ang ibinigay sayong talento ni Lord sa pagsusulat.🙂

    p.s. baka sumali na rin ako sa patimpalak ng SBA next year. na-inspire mo ‘ko kasi. hehehe.🙂

  3. Uso din pala ang WP EB dito! hahahaha.🙂 cool. sana eh makita ko din kayo, at para mapatunayan ko sa sarili ko na hindi lang kayo mga robot na tulad ko na tumitipa ng kung-anong salita.

    hahaha!

  4. Mukang kami ang nagkamali Kat. Ina-analyze mo pala kaming! Andaya! Anyway, iskaywey, nag-enjoy din kami sa iyo. Lalo na nung pinpanood ka naming pilitin kainin ang pizza o yung crepe. Parang nahihirapan ka na kasi. Hahaha!

  5. hi, kat. happy new year.

    binasa ko ang version ni salbe ng EB nyo so, basa ko rin ang sa ‘yo, he,he… pati pala ang EB nyo ni jec.

    parang ang saya ng ‘yong mga gala. sana’y makarami ka habang bakasyon, hi,hi…

  6. HAHAHA! At talagang tinanong ako ni Lola? lol.

    Nice meeting you din Kat sa SBA at kongrats ulit.
    Merry Christmas ulit para humaba ang comment ko. Manigong bagong taon na din! HAHAHAHA! Mukha ka naman talagang mabait. hehehe.😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s