Gallery

Ragamuffin Series 1

Nung bata ako, naisip ko, at alam ko na sa puso ko, na meron isang entity na mas malaki pa kesa sa tiyan ni Santa Claus, entity na mas makapangyarihan sa pinagsamang power rangers, goku at Eugene ng Ghost Fighter, at mas matalino kesa kay Ernie Baron. Alam ko yun sa puso ko, at kung hindi yun naramdaman ng puso mo, kahit once lang, ang tanong ko, talaga? Talagang-talaga? Tanungin mo uli sarili mo, tapos sagutin mo ng buong katapatan  kung hindi mo talaga naramdaman sa puso mo na merong isang napakalaking kulang.

Ang tanong uli, sino kaya yun?

Sabi ng lola ko, si Jesus daw yun, yung piprituhin ka sa kumukulong mantika kapag nagkasala  ka, na sabi naman ng iba, yung asawa ni mama Mary, at sabi ng isang vacation bible study(na pinapasukan ko dahil sa libreng snack) teacher, yung pwede  mong kausapin at makikinig sa’yo  sa pamamagitan ng dasal. Yung pinaniwalaan ko, yung huli.

Isa akong emo at abnormal na bata noon. Yung tipong, kapag sinabi saking wag akong tumigil umiyak(na reverse psychology pala), hindi talaga ako titigil sa pag-iyak.  Palagi akong umiiyak noon, sa loob ng cabinet(para hindi marinig ng iba), bago matulog hanggang sa makatulog na ako, o kaya sa harap ng salamin(vain lang).

Nagmomonologo ako kung paanong sa mura kong edad, ang sakit sakit na ng puso ko, baka nga naman may sakit sa puso. Hahah. Pero ayun, minsan nagmomonologo, in tagalog pa yan, artistahin ako eh.

Pero kadalasan, kinakausap ko ang Jesus  na sinasabi nila, kinakausap ko siya tungkol sa lahat ng bagay na nangyayari sa’kin, tungkol sa kung bakit ako nasasaktan.. kung bakit masakit sa’kin na malaman na may plano palang ipa-abort ako, kung bakit masakit para sa’kin malaman na hindi ako katulad ng ibang baby na winelcome sa mundo ng “Congrats it’s a girl”, kung bakit napi-pressure akong i-prove sa lahat na hindi ako isang pagkakamali, kung bakit kailangan mag-away ng mga magulang ko, at maghiwalay.

Wala akong pakialam kung anong sinsabi ko sa Kanya. Sinasabi ko ang lahat ng nasa puso ko. Sinasabi ko lahat-lahat ng iniisip ko, kahit ang mga katagang makakasakit sa Kanya. At alam ko sa puso ko, nakikinig ang Jesus na sinasabi nila.

Yung Jesus na nakilala ko nung bata ako, yung bestfriend ko, yung pwede kong kausapin tungkol sa mga problema ko, yung sasaluhin ako, yung iingatan ako, yung mamahalin ako.

At hinamon ko siya, sabi ko sa kanya, gusto kitang mas makilala pag 15 na ako, dahil baka sa ganung edad, mas maiintindihan ko na ang mga bagay-bagay, dahil baka sa ganung edad, mas malalaman ko kung sino ka.

At nung 15 ako, nakapunta ako sa isang concert, at may babaeng speaker na nagsalita tungkol uli kay Jesus, at ibinahagi kung gaano tayo kamahal ni Jesus na nakilala ko nung bata ako..

“For God so love the world that he gave his  only begotten Son..” John 3:16a

Ano? Ganun ako kamahal ng Diyos? Kaya niyang isakripisyo ang kanyang nag-iisang anak? Kung Diyos Siya, alam niya na kung ano ang gagawin sa anak niya. Alam niyang kokoronahan ang anak Niya ng tinik, alam niyang duduraan siya, sasaktan ng ilang beses, lalatiguhin, sasabihan ng kung anu-anong salita, ipapahiya,ihahanay sa mga tulisan,ipapako sa krus.

At ginawa yun lahat ng tinuring kong bestfriend..dahil mahal niya ako.. at dahil gusto niya akong iligtas.. dahil mahal ka nya, at gusto ka niyang iligtas.

“In that while we were yet sinners, Christ died for us”

Niligtas niya ako, hindi dahil mabait ako(eh mabait naman talaga ako eh. hahah. adik lang.), kundi niligtas niya ako habang nagkakasala ako.

At simula nun, hindi na naging pareho ang buhay ko, simula nun, mas nakilala ko kung sino yung Jesus na sinasabi nila, at ayokong tumahimik at mamatay ng hindi sinasabi ang kwento ko tungkol sa kanya.

Meron pala siyang plano para sa’kin..

“For I know the plans I have for you, says the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future” Jeremiah 29:11

Hindi pala akong isang aksidente..

“I praise you because I am fearfully and wonderfully created” Psalm 139:14

Pwede nga pala talaga Siyang maging kaibigan

“And so the Scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness.” And so he was called God’s friend.” James 2:23

At hindi Niya ako iiwan..

“Never will I leave you, never will I forsake you” Hebrews 13:5

-End-

PS I-Nirerespeto ko ang paniniwala ng iba kung kaya’t gusto kong sabihin na ang series na ito,Raggamuffin Series na magiging weekly(hopefully) ay ginawa ko hindi para mag-introduce or pumilit ng relihiyon  kundi para ibahagi ang pinaka-importanteng relationship sa buhay ko. Asahan niyo, na sa series na ‘to,  magiging totoo ako, na isusulat ko ang malaking bahagi ng personal journal ko–hindi diary dahil ang arte kung tawagin kong diary-, makilala niyo ako higit sa pangalan at pa-cute ko… at higit sa lahat,  makikilala niyo ang Dahilan kung bakit nabubuhay ako at kung bakit sumusulat ako. ^^

P.S. II (Parang Playstation lang)

Kung sakali lang na ikaw ang taong ito(hindi mo kailangan magcomment dito or ipaalam na ikaw nga ang taong ito, this is just between you and God)..

Yung nag-iisip na gusto kong makilala ang Jesus na ‘to. Yung taong sinasabi sa puso niya na- alam kong nagkasala ako at  kailangan ko ng patawad mo Lord. Yung taong nagsasabing, pagod na akong hanapin ang makapag-fill in sa malaking butas ng puso ko. Yung nagsasabing, baka panahon na para tanggapin ko na meron ngang God-shaped vacuum ang puso ko. Ang taong handa ng sabihing, Lord, gusto kitang tanggapin sa buhay ko..

Hinihikayat kitang ipanalangin ‘to(walang espesyal sa prayer na ‘to dahil sa totoo  lang, this prayer is just an act of faith,pwede kang magdasal na own words mo kung gusto mo, it is through faith na pwede mong tanggapin si Jesus Christ na sinasabi ng Bibliya.)

“Lord, kailangan kita sa buhay ko. Salamat at pinili mong ipako sa krus dahil sa mga kasalanan ko, dahil nagkamali ako. Binubuksan ako ang puso ko para tanggapin ka bilang personal na tagapaglitas at Panginoon ko. Salamat sa pagpapatawad mo sa mga kasalanan ko. Hubugin mo ako para maging yung taong gusto mong maging ako. In Jesus’ name, Amen. “

Kung sakaling meron kang tanong na wala dito sa post na to, pwede mo akong i-contact sa katrinadanieles@gmail.com 

One thought on “Ragamuffin Series 1

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s