Gallery

Para kay Papa

Naalala mo ba nung sinama mo ako sa pinagtatrabahuan mo? Mga apat o limang taong gulang ata ako nun. Sabi ko sa’yo manonood lang ako ng TV sa isang bahay dun, at nung matapos ang palabas, at pagkalabas ko sa bahay, wala ka na dun, wala na rin ang ibang nagtitinda. Pero hindi ako natakot.Hindi ako umiyak. Dahil alam kong babalikan mo ako.

Nagtanong ako sa nagbebenta ng siopao kung nasaan ka, sabi niya baka balikan mo lang daw ako at binigyan niya ako ng libreng siopao dahil baka natakot siyang umiyak ako. Pero hindi ako natakot. Hindi ako umiyak. Dahil alam kong babalikan mo ako.

Tapos nagtanong ako sa isang driver ng pedicab kung saan ka, sabi niya baka balikan mo lang daw ako. Kaya ang ginawa ko, sinabi kong ihatid niya ako sa Pala-Pala dahil baka nandun ka. Hinatid niya naman ako dahil baka natatakot siyang umiyak ako. Pero hindi ako natakot.Β  Hindi ako umiyak.Β  Dahil alam kong babalikan mo ako.

Nang nasa Pala-Pala na ako. Tinanong ko ang nagtitinda ng isda kung nasaan ka, ang sabi niya baka balikan mo lang ako. Kaya ang ginawa ko, umupo ako sa isang mesa dun, binuksan ang plastic na naglalaman ng siopao, tinuklap ang papel sa likod nito, at kinain ang siopao. Naghihintay lang ako.

Maya-maya, nakita kita na tumatakbo at mukhang hapong-hapo.Tapos pinuntahan mo ako. Binalikan mo nga ako at tinanong kung kamusta naman ako, kung natakot ba ako o umiyak ako.

“Hindi ako natakot. Hindi ako umiyak. Dahil alam kong babalikan mo ako.”

Dalawang Sintas

Para sa Unang Lalaking Minahal Ko

8 thoughts on “Para kay Papa

  1. ganda naman nito… talagan kabalik-balik ang courage sa murang edad.

    at buti naman okay sila tindera ng siopao, pedicab driver at tidnera ng isda. hindi ka tinakot kundi pinapalakas din ang iyong loob.

    belated happy father’s day sa Papa mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s