Gallery

Snapshot

May nabasa akong libro  na parang nagsabi na meron daw tayong nabubuong snaphots ng mga taong naging bahagi ng buhay natin. Yung “snapshot” daw ay isang moment o tagpo na naging larawan sa isipan natin,at yun ang naalala natin tuwing iniisip natin ang ibang tao . Naalala natin ang tagpo kasi sa tagpong yun,di natin  malimutan kung ano nararamdaman natin o kaya naman, doon natin na-realize na importante pala sa atin ang taong yun.

Sabi pa ng bida sa librong binabasa ko, ang snaphot niya daw ng taong mahal niya ay yung gabing lumakad na ng palayo ang mahal niya…  biglang lumingon ang mahal niya..kaya nakita niya ang kagandahan nito, mga mata nitong parang nangungusap, ang hanggang bewang niyang buhok na para bang hinahaplos ng hangin.  Tinitigan siya ng mabuti ng mahal niya, ngumiti, at kumaway. At ang tagpong yun ang snapshot niya.

Disyembre. Pagkatapos ng isang parada ng mga ilaw at higanteng floats sa syudad.

Hindi ko alam kung bakit hinahanap kita, siguro dahil alam kong konti lang ang mga taong kaya akong samahan at kayang tiisin ang ugali ko, at isa ka dun. Isa ka din sa mga taong, sa hindi ko malaman na dahilan, eh sinasamahan ako para lang maghanap ng ferris wheel pagkatapos ng madugong math exam. At  ikaw lang din ang hindi nagsabi sa’kin na gawa-gawa ko lang ang jetman dahil inaabangan mo rin yun noong nasa elementarya ka pa.

Ikaw pa yung sama ng sama sa’kin gayung namomoroblema ka at palaging umiiyak para sa babaeng sabi mo hindi mapapasaiyo.  Nakakainis lang minsan kasi kahit magkasama tayo, hindi mo maiwasang magbanggit kung gaano ka nalulungkot dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.

Nakita kita. Katatapos niyo lang sumayaw para  sa isang program at nakakatawa talaga ang  costume niyong parang 70’s,pero aaminin kong naaliw ako sa sayaw. Kumuha tayo ng pagkain. Umupo sa damuhan kasabay ng ibang estudyanteng nakisaya sa parada at sa party pagkatapos ng parada.

But I can’t spell it out for you,
No it’s never gonna be that simple
No I cant spell it out for you

Ang jologs ng kanta..pero in fairness naman sa school, nagka-budget para mag-arkila ng banda para sa party. Bakit parang nagpaparinig ang kanta? Ewan.  Ang ganda pala ng lyrics tsaka melody..

If you just realize what I just realized,
Then we’d be perfect for each other..and will never find another

Tinitigan kita. Posible kayang..di bale na.

Just realized what I just realized
we’d never have to wonder if
we missed out on each other now.

Nang natapos tayong kumain, tumayo na tayo, tinapon na ang paper plates at naglakad-lakad. Katulad ng dati, hindi tayo nagsasawang mag-usap tungkol sa kahit anong bagay. At tulad ng dati, natatawa ako sa kung anu-anong hirit mo. Minsan, umaarte ka pa para sa mga jokes na bitbit mo.

Napadaan tayo sa ilalim ng malaking fire tree. Bumitaw ka na naman ng joke. Natawa ako. Napahinto ang tawa.  Dahil sa sinag ng buwan, nakita ko ang mukha mo. Kahit merong anino ng mga dahon ng puno ang mukha mo, kitang-kita ko ang mga mata mo. Ngayon ko lang nakita ang ganyang klaseng titig mo sa’kin. Ang parang nangungusap at malungkot mong mata. May sumilay na ngiti mula sa labi mo. At ang tagpong yun, ang snapshot mo.

But I can’t spell it out for you,
No it’s never gonna be that simple
No I cant spell it out for you 

null

44 thoughts on “Snapshot

  1. ang ganda naman nito kat🙂 agree ako na may mga snapshot ang mga ibang tao sa atin at eto lang din ang binabalik-balikan ko kapag namimiss ko sila

  2. Naimagine kong basta hinagis nyo na lang ang paper plates at di man lang nalagay sa basurahan magka moment lang. Hahaha.

    Kat, ikaw na ang mahaba ang hair! Hahahaha. Pero ang totoo, gusto kong maexplain mo saken kung bakit naghanap ka ng ferris wheel after ng exam. Karamihan kase sa mga kaklase ko ang ginagawa eh nagmamaktol sa sulok or naglalaslas after ng math tests.

    • katrinadanieles says:

      hahah, dapat pala ang nilagy ko na tinapon namin ang paper plates sa basurahan na may biodegradable na sign. heheh. sori naman…nadala lang ako sa moment.😄

      hahah. naghahanap ako ng ferris wheel after math test, para pag makasakay na ako ng ferris wheel,hihintayin kong nasa taas na ako, at tatalon. hahah.😄 pero ang malas ko, wala palang ferris wheel that time. hahah

      gandang araw vaj!🙂

  3. super likey-likey ko yung last part! wahhh. nakakabitin. more more more!

    may isnapshats din kaya ako with my ‘chicks’? whee. namiss ko sya bigla. kasalanan mo to! hahaha. takte. kinikilig kilig na naman ako dahil naisip ko sya bigla. argh.

    kasali ba dun sa isnapshats yung pakiramdam mo eh may kiniti sa pantog mo na para bang ikaw ay naiihi? hahahaha! nakakaihi sa kilig.

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 salamt naman at nagustuhan mo. heheh

      ilan bang chickssss yan? ha? hahah. kasi kung madami, e di, mahirap magmemorize ng snapshots nila. heheh.

      hahah. hindi naman yan part sa snapshot ko na parang naiihi ako kaya di ko alam. hahah

      gandang araw arkhut!🙂

    • katrinadanieles says:

      hahah. ang corny nga noh.. pasensya naman. hahah.
      pero infairness naman sa school, nagka-budget para sa banda. hahah

      minsan lang namn ako inlababo, pagbigyan mo na. heheh

      gandang araw salbe.🙂

  4. Ang snapshots ng buhay…yun din daw yung langit natin. Ang panahon na naging pinakamasaya tayo. Sana, lahat ganun no? Pipili ka ng pinakamasayang moment.

    Ma-inspire ka pa sana ng pag-ibig para matupad mo ang mga pangarap mo at responsibilidad sa buhay. Congrats nga pala Kat for winning the SBA award. Happy New year na rin kahit medyo late na.

    • katrinadanieles says:

      sana nga kuya,pwede nating piliin ang mangyayari satin para happy snapshots na lang lahat.🙂

      Inspired naman po palagi ako, pag-ibig at pamilya.🙂 Salamat Kuya Duking sa pag-congratulate. ^^ at Happy New rin sayo!🙂 super elated happy birthday na rin.🙂

  5. ei, nalimutan mo ‘ata ang snapshot nya sa sumunod na post? :]

    bale, lilipas din yang pagkabugnot mo. parang may naki-opinyon lang ‘ata do’n kaya nagulo. :s

    btw, ang snapshot ba e, parang imprint sa mind ng newly-born na hayop?

  6. makiki-smile nalang ako may isa akong tao naaalala sa kanta at snapshot na yan..waaaaaa!

    hahahaha, ako pagkatapos dati nung mga exam naghahanap ng magandang libro at pagkain, masarap na pagkain tapos maglalakad sa campus may kasama man o wala.

    natuwa ako sa post na to, nakita ko ang sarili ko..🙂

    • katrinadanieles says:

      jerick, mahilig kaa ba sa koreanovela? uuuuuuuuuuuuuy.🙂 asahan mo ang pagbisita ko sa blog mo, pagkatapos lang ng mga projects ko.^^

    • katrinadanieles says:

      hello shelby, i visited your blog and I realized that you’re an Indian blogger who blogs in english. You have a nice blog by the way.🙂 My blog is originally written in Filipino(our national language) and I think my blog automatically translates(google translate) in English(just in case, you’re wondering why most of my sentences don’t make sense at all). I don’t know how did that happen but, anyways, welcome to my blog and thank you for visiting.🙂

    • katrinadanieles says:

      hmmm, siguro kung marami ng snapshot memories, at kahit marami na ang tatalbog sa unang snapshhot,di mo pa rin malilimutan yung first snapshot.🙂 welcome sa pahina ko!🙂 salamat sa pagbisita. ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s