Gallery

Unemployment

Update lang ‘to tungkol sa sarili ko.Parang uber random post na ewan.

Tell me about yourself.

Ako si Kat. Taga-Negros ako,nag-aral sa UP Visayas nung college, at ngayon naman ay nasa Cebu para maghanap ng trabaho. Hindi ako magaling sa math(pero hindi rin ako bobo at gumagamit naman ng calculator sa trabaho diba?),hindi rin ako sanay magsalita ng english(kasi naaasiwa ako pero marunong akong sumulat).Β  Naniniwala akong kaya namang matutunan ang mga bagay-bagay kaya sa palagay ko,hindi dapat disadvantage ang pagiging fresh graduate ko.

What can you offer to this company?

Sa totoo lang,pwede kong sabihin na kaya kong bigyan kayo ng hindi lang effective pero efficient pa na job performance pero sigurado akong sasabihin din yan ng iba. Ang alam ko lang,ginagawa ko ang best ko sa lahat ng bagay,pero hanggang salita lang yan hangga’t di niyo ako magiging empleyado.

Strengths and weaknesses.

Palagay ko strength ko ang pagiging creative ko. Ayoko ng mga hindi original at hindi pinag-isipan na mga proyekto kaya ang mga ginagawa ko ay pinaglalaanan ko ng oras.

Weakness ko din ang pagiging creative ko. Kasi kung creative ka,most sa mga ideas mo,di naiintindihan ng iba.

How do you see yourself 5years from now?

Ang totoo o ang gusto niyong marinig? Ang totoo,kung may pera lang ako,gusto kong maging isang psychiatrist, o kaya psychologist kung naipasa na ang Psych bill. At the same time, nasa academe, nagtuturo ng psychology courses. At hobby pa rin ang pagsusulat. Pero hindi talaga pwede sa ngayon yan.

Wala akong pera kaya heto ang posibilidad. Nasa kompanya pa rin ako,pero na-promote na, at nagbibigay ng excellent na serbisyo sa mga kliyente at siyempre meron pa ring magandang relasyon sa mga subordinates at superiors ko. walang halong pagsisinungaling to kasi kaya namang matutunan na mahalin ang trabaho mo eh.

Why do you wanna work in this company?

Ang totoo? Kailangan ko ng pera gaya ng normal na tao na kailangan ng pagkain,tubig at mga bagay na may price tag.

Willing to travel?

Oo naman. Kahit saan sa Pilipinas.

As a copywriter, where do you think you fit in this company?

Pardon ma’am? Ano daw?

Do you have any pending application?

Ano po bang tamang sagot diyan? Kasi nag-apply ako pero di ako tinatawagan kaya forever pending na yun.

UP student ka, so malaki siguro ang expected salary mo. Ano ba yung expected salary mo?

Bakit niyo po ako tinatanong niyan? Diba dapat ako nagtatanong kung magkano sana sweldo ko?

I take pride sa pagiging UP student ko pero it doesn’t mean na pwede na kaming magdemand ng mga bagay-bagay. Sana lang,walang discrimination in terms ng school kasi ayoko rin discrimination pagdating sa work experience. Natututunan naman ang mga bagay-bagay eh UP ka man o hindi, may experience man o wala.

Hindi ito ang sinasagot ko sa mga interviews pero ito ang nasa isip ko palagi na sagot pag tinatanong ako. hahah. Hanggang ngayon wala pa akong trabaho. Ako na. Ako na ang unemployed. πŸ˜„

null

15 thoughts on “Unemployment

  1. naaliw ako sa sagot mo na di mo sinagot sa interview kat.
    makakahanap ka din.
    dti nitatanong ko sa sarili ko gusto nila yung may work experience na di ba dapat bigyan ka nila ng work para magkaexperience?
    matutupad ang mga iyan kat, lalo na yung makapagturo ka.
    be blessed

  2. “Weakness ko din ang pagiging creative ko. Kasi kung creative ka,most sa mga ideas mo,di naiintindihan ng iba.”

    Maka-relate ako dito, girl! Kaya siguro for most of my life, plenty of people have been thinking that I’m weird, siguro dahil minsan hindi kaya ng powers nila ang creative thinking ko. Heheheh.. So, ayan, may kakampi ka sa pagiging ‘weird’, di ba?πŸ™‚

  3. Kakaiba ang pagsagot mo ate kat pero pawang makatotohanan talaga. Minsan ginagawa ko rin ang deretsuhan na sagutan lalo na kung nasa tama ako. Pero minsan kailangan rin talaga nating magpa-impress para makuha natin ang inaasam nating bagay. Goodluck po!πŸ™‚

  4. sarisaritots says:

    matalinong mga sagot… sa isip nga lang… minsan mas ninanais marinig ng kausap mo yung itinatakbo ng isip mo pero yun ay kung naiestablish mo na yun flow ng interview. alam ko mahilig ka sa mga ideya at pakikipagkurokuro, kaya puntos kung magagamit mo yun kakayahan na iyon sa proseso ng paginterbyu sa iyo. subukan mo magkaruon ng kumpiyansa ang nagiinterbyu sa iyo sa pagiging kumportable at admirable sa iyong pagsagot.

    gayunpaman, kumpiyansa at talino meron ka kaya alam ng lahat na kayang kaya mo yan!

  5. noong tinanong ko dati yung kaibigan ko kung ano yung feeling niya na siya nag-aaral pa rin habang yung mga ka-batch nya e graduate na, eto ang sinabi niya:

    okay lang. daig ko nga sila e. kasi ako petiks lang sa school, sila unemployed na.

    may punto pala siya no? go lang ng go sa paghahanap ng trabaho. pasasaan ba at makakahanap din.πŸ™‚

  6. ako rin. kung magpapapakatotoo ako hindi yung sinasagot ko sa interview ang sasabihin ko. pero sadyang may magaling na interviewer na malalaman yung hidden agenda mo kahit pagtakpan mo e. (yun naman ang interpretasyon ko..hehehe)

    go go go kat kaya mo sila. isipin mo nagawa mong ma-survive ang college para dito.

    mabuhay!

  7. Ipadala mo na lamang ito sa mga companies na inaplayan mo.Pasok na pasok ito Kat.

    Ito lamang, may mga matatalino na walang pakiramdam/emosyon. Merong mga masasalita/madaldal pero hindi makita sa gawa.

    Sa buhay ng nagtatrabaho, para ka ring nag-aaral. Natututo, nagkakamali, natututo ulit. As you age, ang lawak na pala nang narating mo bilang empleyado.

  8. Gusto ko yang HANGGA’T HINDI NYO KO NAGIGING EMPLEYADO! Hanep pwede ka na maging bugaw! Magaling magbenta ng sarili! Hahahaha :p

    Dun sa pending applications with other companies, kadalasan tinitingnan lang nila kung anong mga kumpanya ang innaplyan mo na pwedeng tanggihan mo ang offer nila kung mag counter offer yung isa. Para simula palang, di ka na papaabutin sa job offer para hindi sayang sa oras. Yun eh kung hindi sila naniniwalang dapat kang ipaglaban makuha ka lang. Chos. Haha.

    Nako naalala ko tuloy yung after ng graduation ko. Very anxious ako maghanap ng work. Nakahanap naman ako agad, after 2 weeks, pero jusmiyo. Ang nerbyos ko abot heavens! Haha. Pero kung ako sayo Kat, i enjoy mo muna ang buhay bum. Lalo na kung okay lang sa parents mo. Kasi nakakasawa den magtrabaho minsan. Lalo na kung wala kang masyadong friends sa office.

    Okaaay naglalabas ng sama ng loob. Haha. Goodluck!

  9. Hi.. Baguhan lang aq dito sa industriya ng blog.. One of the unemployed din.. Umaasa na maimprove ang aking expression of thoughts and ideas.. Agree aq sa sinabi about job interviews.. Katawa lang minsan noh.. Kung pede lang sumagot ng super true.. ganyan din isasagot q… hehehe.. cute cute ng blogs mo.. =) u made me smile..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s