Gallery

The Prestige

Nirekomenda sakin ng isang third year Psych ang pelikulang “The Prestige” na ang direktor ay si Christopher Nolan at pinagbibidahan nina papa Christian Bale at papa  Hugh Jackman. At dahil alam kong matalino ang nagrekomenda, talagang pinanood ko ang pelikula at siyempre dahil na rin crush ko sina papa Christian at  Hugh(parang ice cream lang na 2 favorite flavors in 1). Bukod pa dun, matapos kong mapanood ang “Inception” at “Dark Knight” naging idolo ko na si Nolan kahit isnabin pa siya ng mga kung anu-anong awards night.

Ang “The Prestige” ay tungkol sa kompetisyon ng dalawang magician noong 19th century, na sina Robert Angier(papa Hugh) at  Alfred Borden(papa Bale) na nagbunga ng kung anu-anong kotrobersya at sakripisyo. Nagsimula ang kompetisyon ng magkamali si Alfred sa isang magic trick at naging dahilan ng pagkamatay ng asawa ni  Robert(spoiler alert).

null

Parang palagi akong nagugulat sa pelikula dahil una, tungkol sa magic ang pelikula kaya dapat magulat ako at andaming unpredictable na kaganapan sa pelikula(bagay na maaasahan mo sa Nolan Movies).  Dahil na rin sa mga nangyayari kay papa Hugh at Bale, at mga ginagawa nila para lang makapaghigante sa isa’t isa, parang nasasaktan ako(nag-aaway ang dalawang papa eh). Parang hindi ko alam kung kanino ako dapat kampi dahil ang galing nilang mag-act na kontrabida sa buhay ng isa’t isa.

Para maungusan ang isa, gumagawa ng paraan ang isa upang masabotahe ang  mga performance nila , at nag-iisip sila ng mga tricks at ilusyon na hindi pa nakikita ng mundo, hanggang sa naging obsesyon nila ito. Sa huli, kaninong, mahika ang magwawagi? At ano ang kabayaran para sa mahikang magpapahanga sa mundo?

Parang nakasentro ang pelikula sa nagagawa ng kasinugalingan,mga lihim at kung paanong ang galit ng tao ay parang isang cycle.  Kapag nagalit ang isa, kailangang makapaghigante ng isa, na magiging dahilan naman ng galit ng isa at paghihigante, hanggang sa hindi na sila makawala sa obsesyon na makitang masaktan at makapaghigante sa isa’t isa.  Hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng galit natin?

Higit sa lahat,ano ang kaya nating isakrispisyo para mapaniwala natin at mapabilib ang mga taong nanonood sa entablado ng ating buhay?

Ang echos ng rebyung ito.Huwag niyo ng pansinin,  ito ang ginagawa ng taong busy-busyhan.😄

null

12 thoughts on “The Prestige

  1. Nagrereviw ka na pala ng movies ngayon Kat. Na inspire ka sa Catwoman? Haha.

    Anyways, hindi ko pa napapanuod yan. Pero gusto ko si Scarlett Johansson. Lalo na pag nakakakita ako ng pictures nya sa Tumblr. Ang faaaaabulous lang kase.

    Kung Psych films ang hanap mo, panuorin mo ang Identity, although panget ang movie generally, masarap yung feeling na isa ka sa mga nakakaintindi ng mas maigi dahil Psych major mo.

    Maganda ren ang One Flew Over the Cuckoo’s Nest at Secret Window ni Papa Johnny Depp.🙂

    • katrinadanieles says:

      hahah.🙂 gumawa ako ng rebyu kasi kapag pala may napanood kang movie,gusto mong sabihan ang iba tungkol dun kaya lang busy mga tao dito kaya ni makinig sa kwento ng movie ay hindi na nagagawa. ahaha

      ay oo nga, ang ganda talaga ni Scarlett, ang seksi.🙂

      Sige, papanoorin ko yan.🙂 salamat sa pagrekomenda vaj.🙂

      hmmm, irerekomenda ko rin ang fightclub,si papa brad pitt ang bida. Psychfilm din siya at ang “The Experiment”,hindi siya psych film pero hango siya sa isang Psych experiment, yung kay Zimbardo na prison experiment na pinagmulan ng term na”Lucifer Effect”.🙂 kaya parang psych film na din. heheh

      gandang araw vaj.🙂

      • Isa sa all time favorite films ko ang Fight Club. At hindi lang yon dahil sa minamahal kong si Edward Norton. Hoho.

        David Fincher director non, director ng The Social Network.🙂

  2. napanood ko na rin ito dati pa,kat. maganda talaga saka ipinapakita dito yung matinding pagnanasa ng tao na higitan ang kanyang kapwa at mag higanti sa kahit anung paraan.
    at higit sa lahat, umiikot-ikot siya sa kwento ng magician at science sa larangang ito ng pagtatanghal.

    nice review!!!

    panoorin mo yung ‘my name is khan’. indian movie ito na tungkol sa kayang gawin ng pag-ibig kahit pa nga minsan, napaka-imposible lalo pa’t napaka-imposible talagang maisakatuparan nung bida pero nagawa niya. kanina ko lang napanood. sobrang napaka ganda.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s