Gallery

Avatar: Ang Tunay na Kaibigan Waits

Babala: Kung fan ka ng The Last Air Bender tsaka nung mga aliens na kulay blue kaya binasa mo ‘to, wag mo ng ipagpatuloy kasi hindi tungkol dun ang post ko.

Maraming nagsabi na cute daw ang avatar ko ngayon. Pagkatapos meron nag-aakalang ako daw si ate salbe dahil magkamukha kami. Isa lang paliwanag diyan, bukod sa pareho kaming cute, eh iisang tao lang gumawa ng avatar namin. Walang iba kundi ang nakaka-inggit ang talents na si Jec ng Secret Garden.πŸ™‚

Nung dumalo ako saΒ  awarding ngΒ  Β  SBA, inasahan kong nandoon si Jec pero dahil wala siya, kinuha ko ang oportunidad na makipagkita sa kanya lalo nung nagyaya siya. Sabi niya, magkita daw kami ng patago, parang lovers lang eh. hahah

Sa gateway kami magkikita kaya nung nasa fully booked ako, naisipan kong bilhan siya ng libro na hindi ko naman nabili dahil nahihirapan akong magdesisyon. Kaya naghanap na lang ako ng baller na may name na “Jec”. Goodluck na lang sa akin kung may makita ako. hahah. Ang ending wala talaga ako may nabili. Indecisive o sadyang kuripot?

NAkilala ko agad siya nung pumasok siya sa fully booked pero di ko inaasahan yung boses niya. Ang kyut-kyut pala, parang kanya ng cute na batang babae. Yun talaga una kong napansin eh.

Pasyal-pasyal muna kami sa SM Megamall, kung saan nalaman namin na pareho pala kami sa kaweirduhan. Kasi napansin yang nagtatanong ako sa bagay na “Bibilhin na ba kita?”, “Magkano ka ba?”. Nahiya tuloy ako kay Jec.

Andami naming napag-usapan kahit bago palang kaming nagkita. Para kasing magkaibigan na kami noon pa at para bang hindi siya mahirap pagkatiwalaan. Kung mag-kwento siya ay parang kilala ko na rin ang mga kaibigang tinutukoy niya kaya naman kung makapag-kwento naman ako ay parang feeling close ako.^^

Gumawa kami ng greeting para kay Kuya Pong. Nagtingin-tingin sa mga paintings sa SM. Pumunta sa isang pet store. Namili ng kung anu-anong kabagayan sa comic alley. Nagpa-picture. Lumakad mula SM papuntang Obsidian. Nag-exchange gift. Pinakilala pa niya ako kay Mia at Eoty, mga kabarkada niya.πŸ™‚ Andami naming nagawa kaya talagang naaliw ako at nasulit namin ang aming pagkikita. ^^

Sa sunod na pagkikita Jec. :)Hintayin uli kita, este hintayin mo yung muli kong pagpunta ng Manila. ^^

27 thoughts on “Avatar: Ang Tunay na Kaibigan Waits

  1. mabilisan lang katπŸ˜‰
    hindi ko alam na dinibdib mo pala ng bongga ang pagka-late ko xD sensya na talaga. at saka, bat di mo binanggit na may naibigay ka naman sa ‘kin? ^^ tinanong-tanong mo pa ko kung alin ang magandang kwintas tas para sa ‘kin pala, ikaw talagaaaaa. haha! xD

    hanggang sa muliiiiiiii!πŸ˜€

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ joke ko lang naman yun, na big deal daw sa’kin yun. heheh. at least nagkaroon ako ng time para pumili pa sana sa ireregalo ko sa’yo.πŸ™‚ sana nagustuhan mo yung gift, kasi sumakit ulo ko kaiisip kung paano ko itago yun. hahah

      hanggang sa muli jec!πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ oo nga, andaming nalilito sa’min ni ate salbe. heheh

      welcome kuya bino.πŸ™‚ gandang araw sa’yo!πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      next time, magkasama na dapat tayo.^^
      alam mo,iniisip namin na baka ma-bore ka sa’min ni jec. heheh

      gadnang araw gince!πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ palagi nga kaming napagkakamalan ni ate salbe eh.πŸ™‚
      ngayon, alam mo na kung sino ang gumawa, .^^ heheh

    • katrinadanieles says:

      heheh.πŸ™‚ ang nakaktuwa pa niyan,k akala namin sa internet world na lang kami magkakilala, pwede naman pala in real life. heheh.

    • katrinadanieles says:

      dapat next time, kasama ka na katy!πŸ™‚ sabihan mo kami kung nasa pinas ka na.πŸ™‚

      gandang araw sa’yo!πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ˜‰ wala naman talaga. heheh. guilty din ako diyan eh. hahah

      gandang araw sa’yo shinjei! salamat sa pagbisita sa pahina ko.πŸ™‚ welcome!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s