Gallery

Magkano ka?

Pebrero na naman. Panahon na naman para kumita ang flower shops,greeting card companies,chocolate factories at higit sa lahat,kaming mga may organizations dito sa school. Panahon ito na patokΒ  ang fund raising activities , kaya ang bulletin boards namin, nagmumukhang mosaic. Kung sakaling makakapagreklamo ang mga papel, una nilang irereklamo ang “overpopulation”.

Tradisyon na samin dito na may bentahan ng mga lalaki, este may mga auctions ng mga tao tuwing February. bilang fund-raising activity ng house councils ng dormitories o iba pang org.

Ang dalawang freshmen dorms, ang Balay Lampirong tsaka Balay Kanlaon, ang may ganyang tradisyon. Ang kaibahan lang, ang Balay Lampirong, merong auction ng lahat ng male dormers nila at hindi kasama ang female dormers. Tinatawag nila itong “The Bachelor’s Night”.

ito yung poster last year ng "Bacher's night" kasi hindi ko makita sa net ang poster nila ngayon.πŸ™‚

Habang ang Kanlaon nama’y pumipili ng mga dormers na sa palagay nila ay sikat,heartthrob,o sadyang may “x factor”(o baka gumagawa lang ako ng criteria dito) sa campus, babae man o lalaki.Β  Tawag nila dito, “Auction Night”.

Poster para sa “Auction Night”. Kuha at concept ni Earl Francis Valdehuesa. Ang bongga!πŸ™‚

Kapag nakabili ka, entitled ka na alilain ang binili mo, sa loob ng 24 oras pero pwede ring hatiin, halimbawa,isang oras sa isang araw para 24 days mo siyang slave(suggestion lang naman). May mga “rules and regulation” o “terms and conditions” naman para ma-protektahan ang rights ng auctionee. Pwedeng magreklamo ang auctionee sakaling umaabuso ang “owner” niya.

Katatapos lang ng Bidder’s Night ng Kanlaon nung February 9. Hindi na naman ako nakapunta kaya medyo nakakapanghinayang.heheh. Pero sa bilis ng balita, nalaman ko kung magkano ang male main auctionee, mahigit P9000 lang naman. Hulaan niyo kung magkano ang female main auctionee. Tumataginting na P10,400. Nakakaloka.

Next week pa ang “The Bachelor’s Night” pero siguro pupunta ako para bumili ng lalaki, este para suportahan angΒ  highschool classmate ko na nag-transfer dito sa UPV. :)(Triviang ewan, hindi pa ako nakapag-bid dahil sa kadahilanang kuripot ako at kaya ko namang gumawa ng sariling assignment, magtimpla ng sarili kong juice o i-date ang sarili ko.heheh)

Wala lang,gusto ko lang i-share ang ilang activities dito sa school.πŸ™‚ Sinimulan din ang speed dating slash auction night slash party ang “Green House Effect” ng isang academic org dito(Clovers). Sayang at di ako nakapunta, isa pa naman sa auctionee ang crush ko. Ang landi.πŸ˜„

poster para sa "Green House Effect".gawa ni Nicolo Doplayna at Venice Hulleza.πŸ™‚

Taga-Lampirong ako nung first year kaya hindi ako na-auction, at kung na-auction ako, I’m sure mahal ako, siguro mga P10,000 plus pancit canton. wahahah. Ang kapal lang.πŸ˜„ Sa araw na ‘to yan ang kwento ni Kat.πŸ™‚

35 thoughts on “Magkano ka?

  1. hahahaha
    hanep talagang mag-isip ang mga taga-UP
    pwede si jerick sa auction na yan
    siya na ang heartthrob
    minsan i-blogger auction natin siya kat, gawa ka ng poster hahaha
    peace boss jerick

    natatandaan ko lang nung college ako pag ganyang season na ay mga parties lang at bentahan ng mga bulaklak na sobrang mahal tapos free delivery
    at mag usual na booths lang
    sarap maging mag-aaral ulit
    minsan ipa-auction niyo din ako kat
    i volunteer myself
    hahaha

    • katrinadanieles says:

      kuya, I’m sure more than willing yang si jerick,eh, aminadong heartthrob yun eh,pag-aagawan pa yun.πŸ˜„ peace jerick. ^^

      andami-daming events dito ngayon and sure ako na mas dadami pa sa Valentine’s day.πŸ™‚

      hahah.πŸ™‚ kuya, sure ka?πŸ™‚ kasi ako, ayaw kong i-auction, baka kasi ipagawa nila saken assignments nila sa math at dumugo ilong ko. hahah. Kung ikaw i-auction, I’m sure pag-aagawan ka ng chem students para ma-uno nila assignments nila.πŸ™‚ hahah.

  2. Nakakairita na kung college ako eh walang bentahan ng lalaking naganap. Mapa Valentine’s Day, Christmas, kahit Undas. Wala. Nada. Marami pa naman akong gustong ipaligpit este ipabalot with ribbons.

    Teka, hindi ko maaninag yung mga lalake sa Survivor nyo! Haha. Gusto ko manilip. Joke. :p

    Ano ano ang mga nasa Terms and Conditions nyo? Pwede bang paglinisin ng bahay yang mga yan? Gamit dila? Hoho.

    Pinapaalala ko lang Kat, may boyfriend ka na. Wag ka na magnasa bumili ng mga lalake. Except nalang kung may balak kang iregalo sila saken. Hihi.

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ˜„ dito kasi,kung anu-ano na lang maisipan ng mga taong gawing fund-raising activity, mga walang magawa. hahah.

      Ganyan talaga dapat,hindi masyado nakkikita o kaya walang mukha,puro abs lang. hahah

      pwedeng palinisin ng bahay, pero hindi na ata pwede ang dila. hahah.πŸ˜„ may isang nag-bid ng 800 eh, para lang may maglinis ng room niya at ng iba pa niyang kaibigan. heheh

      yung classmate ko kasi nung highschool, nag-aalalang walang mag-bid sa kanya sure naman akong hindi mangyayari) kaya nag-promise kaming bibilhin namin(mga classmates kong babae) siya sa halagang 250 pesos. hahah. budgeted.πŸ˜„
      kaya baka bibili nga ako ng lalaki. hahah. balitaan kita vaj,sakaling bumili nga ako.πŸ™‚ hihih

  3. wow ! bakit walan ganito sa school ko nung high school at college. kaso baka mangapit bahay ako ng pagbili ng lalaki kasi ayoko magkalat sa mismong college ko. wahahaha!

    in fairness kat, ang mahal din ng lalaki o babae sa inyo, in 24 hours tumataginting na talaga ang presyo. hehehe

    salamat ng marami sa iyong pix/message! mabuhey-hey! like it!

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ˜„ dito ka bumili sa’min hoshi para magkapaera naman kami.hihih

      naloka nga ako sa mga presyo nila eh. ang mahal nga naman.πŸ™‚

      welcome na welcome hoshi. sori naman, hanggang ngayon, pang-grade 1 pa rin ang pinaggagawa kong pix message.^^

  4. natawa ako nung sinabi mong kaya mong i-date sarili mo hahaπŸ˜€

    pakibili nga ako ng lalaki, kat… hehehe tapos pwede rin bang ipapackage mo papunta dito sa dubai?πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      hahah.πŸ™‚ ang kuripot ko lang eh. hahah

      ano bang gusto mong bilhin katy? heheh. sa ganda mong yan,di mo na kailangang bumili,sila na ang mag-presentang alilain mo.πŸ˜„ Hahah .ipapackage ko lang kung mabili ko na ang lalaki para sa’yo. hahah

      gandang araw katy.πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      kuya bino. ^^ salamat sa pagbisita dito sa pahina ko.πŸ™‚

      bili na,bili na, bili na ng lalaki!πŸ˜„
      hahah. ako din nagulat nung first year ako dito. heheh

    • katrinadanieles says:

      sila lang ang rich singkamas, kasi bracket E ako. heheh.

      every 3 years, nagbabago daw ang generation eh,palagay ko, mayayaman yung mga first year dito ngayon. heheh.
      gandang araw sa’yo!πŸ™‚

    • katrinadanieles says:

      earl, salamat sa pagbisita sa site ko.πŸ™‚ pasensya naman, akala ko BIDDER’S night tawag dun. heheh. salamat sa pag-correct.hihih. i-change ko lang. heheh

  5. hahaha. bentang benta sakin yung part na bibili ka ng lalaki. hanggang ngayon eh natatwa pa din ako. poknat. hahaha.
    i cant imagine! pak.

    pede bang maki-bakas para sa mabibili mong lalake?πŸ˜„

  6. Hay. College. Namimiss ko na! May ganyan ding shit sa school namin. Meron sa aming “Binggo and Dinner Together”. Ang mapapanalunan mo sa binggo, pwede mong gawing dinner. Ahihihi. Kinikeleg me much.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s