Gallery

Top 10 Reasons Why You Should Not Date a Blogger ;p

Bakit Worst Lover ang Blogger? Heto:

10.  Mabilis makapuna ang blogger. Ang movie  adaptation na to? Sucks! Ang food na yan? Sucks! Ang babaeng katabi sa jeep na proud sa long and shiny hair? Sucks! Ikaw?

9. Hindi madaling i-please ang blogger. Meron na akong ganyan eh. Freeby sa isang event na pinuntahan ko. Uhmm, nakapunta na ako diyan eh. Outing together with other bloggers.

8. Marami kang makaka-away. Una, yung mga haters na mismo ng blogger, pangalawa yung followers na may crush sa kanya. Ayiiiiii!

7. Marami kang kaagaw. Sikat kaya ang blogger, maramings fans. hahah

6. Maububusan ka. Minsan, mauubusan ka ng comment kung hindi ka mahilig magbasa o  mag-observe.  May sasabihin yan tungkol sa kung gaano ka-hellish ang weather, tungkol sa boxershorts ni Pacquiao, tungkol sa color pink na braces ng officemate niya, tungkol sa duling na driver na merong “minimum fear: Php8” ang jeep, tungkol sa pick up lines ni Miriam, at tungkol sa kung gaano kalaaki ang bilbil ng ex nya. At required ka na magbigay ng comment.

5. Baliw ang mga blogger. hahah. Kung gusto niyang mag lugaw sa tag-init, go ka dapat, kung gusto niyang mag ice cream sa tag-ulan, go, kung gusto niyang  mag-fishball kayo habang nakagown at tux kayo, go, kung gusto niyang tignan ang sunsets ng 44 times, go, kung gusto niyang panoorin ang movie ng ilang beses at i-pause ito at i-rewind dahil sa magandang linya, go.

4. Mako-confused ka. Oi, basahin mo ang post ko ha? magcomment ka. Mag-like ka. Tapos, minsan naman,  sana hindi mo nabasa ang post ko yesterday. Password? Sorry, hindi ko pwede ibigay sa’yo.

3.  Required ka mag-role play. Ha?  Bale, kung pa-deep sya, dapat pa-deep ka din. Dahil kung hindi: Alam mo ang babaw-babaw mo! Kung kababawan ang trip niya, dapat mababaw ka din dahil kung hindi: seryoso much?! kung ka-kornihan, magpaka-korni ka din dahil kung hindi: ang KJ KJ mo!

2. Dapat updated ka. Bakit di mo pa nababsa yun? Hantagal tagal na ng book na yun ha. Talaga?!  hindi ka pa nakakapanood nun?! Eh, ika-8th season na kaya ng series na yan.

At number 1. Kung sweet kayo sa isa’t -isa, magdadalawang isip pa yan kung ipopost ang precious moments niyo, kung nag-away naman kayo, ahem, wag kang magdalawang isip kung na-post na ang tungkol sa kung gaano ka kapanget. hahah

So, ano naman yung mga rason niyo? ;p

(scheduled post dahil busy XD)

28 thoughts on “Top 10 Reasons Why You Should Not Date a Blogger ;p

    • katrinadanieles says:

      jeeeeeeeeeeeeeeeeeeec! abot ba diyan ang sigaw ko? hahah. miss you! sana magkita tayo uli! hahah. Actually ganyan din ako. hahah. LOL. pareho tayo jec, apir!

    • katrinadanieles says:

      hello buninay!🙂 maraming salamat sa pagbista sa blog ko. ^^ paano ka nagawi dito? ^^ i mean, hindi alam ng mgataga-blogspot ang blog ko eh. ^^

  1. littlemisspataki says:

    Kung may ma meet ka man, Kat, na magsasabi sayo na “Ayoko na pumunta dyan, naka punta na ko dyan, outing with other bloggers, you know.” Paki batukan. Ang loser loser nya kamo. Haha. Pag nakarinig ako ng ganyan in person baka mag umikot mata ko ng 10 times. Hahahaha.

    • katrinadanieles says:

      wahahahah. ako naman, kaladkarin, saan ang punta? Go! pwede akong sumama?! Lol. hahahahah. wala pa naman akong may naririnig na ganun,exaggerated lang naman yan. hahah

  2. 11. Mag-ingat sa nangungutang na blogger. Nawawala silang parang bula.

    Grabeee. #1 pa lang sapol na ako. Ayheychu. Nagtataka na talaga ako kung bakit kaibigan kita!

    • katrinadanieles says:

      LOL. Nangungutang na blogger talaga?! hahah. Baka di naman nawala, naging anonymous lang. heheh. marami din dito sa list na sapul ako. wahahah. wag ka na kasi magtaka te salbe, we’re friends because we’re awesome, yun na yun. hahah

  3. L says:

    ewan ko lang, kat, ha. pero tingin ko, ‘yung blogger na nai-date mo (?), mukang kupal. kasi normal na tao lang naman ang mga blogger. mas malalim lang mag-isip at magmasid. bow! :p

    • katrinadanieles says:

      Waaaah! Wala akong may nade-date na blogger. Lol! Natawa ako bigla sa thought. Ay Meron pala. Si jec, te salbe tsaka vaj.😉 hypothetical lang lahat yan, kung may natamaan, eh di ayos! Heheh.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s