Gallery

Dyipni

Isa at kalahating oras ang biyahe ko papuntang opisina; kaya mag-post lang ako ng mga random na bagay na pumapasok sa isip ko habang nasa dyipni ako. Kunwa-kunwarian kasi akong nag-iisip ng malalim sa dyip para hindi ipaabot sakin ang pamasahe. Effort eh.

Minsan iniisip ko na napaka-ironic pala ng buhay. Ang trabaho ko ay magpaaral ng  1000 plus  na iskolar, pero sarili kong kapatid, di ko mapaaral.  Paano ko ba sasabihin sa nanay ko na ang sweldo ko tuwing akinse ay hindi aabot sa 9k para pambayad sa tuition ng kapatid ko. Siguro sabihan ko na lang siya na “Ma, isa akong project officer, di ako callcenter agent”.

Minsan iniisip ko na hindi ko pala kaya ang trabaho ko. Nasasaktan kasi ako tuwing may tatawag, may magtatanong kung nakapasa ba ang anak nila sa exam.. tapos sasabihin ko na “sorry ma’am, wala” na para bang wala akong nararamdaman.  Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang makapagdala ng masamang balita o magkunwaring hindi ka apektado sa masamang balitang dala mo.

Masakit din kapag merong request tapos hindi ma-aprubahan   Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, yung katotohanang wala ng magbabago kahit anong gawin mo o may magagawa ka sana pero walang may nagbago.

Gusto ko sanang magpa-tatoo. Para sa susunod na sabihan akong “weakling”. Ipapakita ko na lang  tatoo ko tapos sabihin ko na “Kita mo tong tweety bird tatoo ko?! Nangangagat yan! Sinong weakling ngayon?!”

Tapos bigla kong naalala, na gusto kong magturo sa mga special children, gusto kong sumulat ng libro, gusto kong maging isang photographer,  isang taong walang pakialam sana sa perang makukuha niya sa ginagawa niya,o maging isang taong palaging maalala  na ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ay hindi bagay.

At dahil hindi ko na alam kung paano  tatapusin ang post na ‘to…

Manong, Para.

null

9 thoughts on “Dyipni

  1. base…dahil hindi natutulog ang commenter!

    one day at a time, kat. wala akong motivation na pwedeng magpa-positive ng mga mood mood at kung anu anu pa pero eto na lang. kapag pakiramdam mo na pumapalpak ka bawat araw, isipin mo na dalawa na tayo. haha!

  2. Ingat madami kat
    Baka manakawan ka sa dyip habang nagsusulat ka ng isang random post
    Magagawa mo rin ang iba’t ibang bagay na gusto mo — basta antay mo lang at maya’t maya mong hilingin. Magugulat ka na lang na isang araw — nasa harap mo na lahat ng gusto mong gawin sa buhay (kahit na kapos na kapos ka ngayon)

    I love you and Amishue Katkat:)

    PS: Isa sa rule sa mundo na ito: “Bawal Mainip”.

  3. Kat, di mo pa ba na try mangulangot sa jeep? Sure ako di ka papaabutin ng bayad. Ahihihihi.

    Minsan napag usapan ka namin ni Salbe. Sabe ko, “Ano nga ulit ginagawa ni Kat?” tas sabi ni Salbe parang ikaw daw yung nag screen ng mga scholar. Nakooo. Na imagine ko lang non kung gano kahirap na parang feeling mo ikaw ang humahawak ng future nila. Nakaka stress.

    Infurrnes naman Kat, kung Tweety Bird ang tattoo mo, walang mag aastang sabihan kang weakling. Isipin mo nalang, hindi lahat ng tao kayang i spell ang “Canary”. Horhor.

  4. Nakaramdam ako ng pagkamiss sa’yo, Kat. Hehe.

    Tunay ba ‘yang tattoo mo? Angas e. Haha. At nga pala, na-pressure ako bigla, naalala ko na dapat pala akong sumali sa SBA para makita ko ulit ang mga pangalan natin na magkatabi. Tulad ng usapan natin, friendly competition. Huhu. Sana makagawa ako ng kwento. Ingat, yo!

  5. minsan kinaiinisan ko rin ang mag-abot sa jeep lalo na kapag yung bagong sakay tas uupo sa dulo tas kayo pa lang dalawa. ano ako taga-abot… pero isa pan ayoko yung mga babaeng walang paki na lumilipad na ang buhok nila sa mukha ko. ano ako dryer. kasi ako nag-e-effort na magtali kahit basa. hehehe kapag ganun din lang naman ipinapatikim ko sa kanila ang ang bangis ng buhaghag kong buhok.

    tungkol naman sa work mo. oo nga medyo mabigat nga yan. pero isipin mo na lang isa kang tagapaghatid ng balita. hindi mo kontrol kung gaano kalalim ang pag-aaral ng batang nag-test at ano ang criteria na ipinapatupad ng sinuman. just work hard eventually matutupad mo rin ang iyong gusto. fresh grad ka pa naman e at kailangan na kailangan mo ay experience. mas makulay ang experience mo, mas magagamit mo balang araw.
    (haba ng comment ko pala, ilan ang wordcount nito? hehehe)

  6. yun pala ang trabaho mo. ang hirap nga naman parang sayo nakasalalay yong future ng bawat estudyante.

    minsan nagiisp din ako sa dyipney, tulad ni salbe nanlalait din ako pero sa isip lang. madalas akong abutan ng bayad ng pasahero kasi mukha akong uto uto. ewan ko. kaya pag nabigyan ako ng pagkakataong umupo sa bandang hulihan doon talaga ako umuupo. kahit medyo bumby. okey lang.

    totoo ba yong tattoo? astig.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s