Gallery

Nung Bata Ako:Akala Ko Edition

Nung bata ka ba, andami mo ring iniisip? Andami bang bagay na parang bago sa’yo? At di mo maintindihan kung bakit ganito o kaya bakit ganun. Higit sa lahat,iniisip mong ang lahat ng bagay ay pwedeng magkatotoo.  Magkakaroon ako ng parang series of post tungkol sa childhood ko  dahil ang alam ko,  masarap maging bata.

Nung bata ako, akala ko five star restaurant ang Jollibee tsaka Mcdonalds. Akala ko noon, ang fastfood restos na to ang may pinakamasarap na pagkain sa buong mundo kasi minsan lang kami pumunta dito, kung linggo lang o kaya pagkatapos nang recognition namin.

Akala ko required na pink ang gamit ng mga babae at blue naman sa lalaki. Nung bata kasi ako binilhan kami ni Raprap(nakababatang kapatid), ng upuan tsaka ng toothbrush, blue ang sa kanya, pink naman ang saken.  Favorite color ko ang blue kaya gusto ko sanang magtanong bakit ganun. Pero nakita ko sa school na puro pink ang gamit ng mga girl classmates ko kaya naisip ko na baka may batas na ganun talaga kaya quiet na lang ako,ayoko namang lumabag ng batas at makulong.

Akala ko, pinaka-cool ka kung meron kang magandang pencil case. Hindi ko alam kung bakit,pero nagiging sikat talaga agad ang classmate ko kung meron siyang malaking pencil case na maraming lalagyan ng lapis, na parang may hagdan o second level, na parang may maraming pantasa at baka may refrigerator pa.

Akala ko sinusundan ako ng buwan.  Merong isang gabing pauwi na ako, dala-dala ang kamatis at sibuyas na pinapabili ni mama. Tapos napatingin ako sa buwan habang naglalakad, tapos parang napansin kong parang sinusundan ako kaya tumakbo ako, andyan pa rin! Tapos para ma-test ko kung sinusundan talaga ako, bumalik ako sa tindahan, habang tinititigan ko ang buwan. Sinusundan nga ako. Ang ending, napagalitan ako, asan na daw ang kamatis at sibuyas na pinapabili ni mama. hahah

Akala ko ang ibig sabihin ng 15T o kaya 20T sa mga bridges o mga tulay ay “15 TAO” o “20 TAO”,at yun lang ang pwede sa loob ng dyipni para makatawid ng ligtas sa tulay. Kaya tuwing nasa dyip ako, binibilang ko kung ilan ang tao sa loob, kung higit sa 20, pinapanalangin kong maging ligtas ang byahe lalo na kapag tumawid ng tulay. hahah. Palagi namang pinapakinggan ni Lord ang hiling ko. hahah

Akala ko noon, mabubuntis ang babae kapag hinalikan siya sa pisngi ng lalaki, kaya naman iyak ako ng iyak nung hinalikan ako ng classmate kong lalaki sa pisngi. Nakakainis! Sinumbong ko agad siya sa teacher. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa classmate kong yun! hahah

Akala ko noon, ang pinaka-solusyon ng kahirapan sa bansa ay ang mag-printa ang mga bangko ng maraming-maraming pera. Katulad nung ginagawa namin sa laro naming bangko-bangkohan(bahay-bahayan,bank edition), paramihan kami ng maguguhit na p1000000 sa ginupit na papel para maging mayaman ang banko,ganun din ang nag-dedeposito at nagwi-withdraw sa aming banko.  Ang tag-line “Mas maraming P1000000 ang bankong to”.

Akala ko noon, dalawa lang ang kurso sa mundo, ang kurso sa pag-dodoctor at pag-aabogasya. Kaya naman pag tinatanong ako kung ano ang gusto ko maging, ang sagot “I want to be a lawyer”. O ha? Bilib agad sila! Akala ko naman, no choice ako. hahah

Higit sa lahat, akala ko masaya ang maging matanda, mas masaya pa rin pala ang maging bata.🙂

P.S. Ano yung mga akala mo nung bata ka? Share naman diyan.🙂
 

 

 null

21 thoughts on “Nung Bata Ako:Akala Ko Edition

  1. Akala ko rin noon. Lols

    Di ko alam kung ano mas masaya. Kung maging bata ba o matanda. Kase hnggang ngayon, feeling bata pa rin ako. Haha. Pareho tayo halos ng mga akala noong bata pa ako. Magka-bangs nga tayo! Haha!

  2. Shaks natawa ako sa 15 Tao mo, Kat. Hahahahaha. :p

    Nung bata ako akala ko mesalahing mangkukulam ang teacher ko sa Hekasi. Bwakananshets naman kase het na het ko ang Hekasi. Eh ano naman kase saken kung sa araw na ganto pinakasalan ni Rizal ang pinsan nya sa kasukasuan? Na sa lugar na to unang naligayahan sa kaibuturan ng puso si Tandang Sora kasama ng limang katipunero? Watda.

    Anyways, ako naka blue bag at pencilcase (na de pindot at nagpopop out ng kung ano ano, yes, ako na!) nung bata. Look how I turned out. Bwahihihi.

    (Pakibura nung una. Anyare sa pangalan ko sabe Vajarlrl haha. :p)

    • katrinadanieles says:

      hahah! natatawa din ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun. hahah
      ayoko din ng hekasi!!! hahah. bakit ko naman pag-aaralan ang mga di ko kilala, di ko nga ma-memorize birthday ng friends ko, birthday pa nila?? heheh

      waaaaaaaah! ikaw na! ikaw na ang sikat na classmate na may level-level ang pencil case! hahah. kina-iingitan ang mga ganun eh. hahah.🙂

      na-erase ko na. ^^

  3. kagaya ng mga nauna, natawa din ako ng lugod sa 15T-20T mo. hahaha!

    guilty din ako sa “sinusundan ng buwan” thought mo. naalala ko, tumakbo pa ako ng ubod na bilis para lang maiwan ko ang buwan. too bad, im not too fast. haha!

    • katrinadanieles says:

      hahah!😄 pareho pala tayo na sinusundan ng buwan. hahah! nakow. nahiya tuloy akong mag-admit ng 20T thought ko na yan. hahah

    • katrinadanieles says:

      salamat sa pagbisita sa blog ko sa araw na to.🙂 heheh. ako naman, akala ko nanganganak yung bilog na air freshener kung ilagay mo sila sa matchbox na may cotton. hahah

      gandang araw sayo!🙂

  4. juyjuy says:

    Hihihi. Naalala ko tuloy yung kabataan ko. Wahaha. Dati, bago ako maligo, I make a sign of the cross, kasi sabi ng mama ko mawawala yung lamig ng tubig pag ginawa ko yun. Hanggang ngayon ganun pa rin ang ginagawa ko. Hehehee. Gaya ngayon, malamig dito sa Bukidnon. May pasok pa ako ng 8am. O ha, o ha. Feeling close? hehehe

  5. napaka-interesting ng topic mo ah…. akala ko noon ang word na sabado ay kamao. Akala ko rin gusto ko mag-abogado. akala ko ang di lang makapanood ng anime ang pinaka-bwiset na kaganapan. akala ko dati hindi na ako puputi, hehehe

  6. In my case, nung bata pa ako, natatakot ako sa mga portrait ni Jesus Christ kasi kahit san ako pumunta sa room parang hindi umaalis ang mga mata nya sakin. Ayun, kaya pinipilit kong magpakabait palagi. Cool?

  7. Akala ko rin pag di ako kumain bago matulug ay gagala ang kaluluwa ko at makukulung sa loob ng rice cooker. Pagkatapos sa umaga, hindi na ako makakagising kasi ‘di na babalik ang soul ko.

  8. hahaha andami kong relate ako din ayoko yung sinusundan ako ng buwan o araw lels
    tapos kat yung mga santo di ba parang nakatingin din? kaya kapag kukupit ako ng pera sa pitaka ni dada tinitignan ko muna kung nakatingin sa akin yun ang ending di ako makakaupit kasi nakatingin parati hahahaha
    parang box office ang sibuyas ni nanay kat.

  9. akala ko nung bata ako sinusundan ako ng chinese temple sa may amin.. akala ko .. gumagalaw sila.. galing kase kapag nasa likod sila ng isang malaking building, kala mo, kumikilos… lakad din ako ng lakad kase akala ko… makikita ko ang ending ng mundo… kase pag malayo na yung paningin mo, parang ang lapit lang ng langit sa lupa…

  10. melanie resma says:

    wahaha! dami kong relate! nung bata aq kapag umuulan at may rainbow, may kinakasal daw na tikbalang. Napaniwala din aq na kapag may kasalubong kang aso kelangan mong dumura, so ginawa ko minsan, kaya lang ung minsan, nagawa ko sa tapat ng kalaro ko na katabi ng nanay niya, aun nacigawan aq wahahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s