Gallery

Bakit hindi pwede humingi ng tubig sa bar?

Kanina habang nasa jeep, sabi ko magpost kaya ako tungkol sa pagiging jologs ko,o kaya tungkol sa kung gaano ako kasaya dahil may nagbigay sakin ng tatlong libro this day pero nagdadalawang isip akong tanggapin kasi bigay ng nagyayaya sakin ng “friendly” date pero hindi talaga akomaka-hindi sa mga libro =(;

o kaya tungkol sa kung paanong ilang araw na akong hindi makapagtrabaho ng mabuti kasi tinatawagan ako ng  kung sinu-sino kahit sundays at kahit sa ungodly hours(umi-english ang loka) magtatanong lang ng requirements ng scholarship na kung tutuusin eh yung mga sagot ko eh inuulit ko na lang at nasa posters, facebook, at application forms na mismo na nasa mga kamay na nila(rant?!hahah);

o kaya tungkol sa kung paanong minsan na nga lang may tumatawag sayo na kaibigan(sinong friend? hint: salbehe sya pramis. hahah) mo hindi pa nag-reregister ang number,  sa kung ano mang dahilan eh ang Iphone na lang yung tanungin niyo(dapat i-mention ang overrated na phone para sikat);

o kaya tungkol sa isang makulit na blogger na sumasasakit panga ko kakatawa sa ka-kornihan niya, at ayos pala yung boses sa phone kaya na-intimidate akong magpaka-korni din(LOL).

o kaya tungkol sa kung paanong bumili ako ng tinapay sa pan de manila, at sobrang inuhaw ako habang kumakain,buti na lang may nakita akong bar na katabi at sa kung anumang ka-weirduhan humingi ako ng tubig(yes, tubig) dun sa bartender(oo, sa bar nga), and uhmmm, and ang cute2 ko siguro kaya medyo nag-smile siya(o tumawa), and uhmm, dinala ko yung baso ng tubig sa pan de manila, at mga  ilang segundo lang, dinalhan ako ng bartender  ng iced tea sa table ko(naawa sila siguro. >.<), and na-realized ko na hindi ka pala dapat siguro humingi ng tubig sa bar. hahah

O kaya tungkol sa lovelife ko na uhmmm, no comment? >.<

Gusto ko lang sabihin na namimiss kong magsulat, namimimiss kong magcomment agad sa mga binabasa kong blogs, namimiss kong mag-reply agad sa mga nagcocomment dito sa blog ko, at higit sa lahat, namimimiss ko na kayo. =)

 

proof ng tubig. hahah

7 thoughts on “Bakit hindi pwede humingi ng tubig sa bar?

  1. Bakit ba may ugaling kayong mga blogger na binubura ako sa phonebook? Hindi lang ikaw ang nagbura sa akin, dalawa na kayo. Oo, sige, sisihin mo si Iphone, hindi naman papalag yan.

    Joke lang Kat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s