Gallery

Pre-Graduation Post

Nakakakaba pala kung ga-gradweyt ka na. Wala naman nagsabi sakin o nag-warn lang man na ganito pala ang feeling. Natataranta ako kasi iniisip ko kung dapat bang maghanap na ako ng trabaho, o kaya naman, wait na lang after graduation para may momentum. hihih

Heto yung nakakaloka kung gagradweyt ka na. Ang mahal-mahal palang grumadweyt! O.o Bale, nagpapicture kami para sana sa yearbook kaya lang konti lang ang talagang nagpapicture kaya medyo mahal yung binayaran namin(at baka di na matuloy ang yearbook), so 300 yun(inutang ko muna sa roommate ang binayad ko).Pagkatapos, meron pa palang grad fee na, tsaka di pala kami gagamit ng toga para sa graduation kundi ang pricelss na sablay na worth secret para di mawala ang pagiging priceless ng Sablay(ang korni!). Super explanation.πŸ˜„

According sa nag-orient sa’min ang sablay(sash?) ay hango sa iba’t-ibang kultura sa Pilipinas. Ang mga nakasulat ay alibata na ang ibig sabihin lang naman pala ay UP, akala ko kung ano kasi ang nakasulat dun.^^

Sumasakit na ulo ng nanay ko kasi bukod dun, pinoproblema pa niya ang pamasahe namin papuntang Iloilo at bayad sa kung saan kami matutulog dun. Wala pa akong damit at sapatos. Bakit kaya di na lang kami maghubad eh, nakahubad naman si Oble? Joke lang dear alma mater. ^^

Kasi sabi nila, ang sablay daw ay bagay lang sa mga white, cream, dirty white , tsaka auburn(joke lang). Naintindihan ko naman point nila kasi nga makulay ang sablay, kaya hayun, super hanap ako ng damit sa kung anu-anong ukay2. Andami namang white na dress kaya lang, ang isa sa requirement, dapat daw may sleeve(ang hirap palang hanapin O.o).

Hiniraman din ako ng nanay ko, kaya lang venus cut yung nahiram niya kaya wala talaga akong damit hanggang ngayon kasi wala din naman akong perang pambili. Atsaka kasama kasi ako sa Papuri(recognition day) na kailangan na naman ng ibang damit(Maisingit lang, sa awa ng Diyos ay CS ako this sem ^^).

Naisip ko tuloy, heto siguro pambawi ng UP, kasi pinayagan nila kaming hindi mag-uniporme nung 4 years, kaya magdurusa kaming maghanap ng damit para sa recognition, baccalaureate, at graduation. O.o

Teka, lumalayo na ako sa gusto ko sanang sabihin. Andaming paikot-ikot! Kahapon, naisip ko namang tulungan ang nanay ko sa gastusin kasi mabait talaga akong bata. Wahahah! Pero wala na akong oras at lulunukin ko na lang pride ko. Voila! Naisip kong mag-solicit ng pera at nag-forward muna sa maraming tao kung paano ba gumawa ng solicitation letter. Meron namang nag-reply kung paano.. pero may natanggap akong text na sobrang kinabigla ko..(oi, pa-suspense effect. hihih)

Sabi nung nagtext, i-google ko daw kung paano gumawa ng solicitation letter, at gusto niya daw tumulong saken. Mangiyak-ngiyak ako nung nabasa ko yun. Pero naunahan ako ng tuwa kaya di na ako umiyak. heheh. Basta, sa madaling salita, tinulungan ako ng taong ito na secret na lang ang name, at sa ngayon, sobra-sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Sa halagang itinulong niya saken, sapat na sapat na talaga para makatulong sa gastusin ng nanay ko. Kaya, sa taong yun, maraming-maraming salamat sa’yo. =) Sana, i-bless ka pa ni Lord. =) Salamat rin sa lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko.Β  At ito ang kwentong pre-graduation ni Kat. ^^ Ang arte!

ayan oh! ^^ para may ebidensyang gagradweyt ako. ^^

ayan oh! ^^ para may ebidensyang gagradweyt ako. ^^

13 thoughts on “Pre-Graduation Post

  1. Yaaayy!! COngratulations, Kat!! Wala man lang ta nagkitaay guid kag estorya di sa Cawayan antis ka nag-graduate bah. hehe.. Ge lang ah.

    Teh next chapter naman ni. Ngita work.. REAL WORLD na guid ni Kat. hehe.. Pero maayo man na kay damu praktis. UP ka eh. Damu man ginpang-agyan nga kabudlay sa UP noh?

    Anyway, God bless.. kag good luck!πŸ™‚

    • nakakatuwa namang makabasa ng mga ganyang posts!! (natawa ako dahil 60 percent pinuroblema mo yung susuotin mong sash..πŸ˜€ ehehehe.. anyway…

      see you round! gusto kong akita yung graduation rites pics!!:-D

      maraming sablay dun malamang… hihihi…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s