Gallery

Nung Bata Ako: Kapalpakan Edition

Nung bata kayo, maraming beses ba kayong napagalitan o napagtatawanan dahil sa mga di niyo sinasadyang kapalpakan? Ako? Maraming beses, pagkatapos, tinatanong ko pa sarili ko kung ano ba yung nagawa kong mali. Heto ang lista ng mga kapalpakan ko nung bata ako.

Meron ba kayong mga ninong o tito na kapag bumubisita sa bahay niyo, nagpapabili ng kung anu-ano katulad ng sigarilyo,sopdrinks at kendi pagkatapos binibigay sa inyo ang sukli? Mahilig akong magpresentang bumili noon. Katatapos lang magsigarilyo ng tito ko at nag-utos bumili ng kendi. Sabi ko, ako na ang bibili kasi may alam akong masarap na kendi. Anong binili ko para sa kanya? Mik-Mik. hahah

Kapag kumakanta ako ng “Jingle bells” noon sa caroling kung pasko, ganito ang lyrics ko; Jingom bells, Jingoms bells, Jingom all the way, oh what fun the restaurant, in a one horse open sway HEY!!!

Noong bata ako,sinabihan kami ng teacher namin na punuin na ng pangalan ang pad paper para hindi na kami mahirapan pag mag-test.Akala ko parang test yung pagpuno ng pangalan sa pad paper, kaya ang ginawa ko, pinuno ko talaga ng pangalan ko ang pad paper, back-to-back! Sabi pa ng nanay ko, “talaga bang ganyan ang assignment niyo?? Na punuin talaga yan?” Ang sabi ko naman, “Oo ma, sure na sure ako, punuin daw dapat eh.” Ang ending, wala na akong space para sa test talaga. hahah.

Noong bata ako, akala ko privilege ang maging salin-pusa(pasi tawag sa’min, minsan flower) sa mga laro, kaya presenta agad akong maging salin-pusa sa mga laro kasi nga di ka magiging taya. Nung huli ko na lang nalaman na ang saling-pusa pala ay takbo lang ng takbo kahit hindi siya hinahabol nung taya. hahah

Noong bata ako, ilang beses ng mangyari na pag labas ko sa bahay, magtataka ako kung bakit may pera ako sa bulsa ko. Bakit kaya may dalawang piso ako? Yey! May pambili ako nung kending pag hinipan mo, tumutunog! Pagkauwi ko sa bahay, tanong ni mama,”asan na ang pinapabili kong sibuyas?” hahah

Noong bata ako, naging uso ang magka-bangs, kaya ginupitan ko ang buhok ko. No comment sa resula! hahah

Usual na din ang ma-mispronounce ko ang mga salita. Tawag ko sa prinsipal namin noon na si Miss Ariola ay Miss Crayola.O Kapag bumilbili ako ng toothpaste ganito sinasabi ko,” Pabili nga ng colgate na close-up.” O nagkakapalit-palit ang kulay sa napaka-confusing na pinapabili,”Itong limang piso para sa palmolive na puti, itong lima din, para sa itlog na pula(alam niyo na kung ano binili ko). hahah

Andami-dami ko palang kapalpakan nung bata ako, pero narealize ko na mas marami pa rin ang kapalpakan ko nung tumanda na ako. hahah. Kayo? Ano ang kapalpakan niyo nung bata kayo?πŸ™‚

null

14 thoughts on “Nung Bata Ako: Kapalpakan Edition

  1. hahahahaha ang pambili ng sibuyas lels
    naku favorite ko din ang mik-mik na iba-iba ang flavors kaso naman parang mapapaubo ka dun pag nagkamali ka ng sipsip sa straw hahahaha
    at yung jingom bells, parang keri bells lang kat.
    ingats diyan kat
    be blessed!

  2. nakakatuwa naman yang mga kapalpakan mo…. parang pag pinagalitan ka pa yung magagalit pa ang kontrabida sa eksena.

    ako ang kapalpakan ko lagi ay pagbili ng gulay. hindi ko malaman ano ang pinagkaiba ng talbos ng kamote at kangkong. tas pinabili ako ng ate ko ng chalk binili ko chocnut. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s