Same Shit Different Day

Isa akong alipin ng pera.  Sabi ng isang commercial ng isang kape, para kanino ka bumabangon? Ang sabi ng utak ko, para kay  Ninoy,  kay Roxas,  para kay Manuel Quezon, kay Osmeña, at para sa tatlong mukha ng isang libo na si Josefa lang ang matandaan ko. Tantiya ko, hindi lang ako ang Pinoy na bumabangon para sa kanila.

Isa akong alipin ng pera. Sabi ng eskwelahang pinanggalingan ko, palaging may mali sa sistema, kaya maghanap ng paraan para baguhin ang sistema. Pero isa na ako ngayon sa sumusunod sa sistemang nagreresulta para sa mga tao na mawalan ng initiative. Natatatakot na ako baka kung hamunin ang sistema, hindi ko na makikita ang tatlong mukha sa harap ng Banaue Rice Terraces, na si Josefa lang ang matandaan ko.  Sistemang pwede ko lang ibulong sa utak ko ang pagkakamali.

Isa akong alipin ng pera. Sabi ko sa sarili k0 noon,hindi importante ang position at possession ng isang tao. Pero ano ako ngayon? Palaging ilang beses tignan ang MS word kung may nalagay ba akong Hon. o Gov. o ano pa man na para bang pwede akong ma-lethal injection kung magkamali ako.  Ang alam ko lang naman nung bata ako eh Doc tsaka Atty., eh  ngayon,pinapa-memorize ako ng kung anong ka-shitan(at pinilit talagang ilagay to, awkward much).

Sinong  ba ang nagpa-uso ng pahabaan ng pangalan? I-papatay nga yan. Magastos sa ink, magastos sa space , magastos sa laway, at higit sa lahat, nagbibigay ng impresyong mas importante ang ginagawa nila kesa sa ginagawa ng iba.

Alipin ako ng pera. Asan na ang sinasabi kong ayaw ko sa mga politikong nandyan sa nabubulok na gobyerno. Nandito ako ngayon, nakikipag-kamay sa kanila, tumatawag sa sekretarya nilang  kung umasta ay binabayaran para babaan ng telepono at sungitan ang ibang tao.

Alipin ako ng pera. Dahil kinukwenta ko na kung may pamasahe pa akong matitira sakaling magbigay ako ng ilang sentimo sa isang batang palaboy. Dahil naiirita ako kapag ang driver, tinatamad magbigay ng sukli. Dahil kailangan kong maghanap ng 39ers o  kaya ng buy 1take 1. Dahil kailangan kong magsingil ng pina-utang ko sa isang kaibigan.

Alipin ako ng pera. Dahil nangangarap akong sana dumami ang pera ko, Yung tipong sa sobrang dami, pwede akong mag-sunog ng pera sakaling malamigan ako o ma-bore, o kaya, pwede kong gawing tissue paper ang pera. Tapos magpagawa ako ng bahay, na sa sobrang laki, di kami nagkikita ng mga kasama ko sa bahay. Tapos magbayad ng tao, makipag-plastikan lang na gusto niya ako. Bwahahah.

Isa akong alipin ng pera. Eh, ikaw? Alipin ka din ba ng pera?
null
____________________________________________________________________________________________

Note* Hindi lahat ng nasa post na to ay totoo, ang anumang pagkakawig sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. hahah.  Sumubok lang ng bagong style ng pagsulat para sa Same Shit Different Day pa-kontes ni Ginoong Lio Loco.🙂 Salamat sa oportunidad Ginoong L at happy 3rd birthday sa blog mo.🙂

26 thoughts on “Same Shit Different Day

  1. Alipin din ako ng pera.. Hindi makagalaw kung walang pera eh. Isang fact of life.. wala na kasing libre ngayon. Magluluto ka na nga ng tinola, kelangan mo pang bilhin yung asin.

    • katrinadanieles says:

      nag-try ako ng different na style pero sa palagay ko mukhang di ako masyadong hanas sa ganitong istilo, pero sana magustuhan ng hurado. ^^

    • katrinadanieles says:

      hahah. this makes sense actually, kasi kapag mas marami kang pera, mas marami kang iisipin, mas marami kang katatakutan. =) kamusta timangkey?🙂

    • katrinadanieles says:

      tomoh kuya bino.🙂 hindi magandnag maging master ang mammon. O.o salamat nga pala. heheh. sana manalo kasi may book akong gustong mabili. heheh

    • katrinadanieles says:

      ahahah. kaw talaga vaj, lagot ako pag mag comment pa ako tungkol sa comment section ko. hihih. magkakasundo kami ng buwayang yun. hahah. imishu too, kayo ni ate salbe! ^^

  2. sa wakas nakadalaw ulit ako. nasabi ko naman sayong banned ang site mo sa office dahil kay hayden si ba? hihi!

    alipIn din ako ng pera. Sino bang hindi,taas ang kamay!

    at nakakaaliw nga ang comments section mo. May gustong bumili nf lalake, meron naman babae. baket di na langa kaya sila ang magvbiliha

  3. L says:

    teka lang, nakapag-comment na ba ‘ko dito? hindi pa ata. ni hindi pa nga ata ako nakakapag-thank you sa pagsali mo sa pakonteshit ko, kat. kaya thank you thank you thank you! pano ‘yan, hindi pera ang premyo ng pakotenshit ko? haha! good luck! m/

  4. You have used “alipin ako ng pera” several times for emphasis.. Probably most people are. But it depends on how we look on money. Either as a necessity or as the major thing that could make us happy…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s