Gallery

Imposible

Emoness na naman ang post na ‘to kaya nagdedebate pa ako sa sarili ko kung susundin ko ba ang batas ko na bawal ang emo post sa blog ko o magbigay na lang ako ng exception dahil ako naman nagmamay-ari ng blog na ‘to. Bahala na si Batman. Si batman na nga ang bahala sa assignments at exam ko,siya pa ang bahala sa pagbablog ko.

Magpapaliwanag lang ako kung bakit importante sa’kin ang salita at kung anong kaya nitong gawin sa’kin.

Baliw Lang

Bata pa lang ako, kinakausap ko na sarili ko, at take note,hindi ilonggo ginagamit ko kapag kinakausap ko ang sarili ko, nagtatagalog talaga ako para lang sa madrama kong monologue. Minsan may English pa akong nalalaman,pero tinigilan ko nang ma-realize kong sarili ko lang kinakausap ko,hindi pa kami magkaintindihan.

Lakwatsera

Kinatuwa ko ng makaalis ako ng Bacolod, dahil sa isang writing contest sa Iloilo, pagkatapos nakapaglibot din ako sa Cebu at nakatapon ng 25 cents sa Taoist temple, dahil na rin sa “feature writing contest” na yan na hindi ko naman talaga alam kung ano ang kaibahan sa ibang klase ng pagsusulat.

Kuripot si Kat

Nung elementary ako,palaging wala akong natitirang baon kahit na 2 peso lang naman ang presyo ng spaghetti at tsaka misua sa minindalan namin. Ibig sabihin,hindi ako makapag-impok para sa ipangreregalo sa mga birthdays tsaka Mother’s day,father’s day,friendship day,pet’s day at favorite power ranger’s day. Kung kaya’t ang palagi kong tagapagligtas ay isang ballpen at papel na pwedeng gawing card(na ang lettering sa cover ay pinapagawa ko pa sa pagbibigyan ko).Ang kuripot lang talaga.

Madaling mabola.

Lumaki naman akong kahit papano’y may nagkakamaling manligaw. Mas maarte sa panliligaw, mas napapansin ko. Pero sa lahat nung mga binigay sa’kin, pagkain, stuffed toys, sketches nang mukha kong hindi naman talaga maganda tignan sa sketch(mas maganda sa personal eh.wahaha)… ang naitatago ko ay ang mga personal cards tsaka love letters, sa papel man o dahon naisulat. At higit sa lahat,mas naaalala ko pa ang mga pambobola nila sa’kin kesa sa mukha nila. Kaya naman, hindi na ako nagtataka kung ang sinagot ko ay isang kinaiinisan kong classmate na mas mataas ang nakukuhang grades sa reflection papers kesa sa’kin. Maka-english lang, nakakalimutan ko ng 1 inch taller ako sa kanya.

conclusion na lang

Ito lang talaga ang gusto kong sabihin,pinahaba ko pa. Nasabihan na ako ng kung anu-anong masasakit na salita,kung anu-anong panlalait at kung anu-anong badwords, pero alam ko kung paano tanggapin ang mga salitang yun. Sino ba sila para paniwalaan ko? wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila dahil sa bandang huli, naniniwala pa rin akong lahat ng mga salitang sinasabi natin sa iba, ay salamin sa kung anong klaseng tao tayo. Ang paniniwalaan ko lang ay ang may katwiran sa pinagsasabi nila. Hindi ako makikinig sa putak ng putak,na sa bandang huli sarili na pala nila tinutukoy nila.

Pero iba pala kung ang nagsasalita na ay ang mga taong mahal mo at malapit sa’yo. Hindi kailangan ng badwords, hindi kailangan ng panlalait,hindi kailangan ng masasakit na salita..para masaktan ka ng salita ng taong mahal mo. Ang kailangan lang isang salitang magpapatunay na hindi ka nila nirerespeto.

Kung ano ang relate ng post na ito sa title ay mananatiling misteryo. Chorla lang(at kung ano ibig sabihin ng chorla, ay hindi ko alam, narinig ko lang yan).

19 thoughts on “Imposible

  1. Walang batas batas sa sarili mong blog. Ikaw ang hari, ikaw ang reyna, ikaw si Bathala, gusto mo pati si Batman isali mo pa. Ikaw ang may kapangyarihan kung anong isusulat mo dito, kung magpapalagay ka ng koment, ikaw bahala sa format, sabi sa iyo nagbabasa lang kami, sakaling hindi namin magustuhan edi huwag basahin hindi ba? Pero hindi mangyayari yun. Kissing ass na ito Kat. =)

    On a serious note, sabi mo nga, masakit makarinig ng salita na galing sa mahal mo. Sa nanay mo, sa kapatid mo, ganun. Pero mas masakit kung hindi nila sasabihin sa iyo at maririnig mo yung sinabi nila sa iba. Hindi ka ba nila kayang pagkatiwalaan na sabihin sa iyo ng harapan?

    O pwede naman na spur of the moment lang kaya nakapagsalita ng masakit. Oo, masakit, pero di ba nakakaranas din tayo na magsabi ng mga salitang sana hindi na lang natin sinabi. Dahil ang mga binitawang salita ay hindi na maari pang ibalik pa. Nakatatak na yan sa puso at isipan. Pero aminin natin na minsan nagagawa natin ito dahil sa biglang bugso ng emotion.

    Oo, masakit, pero ang masasabi ko ay charge it to experience na lang. Shit happens and this too shall pass.

    Hindi ko alam ang sinasabi ko Kat, pagpasensyahan mo na, I’m just bored. Damn bored.

    • katrinadanieles says:

      ate salbe.πŸ™‚ like na like ko to.πŸ™‚
      tama ka nga, mas masakit yung hindi nila sinabi sa’yo na may sama na pala sila ng loob o kaya ganito ganyan pala tingin nila sa’yo, pagkatapos andami na palang nakakalaam na iba.

      na-realize ko lang, tama ka sa sinabi mong may mga pagkakataon ding ako yung nagsabi ng kung anu pagkatapos di ko naman sinasadya.

      maraming salamat ate salbe, alam mo ba, nung nabasa ko tong comment mo, naisip kong baka nagkamali nga ako sa pag-intindi sa sinabi ng taong yun kaya tinanong ko siya kung ano ba ibig sabihin nya nun. Mali nga ako.
      magandang araw sa’yo ate salbe. ^^

  2. naniniwala pa rin akong lahat ng mga salitang sinasabi natin sa iba, ay salamin sa kung anong klaseng tao tayo

    ang cute cute cute cute mo

    hehehe
    chorla lang..di ko rin alam ibig sbihin nyan

  3. Kawawang kawawa nga si Batman kase kahit sa paghahanap ng lalake sya ang sinasabe kong bahala na saken. Bwahahahaha.

    Baka hindi lang maganda mag sketch yung nagbigay sayo non. Pero sa tingin ko, yun yung pinaka nakakakilig kase yun yung kelangan ng effort. Tapos non derecho sex na. Joke lang. Hahahaha.

    Para sa mas seryosong shit, sa tingin ko masyadong diverse ang isip ng tao. May mga tao na naniniwala na pagpuna ang makakapagsimula ng pagbabago. May mga tao naman na naniniwala na simulan sa sarili bago mamuna ng iba. Pero sa tingin ko, kahit sino, kahit anak ni batman na bahala sa lahat, walang karapatan na magsabi kung sino ang mas tama at mas mali. Dahil punuin man tayo ng self righteous shit na sinasabi ng iba, may malaking contribution paren ang mga taong fucked up sa loob, pero maraming insight sa kung ano ang dapat baguhin sa ibang tao.

  4. para sa akin, once na declared na personal blog ito, ok kahit anong personal. hehehe! ang di ko lang pinapayagan sa blog ko lalo na sa Hoshilandia Sr. ay banggitin ang real name ko, teribleng sex at murahin ako. lalo nang naging complicated nung nag-start na yung Hoshilandia.com ko kasi siempre may mga topic na puwede lang sa isa.

    anyway, hindi mo mapi-please ang kahit sino kahit gaano ka kabait, katalino at kaganda. may mga tao na expression na lang ang mambara, manira at magmaldita. kung tatanggapin na ganun na talaga sila, better. “huwag mong i-expect na yung expectation mo at lahat ng trip mo ay masusundan ng iba.” yan yung payo ng kuya ko nung reklamo ako ng reklamo ng freshman pa ako sa college. till now, tinatandaan ko yan.

    isipin mo, kung ‘di mo sila lalagpasan paano pa ‘yong mas worst. hindi ka matutumba sa salita lamang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s