Gallery

Makulay. Magulo. Marumi.

Sa biyernes na ang eleksyon dito sa’min kung kaya’t walang humpay(naks,may walang humpay pa akong nalalaman) ang campaigns ngayon. Ang masasabi ko lang, ang eleksyon dito ng College of Arts and Sciences ay parang mini-Philippines election lang. Makulay. Magulo. Marumi.

Parte ako ng isang partido kaya baka maging bias ang blog na ‘to. At dahil na rin sa nakapagsabi ako ng bias, magsusulat na lang ako tungkol sa opisyal na publikasyon ng College of Arts and Sciences.

Nagbabayad ng Php. 40 ang mga estudyante para sa publication namin,gusto man namin o hindi ang pagbabasa ng paper o kung makatanggap man kami o hindi.

Ok lang naman yun, kasi bilang isang manunulat(hayaan niyong tawagin ko ang sarili ko nito kahit ngayon lang.ehoserang palaka lang ^^) sinusuportahan ko ang malayang pagpapahayag ng opinyon at intelektwal na diskurso tungkol sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa’min, bilang mag-aaral. At kung wala kayong opisyal na publikasyon sa paaralan niyo’y, aba, i-reklamo niyo yan.

Kaya lang, paano kong masasabi na ganyan ang pinupuntahan ng Php40 ko at ng iba pang estudyante kung ang publikasyon namin ay nagmumukhang publication ng isang organisasyon dito, at ang matindi pa niyan, parang isang publication ng isang partidong wala lang sariling funds kung kaya’t ginagamit ang opisyal na publikasyon ng mga estudyante.

Hindi naman masyadong obvious kung bakit ngayon pinamigay ang “CAS” publication na yan. Hindi naman masyadong obvious na andaming papuri para sa isang partido habang naninira ng mga kandidato ng isang partido.At higit sa lahat,hindi naman masyadong obvious na ang EIC ng paper na yan, ay suportado ang isang partido, dahil member siya ng isang party alliance nila.

Akala ko ba’y ipinaglalaban nila ang karapatan ng mga estudyante? Akala ko ba sila yung nagsasabing ang kaban na para sa estudyante ay dapat mapunta sa serbisyo para sa mga estudyante? Pero bakit ganun? Bakit ginagamit ang pera ng mga estudyante upang pagsilbihan ang politikal na interes ng iilan lamang?

Ano ang kaibahan ng isang journalists sa ibang manunulat?

Ang ibang manunulat, fiction man o non-fiction ang ginagawa nila, ay malayang maging malikhain depende sa kung ano ang aabutin ng kanilang imahinasyon. Pwede nilang sabihin ang ulan ay ihi ng mga anghel, ang mga baby ay nagagawa kapag humalik sa pisngi ang isang lalaki sa babae, at ang pinakamagandang babae sa mundo ay si Katrina Danieles.

Ang journalist naman, merong responsibilidad na magbigay serbisyo sa katotohanan. Ibig sabihin pinapaalam niya sa mga tao ang totoo at hindi nililinlang gamit ang pagtatago ng ibang detalye, pagbibigay ng mga opinyon na walang basehan o kaya nama’y pagkalat ng mga tsismis, at higit sa lahat paninira para sa pansariling interes lamang.

Dahil sa kaibahang ito, humahanga ako sa ibang manunulat dahil sa talentong meron sila at sa imahinasyong umiiral sa isip nila. Nirerespeto ko naman ang mga journalist dahil sa tapang nila at pagpapahalaga nila sa katotohanan. Sa EIC namin, sana alam niya kung kailan siya nagiging isang manunulat o isang journalist.

Hindi batayan ang spilleng, pa-deep na vocabulary tsaka grammatic para sabihing magaling na manunulat ang isang tao. At hindi rin batayan ang posisyon upang masabing mapagkakatiwalaan ang isang journalist. At hindi kailangan maging isang manunulat ang isang tao upang malaman kung paniniwawalaan ba niya ang binabasa niya o hindi.

Assignment:

1.Bilugan ng pulang permanent marker ang lahat ng maling spelling at grammar ko.

2. kumuha ng 1/8 crosswise at isulat ang kaibahan ng journalists sa ibang manunulat. At least 1,500 words tsaka gumamit ng morse code.

3. Sabihin ito ng tatlong beses, “ang bias-bias ni Kat pero di naman ako nagbayad ng PHp 40 dito, pakialam ko sa blog niya.”*wink.

null

11 thoughts on “Makulay. Magulo. Marumi.

  1. Ang journalist naman, merong responsibilidad na magbigay serbisyo sa katotohanan. – sad to say merong mga bayarang journalists. pero marami pa rin ang may pagpapahalaga sa kanilang sinumpaang tungkulinπŸ™‚

  2. Hindi naman masyadong obvious na bias nga ang post na ito, buti na lang nasabihan agad kami sa sekand paragraph hehe.

    Walangya, bias talaga ang manunulat. Ikaw na ang pinakamaganda, ako naman ang pinakamaalindog. Hahaha! Natuwa ako sa part na yan!

  3. hello, kat.

    ayos lang na maging bias, election nga, eh. siyempre, dapat meron kang kakampihan, di ba?πŸ˜€

    ang medyo di ko ma-gets ay yong malawak ang imahinasyong journalist na magsusulat tungkol sa pinakamagandang nilalang who happens to be ahem – hindi kaya height ng journalistic license ‘yon? he, he,he…πŸ˜€

    nagde-devil’s advocate lang ako, ‘neng, ha? allowed naman ata ang gano’n pag campaign period, he, he… :]

    btw, sana manalo ang partido nyo. πŸ˜€

  4. katatapos lang ng eleksyon samin last week kaya damang dama kita. marumi pa sa imburnal ang eleksyon sa school namin. so di ka nag-iisa.πŸ™‚

    about the publication, okay na rin siguro na bias sila. kesa naman yung nagpapanggap na neutral pero nakabaling naman sa isang banda. at least sila, may stand. hindi katulad ng ibang publication. at hindi ko sinasabing school publication namin ang tinutukoy ko.πŸ˜€

  5. Ganon na ba ko katagal nawala sa blogosphere at di ko namalayan na nagpalit ka ng theme? Haha. Aylab the lukot na papel look. :p

    Mahina ako sa pag check ng grammar sa Filipino. Kase pang kanto ang Filipino ko. Pag taglish yan pakonsulta naten kay Kris Aquino, ang patron ng mga conyo. Haha.

    Naalala ko lang, yung college journal namen ang ganda ganda ng papel na ginagamit, nakatambak sa corridor para may dumampot kunsinoman gusto, pero walang kumukuha. Walang may pakelam masyado. Kahit ako walang pake. Feeling ko binayaran namen yon sa Misc Fees pero aanhin ko naman yun. Masakit kaya gawing tissue ang glossy na papel.

  6. ang maganda e nagkaroon ka ng opportunity to express yourself not just in your blog. i think ginusto ko rin dati magsulat sa aming journal kaso hindi nabigyan ng chance or hindi ko lang talaga naipakita dati. oh well.

  7. nagsasa-writer lang ako nung elem kami ang pioneer sa school paper. nung HS at College ako sa iba na nabaling. ganyan din sa kolehiyo namin Kat naglalabas lang ng issues ng mag journal, publications ang bawat orgs o maging ng bawat institute kapag nagpapaogi points lang. huhuhuhu
    oh well, sabi ko nga kaparte ng demokrasya ang pulitika, pero wag lang pulitikahin ang demokrasya.

    ikaw na ang teacher at may assignment pa!
    namimiss na kita kat!

  8. at ang pinakamagandang babae sa mundo ay si Katrina Danieles.

    BIAS nga! haha. Nakapost ba ‘to sa facebook mo? Ipabasa mo din sa mga schoolmate mo para mamulat ang mga mata nila sa mga kabulukan na umiiral sa paaralan nyo! Ibagsak ang gobyerno! Ibalik sa pwesto si Goyo!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s