Gallery

Katwoman

Ayoko sanang magpost muna kasi, kasi sira-ulo ako.   Mahigit isang buwan din akong galit sa isang tao. Sa totoo lang, nakakapagod palang magalit at dahil tamad ako, ayoko ng magalit. Naniniwala din akong kahit galit ako, at kahit na may kasalanan ang iba sakin, wala  pa rin akong karapatang saktan sila sa kahit anong paraan. Kaya humihingi ako ng tawad. Naging iresponsable ako sa aking pananalita,naging ma-pride at wala sa lugar. Hindi talaga tungkol dito post ko kasi ayoko ng pag-usapan ‘to atsaka bati na kami ng kaibigan ko.

Busy-busyhan ako ngayon kasi sa sobrang sakit ni buwanang dalaw, nahihirapan akong matulog kaya naman, bigla kong  naayos ang carrel ko, na-fold ang mga damit sa cabinet ko, natahi ang sira kong wallet  at naisipang gumawa ng “keychain voodoo doll” na nireregalo ko sa mga kaibigan ko noon, pero hindi ko nagawa ang huli kasi wala na pala akong mga tela atsaka alas tres na ng umaga.(Seyoso,gumagawa talaga ako ng voodoo doll. :))

Pagkatapos alas sais palang ng umaga eh, may tumatawag na sa’kin kasi may shooting daw para sa PI 100(Life and works of Rizal) reporting namin. Nasa meeting place na daw sila. Akala ko joke-joke lang yung 6 am na meeting kasi sino ba naman ang mag-memeet ng ganun ka aga. Akala ko parang 6 am ang sinabi para 8 ang meeting, 6 am pala talaga. T.T

Pinapagawa din ako ng website na tinatanong ko pa kung paano gawin, at kahit 5 am na akong natapos mukha pa ring pang-grade 1 ang website na ginawa ko. Bukod dun ay humihingi ng second issue ang org ko para sa publications namin na wala naman talagang budget.Buti na lang love ko yung org ko. Bigla na lang akong pinapagawa ng T-shirt design  na January 31 na ang schedule,may reporting na bawal ang pagbabasa ng notes sa  STS class  sa February 3, may fieldtrip sa Roxas para bumili ng danggit na tuyo sa February 5, at may thesis defense sa February 14.

Gusto ko sanang magdrama tulad nung drama nung president namin sa isa ko pang org nung hindi nakarating ang ibang members sa isang meeting.

“Oo. Kayo lang ang may thesis. Kayo lang ang may papers. Kayo lang ang may reports.Kayo lang ang may exams. Kayo lang ang may orgs. Kasi ako wala. Hindi ako busy. Kayo lang. ”

Pero hindi ko naman kaya ang ganyang drama. hahah. Naisip ko lang, effort pa yang mag-memorize ng linya, kaya wag na lang. Hindi ako superhero at wala akong superpowers kaya please naman, maawa kayo. hahah. Kahit ako si Kat at babae ako, hindi pa rin ako kasing hot ni Anne Hathaway para maging si catwoman kaya hinay-hinay lang mga kabagang at mga professors sa pagbibigay ng assignments, kung pwede lang naman.^^

wala man akong superpowers, meron naman akong ring light candy. :D hahah

20 thoughts on “Katwoman

  1. Teka Kat, naging mabait naman ako sayo diba? Natatakot kase ako sa voodoo doll mo. Hahahaha.

    Teka lang ah, bat andami kong nababasa na biglang sumesegwey sa mens? Ano bang meron sa sangkaduguan? Anak ng regla!

  2. “Naniniwala din akong kahit galit ako, at kahit na may kasalanan ang iba sakin, wala pa rin akong karapatang saktan sila sa kahit anong paraan.” Pak na pak. Pero ang pagkakaiba natin hindi ako humihingi ng tawad lalo na kung alam kong wala akong ginawang mali. Pababayaan ko na lang na masama ang tingin sa akin. Nakakatamad mag-explain. Ayan pareho tayong tamad.

    Penge ng voodoo doll!!! Kailangan ko ng madami. Hahaha!

    Noong college, ang tawag namin sa PI 100 ay Putang Ina times 100. Yung prof ko, hindi naniniwala na dapat maging pambansang bayani si Rizal.

    Ang hassle ng pagkakaroon ng org ay sagabal sa acads. Pero nasusuklian yun ng saya ng mga activities, achievements at gimik kasama ang org. At kapag grumadweyt ka na Kat, mas mahahalin mo ang org. Sila ang makapagpapaalala sa iyo kung gaano ka kasaya noong college ka pa.

    Hello Kat! Namimiss na kita.

    • katrinadanieles says:

      naka-quote talaga ate salbe eh.🙂 hahah. pareho nga tayong tamad.XD

      hahah. kung magkita tayo ulit, gawan kita ng isang voodoo doll, pero hindi yung magagamit sa tao kasi parang small stuffed toy lang siya. hahah.🙂

      Nasabi rin yan sa libro ni Ambeth Ocampo, na ganayan daw tawag ng mga taga-UP sa PI. heheh.Yung prof ko,hindi rin naniniwala na maging bayani dapat si Rizal noon, pero nakausap niya raw ang apo nung nagsusulat ng libro tungkol kay Rizal at medyo nabago perspective niya. Interesante naman yung lessons kasi tungkol siya sa pagiging human ni Rizal, at pagtatama sa misconceptions sa kanya.

      Oo nga eh, mahal ko yung orgs ko kasi they make my life here in UP, memorable and fun. heheh

      nakow,namimiss ko din kayo. nagbabasa ako ng blog niyo, siyempre hindi ako nagkokoment sa blog mo.^^ natawa ako sa pix ni ryan at kuya MD.😄 ang cute naman nila, may ganyang pakontes pang nalalaman.😄

  3. shea says:

    pengeng voodoo doll… hehe

    aw.. buti na lang tapos na ako sa ganyan. pero gusto kong balikan dahil miss na miss ko na ulit mag aral.

    • katrinadanieles says:

      heheh. ^^ kung magkita na lang ulit tayo ate shea. ^^ pero hindi po talaga parang voodoo doll yung ginagawa ko. heheh. parang keychain na maliit na stuffed toy.akita ko ang picture next time. heheh.

      mamimiss ko din siguro ang pag-aaral next time.^^

  4. concon says:

    hindi tayo friends noon noh? kaya di mo natapos-tapos ang hinihingi kong elephant voodoo doll?…hehe

    From January 31 til Feb 5 nga daw pala natin dapat ipakita yung mga shirt designs…😛

    prepare for a HUGE wave of activities this February….. waaaahhhhh… thesis pressure!!!…..

    kakayanin natin ‘to… :))

    • katrinadanieles says:

      heheh, kung may tela na ako, gawan kita ng elephant voodoo doll.🙂 nakagawa naman ako ng voodoo doll for you ah. hahah,kaya lang di elephant. heheh
      Kaya natin ‘to.🙂

  5. ako miss ko na mag-aral ulit hahaha
    hayaan mo kat ipaparating ko ang mga hinahing niyo sa Unibersidad ng Pilipinas, promise hehehe
    kaya yan!
    naku ang mga profs talaga minsan nagsasabwatan pa sila sa mga deadlines, paper works, major exams lalo na kapag graduating.

    ingats kat and God bless!

    • katrinadanieles says:

      alam kong mamimiss ko din ang mag-aral.🙂 pero kasi hindi na ako nakaktulog at nakakakain ng tama.Huhuh.
      kamusta na kuya pong? ^^ namiss kita!!!
      para ngang nagsaasabwatan ang mga profs😄

      God bless kuya pong.🙂

  6. hola kat!

    yikes. how sweet naman ng relationship mo with your thesis (and panelists) at ka-date mo siya (sila) sa feb14.

    anyway, ang epal lang ni rizal dahil sumingit at nagpa-special treatment pa siya sa ‘tin sa mga huling taon natin sa kolehiyo. pero kahit ganun eh elibs pa rin talaga ‘ko sa kanya.

    yay. pebrero na next week. konti na lang, marso’t abril na. malapit ka ng magtapos! yehey!🙂

    • katrinadanieles says:

      hahah. ^^ honga, grabe makapili ng date ang thesis ko. hahah

      umeepal talaga si Rizal pero biliib pa rin ako sa kanya at sa iba pang bayani natin. ^^ yung maganda sa PI 100, ginagawa ulit na tao si Rizal, hindi kinukwento na parang diyos. hehehe

      Hopefully, makatapos. ^^ sana nga.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s