Gallery

Aha.. aha..

Magulo akong kausap ngayon. Kahit ano na lang pumapasok sa utak ko. Medyo malungkot na ewan ko. Gusto kong may maka-intindi sana sa akin pero hindi ko naman ma-explain ng tama  ang nararamdaman ko. Kunwari  na lang kinakausap ko ang isang psychoanalyst na binabayaran ko ng dolyar para makinig lang at magsabing “Aha.. aha..” at hindi sumusulat ng isang blog na may porma.

Kunwari-kunwarian starts now…

Ganito yun Doc. Medyo malugkot ako kasi parang pakiramdam ko hindi ko talaga sinusunod ang mga pangarap ko. Pakiramdam ko nagpapatalo ako sa agos ng buhay(naks, agos ng buhay).

Kung iisipin, wala kong karapatang magreklamo,  kasi bata pa ako, may trabaho ako sa isa sa pinakamalaking kompanya dito sa Cebu,may mabait akong MGA  boypren(joke lang yung MGA ha? ang mag-react,t boypren ko. hahah), nagtapos ako sa isang  prestihiyosong paaralan, at higit sa lahat saksakan pa ako ng ganda(nagbayad ako para rito.wahahah).

Kaya lang hindi pa rin ako masaya. Bakit?Kasi sa totoo lang, gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Hindi ko naman ginusto na mapasubo sa isang komplikadong buhay na puno ng expectations, buhay na napi-pressure sa quota, buhay na nakikipag-kompetensya at buhay na meron pang pataasan ng ihi para malaman kung sino ang pinaka sa pinaka, at  yung buhay na natatakot kang magkamali.

Gusto ko sana Doc,  na gigising ako isang umaga at wala na akong paki-alam sa expectations ng ibang tao sa’kin, na hindi ko na muna magiging problema ang quota na hindi ko maabot-abot, hindi na ako makikipag-kompetensy, at hindi natatakot na magkamali.

Kasi gusto ko lang naman Doc na may makain ako at ang mga kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw. Gusto ko lang naman, maipagmalaki ako ng nanay ko(na palagi naman niyang ginagawa). Gusto ko lang naman,  magbasa ng libro, magsulat ng mga kwento, tumugtog ng gitara,gumawa ng kanta, matutong mag-drawing,  maglakbay sa mga lugar na hindi ko pa na pupuntahan. At higit sa lahat, tumawa na parang walang bukas.

Pero yun nga Doc, isa sa mga natutunan ko ay hindi lahat ng bagay na gusto mo nakukuha mo kahit best mo pa ang gawin mo. “Eh ano ngayon?” sabi ng isang parte ng utak ko.  Gawin pa rin best mo, kasi kung ganun kahirap makuha gusto mo, ibig sabihin ganun siya kahalaga. Priceless ika nga. Yep, P-R-I-C-E-L-E-S-S, na ang ibig sabihin na sa akin ngayon ay libre pero hindi nababayaran.  Ang gulo kong kausap.

Na-realize ko na hindi lahat ng plano  mo nasusunod kahit na pinag-isipan mo ng ilang beses yun. Eh ano naman ngayon? Pag-planuhan mo pa rin,kasi kapag nagkamali ka, at least, may plano kang babalikan para ayusin diba?

Hindi lahat ng tao magugustuhan ka, kahit mabait ka namna sa kanila.  Eh ano ngayon?! At least, hindi araw mo ang nasisira kapag nagkikita kayo.

Hindi lahat ng creative idea mo, ma-aappreciate, at hindi lahat na idea mong ma-appreciate, sayo ang credit.  Eh ano ngayon?!  Yung credit mananakaw, yung idea mismo,  at yung kapasidad, hindi.

Ang gulo ko lang kausap  Doc.  Dahil magulo ang utak ko, minsan, kinakausap ko na sarili ko,minsan kinakausap ko ang mga taong  di ko kilala, minsan naman natutulala lang ako, at minsan naman gumagawa ako ng mahabang-mahabang post na walang porma. Sa nagbabasa, kung nakaabot ka pa dito, congrats at salamat. =)

Doc: Ahah.. ahah..

 

15 thoughts on “Aha.. aha..

  1. eeengk! time na. that’s $100 for this session. hehe!

    tingin ko naman, alam mo ang sagot sa mga tanong mo. you’re too smart for that my dear. kaya mo yan. laki kaya ng bilib ko sau.🙂

  2. Hello, Kath! Sus, kayang kaya mo ‘yan. Huminga ka lang kasi ng malalim. Alam mo kasi, minsan, yang mga ganyang bagay minsan hindi na pinapansin. Relax ka lang. Tingnan mo ako, walang trabaho. Kahit nasesermonan, relax pa rin. Cool kasi ako. Lol.

    Mag-asawa ka na para wala ka ng pinoproblema. Puta, sabaw na sabaw ang comment ko! :Happy New Year sa’yo!🙂

  3. Vajarl says:

    You will always be welcome to join our club of sons of bitches who don’t give a friggin’ rat’s ass about what idiots think of them whenever you are ready, Kat.🙂

    Ang palagi ko nalang sinasabi sa sarili ko, happiness is a choice. I can choose to spend time dealing with these idiots and telling them they should have died with the dinosaurs millions of years ago if that’s what it takes to make myself happy. Or I can choose to ignore them and hope that that huge chance of them living a miserable life, just because they are idiots, will slap them hard in their faces. Wag ka lang padala sa sinasabi ng kung sino sino lalo na kung pangit sila. Haha.

    And finally, kung hindi ka na masaya, leave! Mag resign! Yey!

  4. L says:

    mukang okey naman takbo ng buhay mo, kat: maganda ka kamo, may mga boypren, may trabaho. ano pa nga bang kulang? ahm..baby? loljoke!

    tingin ko, quarter-life crisis lang ‘yan. yup, kahit di ka pa 25 pwede ka pa ring datnan ng quarter-life shit. pinagdadaanan ng lahat ng yuppie na matayog ang pangarap at gusto pang pumailanlang sa malawak na parang called life.

    chillax, kat. see a movie! pero patapusin mo muna ‘yung mga tanginis na mmff shits.😄

  5. ahaah, ahaah.. ahahaha!!! bagong pasok ang taon, sabaw ang utak naten?… ahahaha!!!, hindi ko alam kung anung iniisip mo kat, ok naman yata ang sitwasyon ng buhay mo ngayon… sigurogento na lang ang isipin mo:

    “Ang rugby ay para lamang sa sirang sapatos, hindi ito hinihithit… ok?…”

  6. Katkat, phase lang daw ang tawag sa pinagdadaanan nating ito. Oo, natin. Sana maging maayos na tayo sa mga susunod na araw. Nagmamadali ako kaya kelangan maayos na agad. haha!

    Hallo! namiss na kita ang bahay mong ‘to🙂

  7. Hi Kat! Pray ka lagi at huwag mawawalan ng pag-asa.

    alam mo naman kung ano ang kapasidad mo at alam mong maraming nagmamahal sa iyo, hindi mo kailangang laging i-please ang iba. basta gawin mo lang ang makakayanan mo.

    ingat and mabuhay!

  8. natawa ako sa comment ni salbehe.Pero kung ano man ang problema mo parang nakarelate ako ng kunti dahil ayaw ko yang mga expectation.kunyari sa school kailangan nasa honor ko. Gusto ko Malaya.yon lang.NaKIGULO LANG AKO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s