Gallery

Pasasalamat =)

Tuwing bisperas ng birthday ko, hinihintay ko talaga mag-alas dose para batiin  sarili ko. Hindi ko yung nagawa ngayon dahil napagod ako sa kahahanap ng trabaho at nakatulog ako agad. Pagkagising ko nung June 15, unang nasambit ko “21 na ako”. XD  Kung naalala niyo pa, humingi ako ng pabor at heto ang mga taong pinagbigyan ang kahilingan ko. ^^,

Mula kay Kuya pong! :)  Nagkakilala kami sa blogosperyo pero pakiramdam ko ang close-close na namin. hihih. Kung meron sana akong kuya,gusto ko katulad ni kuya Pong, yung may takot sa Diyos at kaya kang payuhan tungkol sa mga bagay-bagay na wala kang ka-alam-alam. Sana magkita kami balang araw. ^^,

Mula sa kaibigan kong napakahalaga sa buhay ko. =) Kahit ganito ako, may mga tao namang natatanggap ako sa kung ano ako, at isa siya dun. Siya yung kaibigan kong panghihinayangan ko talagang mawala. Maswerte ang taong mapapangasawa niya. Wahahah. Wag niyo nang pansinin ang stressed kong mukha. hahah

Mula kay kuya Bino. Siya lang naman ang may-ari ng damuhan dot com. Oha! sikat! Nakita ko siya sa  Saranggola Blog Awards at mula nun ay tagasubaybay na ako ng kanyang pahina. =)

Mula kay nang leah.🙂 Magkakilala na kami ni ate Leah kasi nasa isang lugar lang naman kami nung college ako. Medyo tahimik sa personal pero palakwento sa blog niya. ^^, Tagasubaybay ako ng blog niya kasi may tungkol sa lablayp niya. heheh.   Mayaman tong si ate leah pero humble. hihih. Nang leah, *Huuuuuuuuuuug! May pic greet na, may testi pa!

Si Kat ang pinakaunang Pinoy blogger na nakilala ko. Unang naka EB. Eh pano bang hindi? Iisang lugar lang kami eh. Hehe.
Nakita’t natagpuan ko ang blog ni Kat nang dahil kay Myka (isang blogger din). Dun ko nakita ang blog link ni Kat. Namangha lang ako kasi ang husay nyang magtagalog kaya simula nun, lagi nakong nagbibista sa kanyang blog. Pag meron siyang update, binabasa ko agad.. “Silent reader” ako noon ng blog ni Kat kasi nahihiya pa akong mag-iwan ng komento. And then came N_r_a_im.. Siya ang naging bridge. Yaay! Hehe..
Kat. Hindi talaga kita na-hug bago ka tuluyang umalis ng Miami.. Para mai-congratulate ka sa iyong graduation and this time naman, sa birthday mo. Pero salamat na rin, at nang dahil sa mundo ng internet, pwede kitang bigyan ng isang cyberhug. *Hug* *HUG* HUG!*
Maligayang kaarawan, Katrina. ♥
Ito naman ay mula kay Jec Mendiola ng Secret Garden. =) Talentado kaya naaaliw ako sa mga pino-post niya.🙂 Magaling kumuha at mag-edit ng mga litrato at tsaka magaling din mag-draw. Siya yung gumawa ng avatar ko kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Sobrang saya ko nang nagkita kami ng personal. heheh
At heto ay ang humabol sa pagbati na si Kikilabotz.🙂 Nakilala ko siya sa Saranggola Blog Awards pero silent reader na ako ng blog niya before pa nung event.  Kung kayo ay “inosente”, marahil ay nakarating na kayo sa blog niya. Ang gusto ko sa blog niya ay ang element ng imagination. hahah. Basta,imaginative ang taong tao. =)

At ito ay mula kay Ginoong Barcelona.  Isang malaking karangalan na pina-unlakan niya ang hiling ko. Napadpad ako sa blog niya dahil KM2 ni Ginoong Kulisap, at sa totoo lang, yung entry niya ay isa sa mga entries na tumatatak sa isip ko kaya talagang nakaka-flatter to. =)

Isang Tula

Posted on June 15, 2011

Hindi man tayo magkakilala
Hayaan mong haplusin ka
Ng aking nanlalamig na mga salita
At yapusin ka ng nangingiki kong tula.

Kung sakaling kayang mapagbaga,
Ang iyong puso ng aking nanlalamig na tula—
Gaya ng apoy na darang sa kahoy na basa
Aaminin ko, ang puso’y labis na matutuwa.

Sa araw na ito, hayaan mong bigkisin
Tayong dalawa ng tulang kulang sa aliw-iw
At ang lubid ng salita’y maging saliw
Sa paggunita sa iyong unang uha, unang paggiliw.

Ngunit sakali mang hindi payagang
Ang mga salita’y mahaplos man lamang
Ang bahagi ng iyong puso, iyong kalooban—
Anag-ag itong hahayaan na lamang
Na pumailanlang sa malawak na kawalan.

 


Maraming-maraming salamat sa lahat ng bumati saken! ^^, sa mga friends na nag-greet sa fb, sa mga kapwa blogger (lalo na ang gumawa pa ng pic greets), sa mga nakasama kong mag-celebrate dito sa Cebu(Joe Leo, Cesar Ian, Nursalim  Myka), sa nanay kong maganda , at kay Lord siyempre! =)

21 thoughts on “Pasasalamat =)

  1. Happy birthday ulit Kat! Sorry din, absent din ako sa special greetings… masakitin kasi ako eh… ang sakit: procrastination. Ayan tuloy..😦 di bale, babawi na lang ako next year. hehehe… pero may handaan din naman last night dito sa bahay… bday din ni kuya eh. hehehe. pareho pala kayo.

    • katrinadanieles says:

      oi, pareho pala kami ng kuya mo.🙂 Kambal kambal yung talento at kagandahan(at kapogian) nung mga pinanganak ng JUne, alam mo ba? heheh Happy bithday sa kanya!🙂 salamat nang heart sa pagbisita dito.:)

    • katrinadanieles says:

      heheh.🙂 totoo naman yun jec.🙂 salamat talaga! pasensya na di na ko nakapagbloghop.😦 kung may work nako, balik bloghop uli ako! ayt!

  2. Kat, blessed birthday sa iyo! Kinantahan kita sa FB sana nabasa mo. xD
    Kasi pang FB lang boses ko hahaha.

    Dalangin ko na makahanap ka na ng work mo. At pangako, pag may pagkakataon at yung pinag-usapan natin, dadalaw ako diyan.

    Stay blessed!

    • katrinadanieles says:

      kuya pong!🙂 nabasa ko. ^^, maraming salamat sa pic greet tsaka sa kanta. hihih.

      Oo kuya, yung pinag-usapan naten. hihih. dalhin mo si.. heheh

      God bless kuya pong!🙂

  3. Maligayang bati sa iyong kaarawan! Nawa’y pagpalain ka ng Dakilang Lumikha sa lahat ng iyong mga gawain at magpatuloy ang Kanyang mga biyaya sa iyo at sa iyong pamilya!! 😄

    • katrinadanieles says:

      kuya tarbs, maraming salamat sa pagbati. ^^ Nawa’y pagpalain ka rin ng Diyos kuya.🙂

      P.S. nabasa ko entry mo para sa KM2, nahiya tuloy ako sa entry ko.😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s